5 early signs ng autism sa bata na kailangan mong bantayan
Mahalagang malaman ang maagang sintomas ng autism na kadalasang nakikita sa mga bata. Narito ang limang signs na kailangan mong bantayan. | Lead image from Unsplash
Habang tayo ay nabubuhay sa payapang mundo, may pagkakataong napapanatag tayo na walang mangyayari na masama sa ating mga anak. Ngunit gaya nga sa kasabihan, it’s better to be prepared than to be sorry.
Talaan ng Nilalaman
Ano ang Autism?
Ang Autism spectrum disorder ay mapansamantalang kondisyon sa mga bata. Mahirap kasing makita agad ang sintomas nito kahit na maraming bata ang na-diagnosed na sa sakit na ito. Ating alamin kung ano ba talaga ang Autism.
Ang Autism ay isang neurological condition na kadalasang nakikita ang sintomas sa unang tatlong taon nito. Ang batang may Autism ay mayroong delay sa kanilang development. Ito ay nahahati sa tatlong pangunahing bahagi o mas kilala bilang triad of impairments. Ito ang mga:
- Verbal and non-verbal communication
- Social interactions
- Imagination
Ang mga baby ay may kakayahan na espesyal at na-a-achieve ang kanilang milestones sa tulong ng sarili lang nila. Ngunit ang baby na hindi pa nakakalakad sa edad na 2-anyos, ito ay kailangang bigyan ng pansin dahil isa na itong sintomas ng autism o iba pang medical condition. Bukod pa rito, isa pang senyales ng autism ay ang pagkakaroon ng problema kapag hinahawakan sila ng ibang tao o problema sa pangkaraniwang tunog sa paligid.
Alam naming mahirap ang ganitong sitwasyon. Ngunit kung maaga itong malalaman at mabibigyan ng pag-aalaga, maaaring matulungan siyang magkaroon ng normal na buhay.
5 na maagang sintomas ng autism sa bata
1. Delayed milestones
Isa sa pangkaraniwan at maaari mong makita agad na sintomas ng autism ay ang magkakaroon ng delay nito sa kanyang milestones. Ang mga infant na 6-month-old ay marunong nang ngumiti, magulat ng bahagya o magkaroon nd respond sa boses. Ang mga batang may autism ay hirap ngumiti sa kanyang nanay, hirap mag-respond o mag babble.
2. Hindi alam ang kanyang pangalan
Ang batang may autism ay hirap na maintindihan ang kanyang pangalan o hindi tumitingin sa’yo kapag tinawag mo siya. Sa mga infant, madali kang makakuha ng respond kapag sila ay tinawag mo sa pangalan.
3. Hindi kayang makipag-eye contact
Isa pang early sign ng autism sa bata ay nahihirapan silang magkaroon ng eye contact sa tao. Ito rin ang dahilan ng pagka-delay nila sa communication at comprehension.
4. Hindi kayang mag-baby talk
Ang mga baby na may autism ay hirap sa baby sound. Mapapansin mo ito kapag sila ay tahimik lang palagi at walang kibo kahit nilalaro mo. Hindi sila nakakagawa ng maliliit na ingay na kadalasang ginagawa ng iba na sanggol. Nag-uumpisa ang baby sound pagsapit ng 3-4 months ng bata.
5. Mahigpit na patterns o routine
Kailangang masunod ng mga batang may autism ang kanilang routine sa araw-araw. Labis silang magagalit kung ito man ay masira o hindi masunod. Halimbawa, kailangan nilang matulog, kumain o maligo araw-araw ngunit kung ito ay hindi masunod, talagang ikagagalit nila ito.
Narito pa ang ibang sintomas ng autism sa bata
Kadalasan ito ang mga makikita o magsisilbing red flag mo:
- Hindi interesado sa pakikipaglaro sa edad na 18 month
- Hirap pa rin nakakapagsalita kahit dalawang taon na
- Hirap mag baby talk o anumang maliliit na ingay ng bata
Anong dapat mong gawin kapag nakitaan mo ang iyong anak ng early signs ng autism?
Kung sakaling nakitaan mo ang iyong anak ng sintomas ng autism, alam kong mahirap man itong tanggapin sa una pero kinakailangan na ipatingin agad ang iyong anak sa isang espesyalista or developmental pediatrician upang matukoy ang kaniyang kalagayan.
Sa ganitong paraan, matutulungan ka ng isang eksperto na malaman kung anong klaseng autism ang mayroon ang iyong anak. Tandaang malawak ang spectrum ng autism.
Kadalasan kasi sa mga magulang, kapag nakikitaan natin ng delay o kakaiba ang ating mga anak kahit na alam na natin na tila may mali sa kanilang paglaki ay sinasabi lang natin na, “Mawawala rin ‘yan paglaki niya.”
Pero kung may kakaiba na talaga sa iyong anak, mahirap man kailangan mong ipatingin siya sa isang doktor upang malaman talaga ang kaniyang kundisyon. Dahil kapag mayroon autism ang isang bata, mas maganda ang pagkakaroon ng early intervention para ma-address ang kaniyang kundisyon. Habang mas bata kasi mas madali silang matuto.
Tandaan parents, lagi nating isipin ang ikabubuti ng ating mga anak.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
- 8 signs na maaaring may autism ang baby
- Mom of special needs child to Cebu resort: "I just felt discriminated and excluded"
- Awra's father sa pagkakaroon ng two gay sons: "Kung hindi ko matatanggap, paano pa 'yong ibang tao?"
- Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”