Ika-29 weeks ng pagbubuntis: Mga kailangan mong malaman
Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 29 weeks at iba pang mahahalagang impormasyon tungkol sa iyong pagbubuntis.
Alamin sa article na ito ang mga sintomas ng buntis ng 29 weeks at iba pang mga mahahalagang impormasyon.
Gaano na kalaki ang iyong anak?
Ang iyong anak ay kasing laki na ng isang acorn squash. Siya ay may habang 38.6 cm at timbang na 1.15kg .
Ang Development Ng Iyong Anak
Narito ang mga development ng 29 weeks na baby sa loob ng sinapupunan.
- Kung lalaki ang iyong anak, ang kaniyang testicles ay bumababa na mula sa kidney papunta sa kaniyang singit. Kung babae ang iyong anak, mapapansin ang kaniyang clitoris dahil hindi pa ito natatakpan ng kaniyang labia.
- Ang muscles at baga ay patuloy na nade-develop.
- Mas tumatalas ang kaniyang pandinig.
- Mas dumadami ang kaniyang dugo.
Mga sintomas ng buntis ng 29 weeks
- Malakas ang sipa at suntok ng iyong anak
- Maaaring maisip mo na kumain maya’t maya dahil sa kailangan na nutrients ng iyong anak. Labanan ito.
- Maaaring magkaroon ng rashes, pangangati o pagka-dry ng balat. Iwasan ang pagkakamot at panatilihin na moisturized ang iyong balat.
- Makakaranas ng mga mood swings at laging pagod na pakiramdam.
Pangangalaga sa buntis
- Siguraduhin na mayroong 30 mg ng iron mula sa iyong prenatal vitamins o mga pagkain araw-araw.
- Matulog nang nakatagilid upang mas maging komportable ang iyong pagpapahinga.
Checklist
- Mag-research tungkol sa birthing class at mag-enroll kung mayroon ka nang napili.
- Maghanap ng mga nagbibigay ng postnatal massage upang marelax ka pagkapanganak.
- Gumamit ng compression stockings at itaas ang mga paa kung may varicose veins ang iyong mga binti.
- Kumain ng mga pagkain na mayaman sa iron.
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Ocampo
Ang susunod na linggo: Buntis ng 30 linggo
Ang nakaraan na linggo: Buntis ng 28 linggo
May tanong ka ba tungkol sa lingguhang gabay ng mga buntis? Mag-iwan ng komento sa ibaba.
- Ika-27 weeks ng pagbubuntis: Mga kailangan mong malaman
- Ika-28 weeks ng pagbubuntis: Mga kailangan mong malaman
- Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery
- Ogie Diaz on his daughter Erin: "Pagdating ng araw na iwan kayo ng asawa niyo, 'di kayo pwede pagmalakihan dahil may natapos kayo."