Ika-27 weeks ng pagbubuntis: Mga kailangan mong malaman
Si baby ay kasing laki na ng isang cauliflower. Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 27 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.
Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 27 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.
Gaano na kalaki ang iyong anak?
Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang cauliflower. Siya ay may habang 36.6 cm at timbang na 875.4 g.
Ang Development Ng Iyong Anak
Narito ang mga development ng 27 weeks na baby sa loob ng sinapupunan.
- Mas tumatalas ang pandinig ng iyong anak.
- Magsisimula na siyang magsinok at tumugon sa mga kinain mo.
- Nadiskubre na din niya ang thumb sucking. Nakakatulong ito upang mapatibay ang kaniyang panga at pisngi.
Mga sintomas ng buntis ng 27 weeks
- Makakaramdam ka ng paninigas ng iyong matris ng ilang minuto. Ang tawag dito ay Braxton-Hicks contractions. Inihahanda nito ang uterus para sa iyong panganganak.
- Magkakaroon ng konting pamamaga sa iyong paa at kamay. Ang tawag sa kondisyon na ito ay edema o manas.
- Makakaranas ka pa din ng pamamaga o pagdurugo ng gilagid. Maaari itong magtuloy-tuloy hanggang sa makapanganak.
- Maaaring makaramdam ng pangangalay ng binti na tinatawag na restless leg syndrome na dahil sa kakulangan sa iron.
Pangangalaga sa buntis
- Magkaroon ng tamang pangangalaga sa ngipin upang mas tumibay ang gilagid. Kumonsulta sa doctor kung hindi mawala ang pagdurugo ng gilagid. Gumamit ng floss pagkakatapos kumain.
- Mag-ehersisyo upang mabawasan ang pananakit ng katawan.
Checklist
- Magsimula sa iyong research tungkol sa placenta encapsulation kung ikaw ay interesado dito.
- Kumonsulta sa doctor tungkol sa breast milk.
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo
Ang susunod na linggo: Buntis ng 28 linggo
Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 26 linggo
May tanong ka ba tungkol sa lingguhang gabay ng mga buntis? Mag-iwan ng komento sa ibaba.
- Ika-29 weeks ng pagbubuntis: Mga kailangan mong malaman
- Ika-28 weeks ng pagbubuntis: Mga kailangan mong malaman
- Maja Salvador sa nalalapit na pagpapakasal: “I'm scared.”
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."