Congratulations mga mommy! Nalalapit na ang pagtatapos ng iyong second trimester! Hindi man naging madali ang mga nakaraang linggo at buwan ay umabot ka na sa puntong ito at papasok na sa ikatlong trimester.
Sa pag-apak ng iyong third trimester ng iyong pagbubuntis, maaaring iba ang pakiramdam mo sa bawat araw na lumilipas. Walang makapagsasabi kung magiging ayos ba ang iyong pakiramdam at magkakaroon k aba ng enrgy sa partikular na araw, kung pakiramdam mo ba ay pagod ka mula sa iyong paggising, at namamaga.
Ang tanging magagawa mo na lamang ay pagaanin ang iyong kalooban at ipahinga ang iyong katawan at isip. Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 26 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.
Gaano na kalaki ang iyong anak?
Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang lettuce. Siya ay may habang 35.6 cm o 14 inches at timbang na 762 g. Ang iyong matres ay sumisikip na para sa kanya kaya naman sa hindi magiging komportable sa oras na sya ay sumipa at mag-inat.
Ang development ng iyong anak
Narito ang mga development ng 26 weeks na baby sa loob ng sinapupunan.
Isang magandang pangyayari ang mangyayari sa linggong ito. Hanggang sa ngayon ay nakasara pa rin ang talukap ng iyong baby. Ngunit sa anumang punto o oras sa linggong ito ay bubukas na ang mata ni baby sa pinakaunang pagkakataon.
Bagaman hindi pa makakakita ng kahit ano sa loob ng sinapupunan ng kaniyang ina, magbubukas-sara lamang ang kaniyang mga mata sa kanyang paggising at matutulog na naman. Ganito lamang patuloy na nangyayari sa linggong ito at ito ay paulit-ulit.
Sa karaniwan, ang mga baby sa ika-26 week ay kulay asul pa rin na siya ding natural na magbabago habang siya ay lumalaki.
Dito sa ika-26 week rin ay patuloy lamang ang paghinga ni baby ng amniotic fluid na nakatutulong sa pagde-develop ng kaniyang baga.
Kung mayroon kang anak na lalaki ay mabubuo na ang kaniyang testicles sa puntong ito at bababa sa kaniyang scrotum.Ang bituka ng iyong baby ay patuloy pa rin sa paglaki at pagdevelop sa ika-26 na buwan.
Mas marami na ang na-aabsorb na nutrients nito mula sa amniotic fluids at sa inilalabas na enzymes na siyang nagiging nutrients tulad ng sugar, protein, at fats para sa pagdigest.
Habang ang nervous system ng iyong baby ay patuloy na nade-develop, ang kaniyang mga galaw ay mas nagiging coordinated. Sa paglaki at paglakas niya ay may lalo rin lalakas at sasakit ang mga galaw niya para sa isang ina. May mga pagkakataon din na mag-iinat ang baby at ang kaniyang mga bata ay mapupunta sa mga tadyang .
Ang iba pang mga pagbabagong mangyayari ay ang mga sumusunod:
- Buo na rin kaniyang hearing system (cochlea and peripheral sensory organs) kaya naman mas maayos ka ng maririnig ng iyong baby. Habang ang mga nerves sa kaniyan tainga ay nadedevelop, mas nakikilala niya na iyong boses kumpara sa mga nakapaligid sa kanya.
- Ang air sac ng kaniyang baga na tinatawag na alveoli ay mabubuo na din sa katapusan ng linggong ito. Ang kanilang baga na hindi pa labis na nade-develop kaya naman ang mga baby na sumasailalim sa preterm labor ay hirap sa paghinga. Ngunit mayroon pa rin namang tiyansa na mabuhay ito.
- Ang umbilical cord ay mas malakas at makapal na kaya’t nakakapag-supply ito ng lahat ng naaayong nutrients kay baby.
Mga sintomas ng buntis ng 26 weeks
Sa puntong ito ay nadagdagan na ang iyong timbang ng nasa 9 o 10 kilos. Kadalasan sa mga may ipinagbubuntis ay nadadagdagan ng 9 hangang 14 kilos.
Ekstrang timbang na ito ay hindi komportable at maaaaring hindi ka na masaya sa iyong itsura ngunit ang pagkain ng marami ay nakatutulong din naman sa iyo sa oras nan g breastfeeding.
Iba pang mga sintomas o pagbabago na mararamdaman ay ang:
- Ang mga contraction ay mas madalas na rin sa puntong ito at magiging mas malakas pa kaysa sa mga nangyayari sa nakaraang mga linggo.
- Ang iyong matris ay 6.35 cm na ang taas sa iyong pusod.
- Mas napapadalas na rin ang pagsakit sa may bahagi ng ribs o tadyang dahil sa paiba-ibang posisiyon ng baby.
- Dahil sa pressure na nailalagay ng baby sa iyong pantog, mas mapadadalas na ang pagbisita sa banyo para umihi.
- Normal lamang na makaramdam ng pananakit sa ilalim ng iyong ribs o tadyang pati na rin sa may ilalim ng likod. Ito ay dahil sa patuloy na paglaki at pag-inat ni baby para maging komportable siya sa loob ng sinapupunan.
- Makararmdam ng pamamaga sa katawan. Ito ay dahil sa pressure sa iyong tiyan at mga bituka. Maaaring maayos ang problemang ito sa pagbawas ng pagkain upang hindi masobrahan ang iyong digestive system.
- Maaari kang makaranas ng insomnia dahil sa mga masasakit na bahagi ng iyong katawan, heartburn at cramps.
- Maaari ka rin makaranas ng high blood pressure. Kumonsulta sa doktor upang malaman kung ikaw ay may preeclampsia.
- Lumalabo ba ang iyong paningin? Maaaring ito ay dahil sa mga hormones na nakakapagpatuyo ng iyong mata.
- May mga pagkakataon din naman na makakalimot sa mga bagay-bagay na sanhi ng tinatawag na “Pregnancy brain”.
- Ang kababaihang madalas na makaranas ng migraine habang hindi pa sila buntis ay mas makararanas nito habang sila ay buntis.
Larawan mula sa iStock
Paano nga ba maibsan ang sakit sa ribs?
Ang sakit sa ribs o tadyang ay madalas na lumalala bago ito maayos. Pero may mga gawain din naman na makatutulong para maibsan ang sakit na dala nito. Maaaring subukan ang:
- Pag-iiba ng posisiyon para sa mas kumportableng pwesto
- Hawakan o pindutin ang parte ng tiyan upang mausog si baby
- Subukan ang mag-yoga o pre natal stretching
- Subukan imaintain ang malusog na timbang
- Bumili at gumamit ng komprotableng damit
- Magsuot o gumamit ng belly support band
- Gumamit ng ekstrang unan kapag naka-upo o nakahiga para maging komportable
- Magtanong ng alternatibong paraan tulad ng acupuncture o chiropraction
Tiyansang mabuhay kung naipanganak na
Marami pang kailangang paglaki at pagde-velop ang kailangan ng isang 26-week na sanggol. Ngunit dahil sa mga modernong kagamitan ngayon ay mas malaki na ang tyansa nilang mabuhay kahit na silay ay premature pa rin.
Habang mas tumatagal at dumadaan ang bawat linggo, mas tumataas ang tiyansa ng pagkabuhay sa kanila at bumababa ang mga sakit na maaaring makuha.
Pangangalaga sa buntis
Larawan mula sa iStock
- Kumain ng sapat at nasa healthy diet. Subukang huwag maging stress kung ito ba ay magandang choice. Ang pangangalaga sa iyong timbang ay nakatutulong para mabawasan ang mga peligrong maaaring mangyari sa oras ng panganganak tulad ng hypertension at gestational diabetes.
- Kung may nakitang problema sa iyong placenta, maaari itong malutas sa pamamagitan ng pagkain ng masustansiya at pag-inom ng tubig. Kumain ng maraming lean meat at magbawas ng processed foods at mga taba sa pagkain para mapanatiling maayos ang mga blood vessel na siyang ginagamit para mapakain ang baby sa pamamagitan ng placenta at umbilical cord.
- Mag-ehersisyo at gumalaw-galaw bilang paghahanda sa iyong panganganak.
Checklist
- Maaari ng magpa-ultrasound sa ika-26 week at malalaman na ng doktor ang kasarian ng iyong baby.
- Magpa-schedule ng maternity photoshoot.
- Bumili ng mga kumportableng damit para sa iyong lumalaking tiyan.
- Magplano at mag-usap na kung ano ang paraan ng panganganak ang gustong gamitin. Kausapin ang asawa o partner maging ang doktor at midwife tungkol sa iyong pagbubuntis.
- Bumisita sa mga ospital upang makapili kung saan ka maaaring manganak.
- Makipag-usap ng mas madalas kay baby. Ngayon na kaya ka ng marinig ni baby ay mas magandang dagdagan ang oras ng pakikipag-usap sa kaniya. Kahit na anong klaseng pagbabasa o pakikipag-usap ay maaari. Gawin ito upang mas mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng inyong baby at sa sarili.
- Ang ika-26 ng pagbubuntis ay magandang oras rin para magsagawa ng babymoon, ito ay isang maikling bakasyon kasama ang iyong asawa o partner bilang paraan upang mag-enjoy bago ang oras ng panganganak.
Kailan dapat tumawag sa isang doktor?
Dapat ay laging maging alisto para sa mga sintomas na maaaring makasama kay baby. Kung nakararamdam ng regular na contractions o pananakit, ito ay maaaring senyales ng preterm labor.
Kung nagdadalawang-isip at hindi sigurado sa mga sintomas, maaaring tumawag sa inyong doktor. Ang mga maaari ring maranasan na kung saan ay dapat na itawag sa doktor ay:
- Sobrang pananakit sa tiyan
- Pagdurugo sa ari o pagtagas ng likido mula rito
- Pagkakaroon ng lagnat
- Panlalabo ng mga mata
- Pananakit ng ulo at severe migraines
- Sobrang pamamaga ng paa o pati ng mukha
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!