Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 28 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.
Gaano na kalaki ang iyong anak?
Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang chinese cabbage. Siya ay may habang 37.6cm at timbang na 1kg.
Ang Development Ng Iyong Anak
Narito ang mga development ng 28 weeks na buntis.
- Naigagalaw na ng iyong anak ang kaniyang ulo lalo na kung nakakita siya ng maliwanag na ilaw galing sa labas.
- Sanay na din siyang kumurap.
- Ang kaniyang mga buto ay malapit nang madevelop, pero ito ay medyo malambot pa.
- Mapapansin mo na ang iyong anak ay medyo malaman sa mga ultrasound. Ito ay dahil sa mga layers ng taba na nabubuo.
- Makakasurvive na ang kaniyang baga kung sakaling ipanganak siya ngayon.
Mga sintomas ng buntis ng 28 weeks
- Maaaring huminto na ang iyong morning sickness sa panahon na ito.
- Nararamdaman mo ang iyong matris sa itaas ng iyong pusod.
- Maaaring makaranas ng leg cramps at magkaroon ng haemorrhoids.
- Mahirap makahanap ng magandang posisyon sa pagtulog lalo na kung ang iyong anak ay sumisipa.
- Mas madalas makaranas ng constipation.
Pangangalaga sa buntis
- Bagaman makakabuti ang pag-eehersisyo, iwasan ang mga bagay na mabibigat at sobrang nakakapagod.
- Kumain ng masusustansyang pagkain.
- Uminom ng 8 hanggang 10 baso ng tubig araw-araw.
Checklist
- Mag-ehersisyo sa umaga upang mabawasan ang pamamaga ng mga paa.
- Magpa-3D o 4D ultrasound.
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo
Ang susunod na linggo: Buntis ng 29 linggo
Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 27 linggo
May tanong ka ba tungkol sa lingguhang gabay ng mga buntis? Mag-iwan ng komento sa ibaba.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!