6 mararamdamang sintomas ng buntis sa unang buwan ng kaniyang pagdadalang-tao

undefined

Maliban sa physical changes, may mga kapansin-pansin ring pagbabago sa kaniyang sarili ang isang babae sa unang buwan ng pagbubuntis. Alamin dito kung ano ang mga ito.

Sintomas ng buntis kapag 1 month: Narito ang mga mararamdamang sintomas ng buntis sa unang buwan ng pagdadalang-tao. Maliban sa physical changes o pagbabago sa kaniyang katawan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga sintomas ng buntis 1 month o sa unang buwan ng pagdadalang-tao.
  • Mga kapansin-pansing pagbabago sa pag-uugali at pakiramdam ng babae sa unang buwan ng pagbubuntis.

Sintomas ng buntis 1 month

Ang unang pangunahing palatandaan ng marami sa ating mga babae na maaaring tayo’y buntis sa tuwing hindi dumadating ang ating regla sa araw nating inaasahan. Kung buntis ay susundan pa ito ng iba pang pagbabago sa ating katawan.

Tulad ng pananakit at paninigas ng suso, madalas na pag-ihi at cramping o pananakit sa kaniyang tiyan. Pero maliban sa mga physical changes na ito ay may iba pang mararamdaman ang buntis sa unang buwan ng kaniyang pagdadalang-tao.

Ang mga ito ay ang mga sumusunod na mas nagpapatibay ng kaniyang hinala na siya nga ay buntis na.

Water photo created by tirachardz - www.freepik.com

Water photo created by tirachardz – www.freepik.com

1. Morning sickness.

Ang morning sickness o ang pagkahilo na may kasamang pagduduwal, ay isa sa mga kakaibang mararamdaman ng babae sa unang buwan ng pagbubuntis. Sa stage na ito ng pagbubuntis ay tila bumabaligtad lagi ang sikmura ng buntis o nagiging sensitive ito, partikular na sa umaga pagkakain na nagreresulta ng pagduduwal.

Pero ito ay maaari niya ring maranasan anumang oras at wala pang maipaliwanag na dahilang ang siyensya kung bakit nangyayari. Bagama’t pinaniniwalaang epekto rin ito ng hormonal changes sa kaniyang katawan.

2. Pagiging sensitive sa amoy.

Sa unang buwan ng pagbubuntis, ang isa pang mapapansing kakaiba ng isang babae sa kaniyang sarili ay ang pagiging sensitive niya sa mga amoy sa kaniyang paligid. Tulad na lamang na amoy ng bawang.

Kung noong una ito ay gustong-gusto niya, kapag siya ay buntis na ay maaring kaayawan niya. Ito ang nagiging isa pa sa dahilan ng kaniyang pagkahilo at pagduduwal. Ayon pa rin sa siyensya, ito ay iniiuugnay sa hormonal changes na nararanasan ng kaniyang katawan.

BASAHIN:

Bakit mas malaki ang tiyan sa pangalawang pagbubuntis? Ito ang mga dahilan!

11 harsh comments sa mga buntis: “Dapat matagal na kitang hiniwalayan. Nandito lang naman ako para sa bata.”

Top 5 Ferrous Sulfate para sa mga buntis at nagpaplanong magbuntis

Sintomas ng buntis 1 month

People photo created by karlyukav – www.freepik.com 

3. Pakiramdam ng matinding pagkagutom.

Tayong mga babae, partikular na kung tayo ay nagda-diet ay kaya nating tumagal ng walang kain-kain sa loob ng 8 hanggang 12 oras. Ang iba nga ay kayang gawin ito ng hanggang 24 oras pa. Pero sa oras na nagsisimula na ang pagbubuntis, ito ay maaring mabago na.

Sapagkat sa unang buwan ng pagbubuntis mo mararamdaman ang tila labis na panghihina kapag ikaw ay gutom na. Susundan na ito ng pagkahilo na maaaring sundan ng pagduduwal kung hindi ka agad makakain na.

4. Pagiging mapili sa pagkain.

Pero kahit ikaw ay gutumin sa pagsisimula ng pagbubuntis, hindi naman lahat ng pagkain ay nais mong kainin. Sapagkat may mga pagkain na kahit paborito mong kainin noon ay maaaring ayawan mo na.

Maaaring maging simula rin tio sa morning sickness mo pa. Iniiugnay ito sa mas pinapalakas mong pang-amoy na dahil parin sa hormonal changes na nararanasan ng iyong katawan.

Ito ay tinatawag ding stage ng paglilihi na kung saan may natatanging pagkain lang na gustong kainin ang buntis. Maaari niyang hanapin sa kahit anumang oras, araw man o gabi. Kapag hindi niya nakain ay tila nagpapasama ng pakiramdam at mood niya.

5. Mood swings.

Isa rin ito sa makikitang pagbabago sa pag-uugali ng isang babae sa tuwing siya ay nagbubuntis. Ang mga dating maliliit na bagay lang sa kaniya noon ay maaaring maging simula na ng pagiging emotional o madamdamin niya.

Gaya na lamang kapag hindi siya napagbigyan sa gusto niyang kainin. Maaari na siyang magtampo o makaramdam na tila hindi napagbibigyan ang gusto niya. Ito ay maaraing sundan na ng pag-iiyak na kung saan iniisip niya na hindi na siya mahalaga at nabibigyan ng sapat na pansin at oras.

6. Pagiging labis na antukin.

Kung dati ay kayang tumagal ng isang babae sa puyatan, kapag siya ay nagsisimula sa pagbubuntis ito rin ay maaaring maiba. Mapapansin niya na kahit ang mga ilang minutong biyahe ay magpapaantok sa kaniya.

Hindi niya rin namamalayang siya pala ay nakatulog na. Paliwanag ng siyenya ito pa rin ay kaugnay sa hormonal changes na nararanasan ng kaniyang katawan. Ganoon din sa labis na fatigue o pagkapagod ng kaniyang katawan. Sapagkat sa ginagawa nitong pagbabago para masuportahan ang unti-unting nabubuong buhay sa loob ng kaniyang tiyan.

Sintomas ng buntis 1 month

Business photo created by pressfoto – www.freepik.com 

Mga dapat gawin at isaisip ng buntis

Ang mga nabanggit ay ang mga kapansin-pansing pagbabago ng isang babae sa kaniyang sarili kapag siya ay buntis. Ayon sa mga eksperto, upang maibsan o maiwasan ang masamang epekto nito sa pagdadalang-tao ay dapat manatilihing healthy o malusog ang buntis.

Dapat ay kumain siya ng masusustansyang pagkain. Dapat rin ay uminom siya ng maraming tubig at manatiling hydrated. Makakatulong rin na maiwasan niya ang pagkahilo at pagduduwal kung makakakuha siya araw-araw ng sapat na oras ng pagtulog.

Higit sa lahat mahalaga na agad siyang magpunta sa doktor kung ang missed period at iba pang nabanggit na sintomas ay napatunayan niyang palatandaan ng pagbubuntis sa tulong ng resulta ng positibong pregnancy test.

Ito ay upang mabigyan siya ng sapat na kaalaman sa kaniyang kondisyon. At upang ma-resetahan siya ng dagdag na supplements o vitamins na kailangan para mas maging healthy ang development ng ipinagbubuntis niyang sanggol.

Source:

Mayo Clinic

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!