#AskDok: Mga sintomas na bumuka ang tahi ng cesarean, ano ang dapat gawin at paano ito maiiwasan

Na-CS sa pangangak sa iyong sanggol? Ito ang mga dapat tandaan upang maiwasang bumuka o ma-impeksyon ang iyong CS wound.

Alamin ang sintomas na bumuka ang tahi ng cesarean, ano ang dapat gawin. Pati na ang mga paraan kung paano ito maiiwasang mangyari sayo.

Ang pagsailalim sa isang cesarean delivery, o mas kilala bilang c-section, ay may epektong mental at pisikal sa isang ina. Madalas sa isang cesarean section ang malakihang surgery sa tiyan.

Ang c-section ay maaaring makapagdulot nang mabuti para kay baby at mommy. Sa kabilang banda, posible rin itong magbunga ng iba’t ibang sintomas ng kumplikasyon, at maaaring bumuka ang sugat ng cesarean na dahilan ng matagal na paghilom.

Para sa mabilisang paghilom at recovery ni mommy, narito ang ilang mga bagay na dapat alamin mula sa panayam ng theAsianParent Philippines sa isang doktor.

4 warning signs at sintomas na bumuka ang tahi ng cesarean section

Ang cesarean section delivery ay madalas na inirerekumenda na gawin sa oras na nasa peligro ang buhay ng buntis at ng kaniyang dinadalang sangggol.

Ito ay isang ligtas na surgical procedure na may kaakibat ding komplikasyon. Ang komplikasyong ito ay nagaganap sa oras na hindi maalagaan ng maayos ang cesarean wound o ang tahi na dulot ng operasyon. Isa nga sa komplikasyong ito ay ang pagbuka ng CS wound o ng tahi nito.

1. Pagdurugo ng cesarean wound.

Ayon kay Dr. Maria Theresa Tangkeko Lopez, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center ang unang palatandaan na bumuka ang tahi ng CS ay ang pag-durugo nito.

Sapagkat bibihira umano itong nangyayari lalo na makalipas ang isa o dalawang araw matapos ang operasyon. Pahayag niya,

“Makikita mo it will start bleeding again kasi the cs wound is not supposed to bleed e. If ever makikita mo yung konting blood sa 1st and 2nd day, after that is shouldn’t be. Dapat dry siya talaga.”

2. Pagkakaroon ng yellowish o greenish discharge sa tahi ng cesarean wound.

Isa pang senyales na bumuka ang tahi ng CS wound ayon kay Dr. Lopez, ay ang paglalabas nito ng yellowish o greenish discharge.

Ayon sa health website na Healthline, ang pagkakaroon ng ganitong uri ng discharge sa tahi ng CS ay palatandaan na na-infect na ito at dapat ng makita ng iyong doktor.

3. May nakikitang butas o sintomas na bumuka ang tahi ng cesarean.

Dagdag pa ni Dr. Lopez, dapat nga daw agad na bumalik na sa iyong doktor sa oras na maliban sa pagdurugo at abnormal discharge sa tahi ng CS ay makikita rin na literal na bumukas na ito.

Ito ay para agad itong maagapan at maiwasang mas lumala pa ang sitwasyon. Papaliwanag ni Dr. Lopez,

“So, if meron siyang discharge na yellowish o greenish or even bleeding and you can physically see that there is a hole, these are the things that you should consult immediately with your obstetrician.”

4. Pananakit at pamamaga ng tahi.

Base naman sa Healthline, maliban sa mga nabanggit na senyales na bumuka ang tahi ng CS ay dapat ring hindi isawalang bahala ang pananakit at pamamaga ng tahi ng CS.

Lalo na ang lagnat na nasa 38°C o 100. 4°F na sinasabayan ng chills o pangangatog ng katawan. Sapagkat ana mga ito ay palatandaan na naimpeksyon na ang sugat at kailangan na ng agarang lunas o solusyon.

Photo by Sharon McCutcheon on Unsplash

Bakit bumubuka ang tahi ng Cesarean?

Madalas ay dahil allergic sa stitch na ginamit ang CS mom.

Paliwanag naman ni Dr. Lopez, ang pagbuka ng tahi ng CS ay hindi lang dahil sa hindi maayos ang pagkakatahi nito. Ito umano’y madalas na nangyayari dahil sa allergic sa ginamit na stitch ang babaeng sumailalim sa cesarean section delivery.

Paliwanag niya,

“Not all the pagbukas ng wound is because of technique. Like hindi ako binigyan ng tamang antibiotic or hindi magandang magtahi ‘yung OB ko. Sometimes kasi we’ve seen some women that is actually allergic with the stitch itself. So merong mga ganun na nagkakaroon sila ng problem sa pag-heal ng wound nila because of their allergy sa stitches o ‘yung ginagamit naming pangtahi. Its routine for us to use one particular stitch that is absorbable but may nakikita kaming patients na allergic dito. At ang nangyayari, no matter what you do nagbubuka ‘yung tahi nila at ang tagal mag-heal.”

Ayon naman sa Healthline, ang iba pang dahilan kung bakit bumubuka ang tahi ng CS ay ang sumusunod na dahilan:

Strain o stress o labis na pressure sa tiyan ng CS mom.

Ito ay maaaring sa dahil sa pagbubuhat ng mabigat, pag-akyat ng paulit-ulit sa hagdan, o pag-i-exercise ng CS mom ng napaaga matapos ang panganganak. Ang mga ito ay maaaring makapagpabuka o mag-punit ng tahi ng CS wound.

Poor healing.

Kung may sakit na nakakapagbagal ng healing ability ng iyong katawan tulad ng diabetes o obesity ay tumataas din ang tiyansa na magbukas ang tahi dulot ng CS delivery.

Necrosis.

Ang kakulangan sa dugo o oxygen sa area ng CS wound ay isa ring factor sa poor healing ito. May mga kasong naitala na dahil sa kondisyon na ito ay maaaring mamatay ang mga skin cells sa paligid ng tahi na tinatawag na necrosis.

Infection.

Kung ang CS wound ay na-infect ay mabagal rin ang pagaling nito.

Ayon sa Medical News Today, na-iinfect ang sugat ng CS sa oras na ito ay nagkaroon ng contact sa mga mapanganib na microbes. Tulad na lamang ng bacterium staphylococcus aureus, enterococcus at escherichia coli.

Tumataas din ang tiyansa ng isang CS mom na makaranas ng CS wound infection kung siya ay nakakaranas ng sumusunod na kondisyon:

  • Obesity
  • Diabetes
  • Hypertensive disorders
  • Twin pregnancy
  • Nakakaranas ng vaginal inspections
  • Mahabang period ng pag-lelabor
  • Paggamit ng epidural sa pag-lelabor
  • Recurrent pregnancy loss.

Ano ang dapat gawin sa oras na may sintomas na bumuka ang tahi ng cesarean?

Photo by Olga Kononenko on Unsplash

Tulad ng payo ni Dr. Lopez ay dapat agad na bumalik sa iyong doktor sa oras na bumuka ang tahi ng iyong CS wound. Ito ay upang agad itong maitama.

Gagawin ito ng doktor sa pamamagitan ng pagbibigay ng gamot tulad ng antibiotics para malabanan ang impeksyon. Saka ito muling tatahiin upang maisara gamit ang stitch na hiyang o angkop sa ‘yo.

Pahayag ni Dr. Lopez,

“For women with allergies, nowadays either we use the staplers pero bihira ang gumagamit sa atin noon kasi hindi rin maganda ang scars nun or the tape merong may gumagamit ng tape. For those women with allergies pero most of the time ‘yung natutunaw ang ginagamit natin.”

Ilang mga risks at side effects na maaaring maipakita ng sintomas na bumuka ang tahi ng cesarean

Sa pagkakaroon ng sintomas na may impeksyon o bumuka ang tahi ng cesarean wound, maaaring kaugnay ito ng mga side effects ng c-section. Ang ilan sa mga risks at side effects ng cesarean ay ang mga sumusunod:

  • impeksyon sa sugat ng tahi – nagdudulot ng pamumula, swelling o pagbubukol, mas matinding pagsakit, at discharge mula sa sugat (maaaring nana)
  • impeksyon sa uteris lining – ang mga sintomas ay lagnat, matinding sakit ng tiyan o puson, abnormal vaginal discharge, at matinding pagdurugo
  • matinding pagdurugo – posibleng mangailangan ito ng blood transfusion, o kung sa mas malalang sitwasyon, ay surgery para mapahinto ang pagdurugo

Ilan lamang ito sa mga side effects ng cesarean delivery, na maaaring makita rin sa mga sintomas na bumuka ang tahi ng cesarean. Kumonsulta agad sa doktor para sa treatment at antibiotics na irerekomenda sa mga mommies.

Bukol sa tahi ng cesarean

Ang hematoma ay maaaring bunga ng pagtahi at trauma sa mga daluyan ng dugo sa lugar ng ibabaw ng sugat. Madalas itong maging komplikasyon ng internal na panloob ng matris ng babae. Makikita ang bukol na ito na bunga ng blood clot sa pamamagitan ng ultrasound.

Ang bukol sa tahi ng cesarean ay maaring may iba pang komplikasyon, tulad ng deep vein thrombosis. Ito ay blood clot rin sa binti na nagdudulot ng pananakit at bukol. Kung hindi maagapan, delikado itong dumaloy hanggang sa inyong baga.

Kung kapansin-pansin ang bukol sa tahi ng cesarean, at nagpapakita ng sintomas maliban sa bumuka ang sugat, itawag agad sa inyong doktor.

Paano maiiwasan ang pagbuka ng tahi ng CS at ma-impeksyon ito?

Para maiwasan ang sintomas na bumuka ang tahi ng cesarean wound ay narito ang ilang bagay na maari mong gawin at tandaan:

  • Kumuha ng maraming pahinga hangga’t maari sa unang mga linggo matapos ang panganganak.
  • Kumain ng masusustansiyang pagkain kabilang na ang mga prutas at gulay.
  • Iwasan ang pagbubuhat ng mabigat maliban sa iyong sanggol.
  • Iwasan ang pagtayo ng matagal.
  • Huwag munang mag-exercise ng mabibigat o nangangailangan ng puwersa.
  • Iwasan ang pagsusuot ng masisikip na gamit.
  • Huwag munang makipagtalik sa loob ng 4-6 na linggo matapos manganak o kaya naman ay higit pa kung hindi ka pa naman handa.
  • Iwasan ang pagkuskos sa CS wound o pagdagan dito.

Photo by Shane on Unsplash

Para naman maiwasang ma-impeksyon ang Cesarean wound ay narito ang dapat gawin:

  • Panatalihing malinis ang CS wound sa pamamagitan ng paghuhugas dito ng sabon at maligamgam na tubig.
  • Pagtatakip sa sugat hangga’t ipinapayo ng doktor.
  • Iwasan muna ang paliligo, hot tubs at paglangoy sa swimming pools.
  • Sundin o inumin ang iniresetang gamot ng iyong doktor.

Gaano katagal gumaling o maghilom ang sugat ng cesarean

Maraming mababasang guide sa internet na nagsasabi kung gaano katagal maghilom ang sugat ng cesarean. Kadalasan, mababasa sa mga guide na ito na sa loob ng 4 hanggang 6 na linggo ang full recovery.

Ngunit, magkakaiba ang sitwasyon sa bawat ina kung gaano katagal gumaling ang sugat ng cesarean. Dagdag pa, batay sa mga pananaliksik, mas nagbibigay sila ng mas mahabang panahon ng paghilom. Batay sa isang pag-aaral, 60 percent ng mga nanganak na ina ang nakakaramdam ng pananakit sa tahi matapos ang 24 na linggo.

Unang linggo

Karamihan sa mga nanganak at sumailalim sa cesarean delivery ay kadalasang nagtatagal sa ospital sa loob ng dalawa hanggang apat na araw.

Sa panahong ito, tutulungan ka ng iyong health care provider sa pag-manage ng pananakit ng tahi, pagkain nang maayos at tama, at sa pagkilos-kilos. Bahagi rin ito ng bonding ninyo ni baby, na kung saan susubukin mo rin ang pagbe-breastfeed.

Kapag nakauwi na sa inyong bahay, inirerekomenda na iwasan muna ang masyadong paggalaw, pagbubuhat, o anomang kilos na magreresulta ng sintomas na bumuka ang tahi ng cesarean.

Kailangang pangalagaan at agapan ang anomang sintomas na bumuka ang tahi ng cesarean wound. Batay sa pagkuha ng suehstyon ng ClevelandClinic.com, payo ni Dr. Higgins ang pag-inom ng acetaminophen at ibuprofen sa regular na schedule. Maaaring ikonsulta rin sa doktor ang hinggil sa pag-inom ng pain reliever.

Week 2 to 5

Mga mommies, ang una ninyong postpartum visit ay dapat na gawin sa week 2 pagkatapos ng panganganak. Sa pagbisita sa inyong doktor, maaaring tignan ng doktor kung may sintomas kayo na bumuka ang tahi ng cesarean. Iche-check rin ng doktor kung ano ang inyong kailangan para sa recovery.

Itawag agad sa inyong doktor kung nakaranas kayo ng alinman sa mga nabanggit na warning signs at sintomas na bumuka ang tahi ng inyong cesarean wound.

Sa loob din ng mga linggong ito, maaaring maranasan ni mommy ang tinatawag na baby blues, bunga ng short-fluctuations ng inyong hormone. Magdudulot ito ng pabago-bagong mood, na kadalasan ay normal sa mga bagong panganak.

Ngunit, kung nakakaramdam ng mas higit pa sa pagbabago ng mood tulad ng kawalan ng pag-asa o depresiyon, kumonsulta agad sa doktor. Posibleng magrekomenda ang doktor ng ilang arrangement option para sa therapy dulot ng postpartum depression.

Week 6

Sa puntong ito, dapat ay nasa huling postpartum visit na si mommy. Pero, tandaan natin na hindi lahat ay may parehong phasing ng recovery. Isangguni sa doktor ang lahat ng inyong nararamdaman, lalo na sa mga hindi maintindihang sintomas na maaring bumuka na pala ang tahi ng cesarean wound.

Kung may pagbaba na sa nararamdamang pananakit ng tahi at progress ng paghilom, maaaring payuhan ka ng doktor na bumalik na sa mga daily activities.

Maaari rin na sa iyo ay mas matagal pa sa kung gaano kadalas katagal maghilom ang sugat ng cesarean.

 

Dagdag na impormasyon mula kay Nathanielle Torre

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.