Hindi lahat ay nagkakaroon ng tsansa na magkaroon ng partner in life. Habang ang iba naman ay mas pinipiling maging single hanggang sa kanilang pagtanda. Alamin sa article na ito ang signs kung ang marriage ba ay fit for your personality o mas prefer mo ang singlehood.
Mababasa sa artikulong ito:
- Signs na hindi para sa’yo ang marriage
Alamin sa iba’t ibang signs na ito kung marriage is not for you
“Baka naman maging malungkot ka niyan na mag-isa ka lang habang buhay?” | Larawan mula sa Pexels
Sa maraming tao, marriage ang peak ng kanilang buhay. Kumbaga isa ito sa dream nila para masabing na-achieve na nila most of their goals in life. Para naman sa ibang tao, hindi pagpapakasal ang priority nila sa kanilang buhay.
“Kailan ka ba mag-aasawa?”
“Baka naman maging malungkot ka niyan na mag-isa ka lang habang buhay?”
“Sino na lang mag-aalaga sa iyo kapag matanda ka na?”
Ganito palagi ang binabatong katanungan sa mga single na tao, lalo na kung nasa edad ka na para mag-asawa. Sinanay kasi ang lipunan na para bang mayroong expiration date para maging masaya ang isang tao. Kabilang diyan ang pag-aasawa at hindi pagiging single sa matagal na panahon.
“Singlehood is the state of being without a romantic partner.” | Larawan mula sa Pexels
Sa tingin kasi ng nakararami, mauuwi sa kalungkutan ang kawalan ng partner sa buhay. Marami ang hindi pa rin naniniwalang may mga tao talagang pinipiling maging single kaysa magkaroon ng karelasyon dahil sa tingin nila ay dito sila mas magiging masaya.
Ito ang tinatawag na singlehood, sa Study.com binigyan nila ng depinisyon ito bilang estado ng isang indididuwal na walang romantic partner.
“Singlehood is the state of being without a romantic partner. People who are single might be unmarried, divorced, widowed, or without a partner; the term expresses a wide variety of lived experiences and there is no single definition that applies to everyone.”
Maaari raw nitong maapektuhan ang buhay ng tao sa maraming paraan.
“Being single is something that impacts people in different ways; some people are very happy being single, while for others, not having a partner is a source of stress or sadness. Singlehood has a variety of psychological impacts that are influenced by other factors in a person’s life.”
Base pa sa ilang pag-aaral, halos kalahati raw ng adults ang nahihirapang makita ang kanilang sarili sa isang long-term relationship. Para malaman kung ang personality mo ay mas pinipiling maging single, narito ang ilang signs:
Alamin sa iba’t ibang signs na ito kung marriage is not for you | Larawan mula sa Pexels
Pagiging career-focused.
Unang dahilan kung minsan bakit ayaw ng ilan na pumasok sa relasyon ay dahil sa ‘self-love’. Naniniwala silang kailangan unahin muna ang sarili na alagaan at mahalin upang makapagbigay rin ng pag-ibig sa ibang tao. Hindi nangangahulugan naman ito ng pagiging masamang tao dahil sa pag-una sa sariling kapakanan.
Ayon sa maraming pag-aaral, nakita nila na mas nakapagbibigay rin daw ng happiness sa isang tao ang pagkakaroon ng trabaho kaysa sa pagkakaroon ng asawa. May mga tao kasing kakaiba ang fulfillment na nararamdaman sa pag-achieve ng sariling growth nila.
Hindi mo priority ang pagkakaroon ng anak.
Kasabay sa itinatakda ng lipunan ang pagkakaroon daw ng anak upang mayroong mag-alaga sa pagtanda. Kung hindi mo nakikitang kinakailangan mong maging responsibilidad sa anak sa iyong pagtanda, malamang ay isa ka sa mga taong hindi ito priority.
Kabilang kasi sa maling pagtingin ng maraming tao na gawing tagapag-alaga ang kanilang anak in the future. Dahil nga modern na ang panahon, marami na rin ang nagbabago at natututunang hindi dapat ganito ang pagtingin sa pagkakaroon ng anak.
May mga tao talagang priority sa buhay ang pagkakaroon ng anak, kung minsan pa nga ay pangarap nila ito. Walang mali sa mga taong ito, at wala ring mali kung hindi ito ang iyong pangarap. Nakadepende naman ang kasiyahan ng tao sa iba’t ibang gustuhin nila sa buhay. Walang ‘much better happiness’ dahil iba-iba ito sa kung ano ang gusto nilang makamit.
Mas pinipili mo alternative lifestyle.
Normal at kadalasang mukha ng buhay ang pagpapakasal, pagpapatayo ng bahay, at pagkakaroon ng anak. Marami sa mga taong pinili ito ay nagiging masaya naman, pero may mga tao ring alam nila sa sarili na hindi ito ang magpapasaya sa kanila. Ito ang mga taong gusto ng alternative na lifestyle.
Ito iyong mga tao na gustong sumubok ng maraming experience sa buhay. Gusto nilang nasusubukan ang maraming bagay at ayaw magpapako sa stagnant at paulit-ulit na routine. Kadalasang sila iyong may personality ng pagiging free-thinkers’. Itinuturing din sila mga taong may malalim na intellectual curiosity at mas naaappreciate nila ang aesthetics ng maraming bagay.
Maaaring sila iyong mas gustong magtravel, sumubok ng maraming ideas, at i-expose ang sarili sa maraming karanasan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!