Sintomas ng buntis ng 30 weeks at ang mga developments sa paglaki ni baby sa linggong ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Development ng iyong baby kapag sumapit na ang 30 weeks ng iyong pagbubuntis
- Sintomas ng mga buntis ng 30 weeks.
- Paano maalagaan ang pangangatawan ng buntis at ng baby sa loob ng sinapupunan ng ina
Gaano na kalaki si baby sa kaniyang ika-30 na linggo?
Mga development ni baby sa kaniyang ika-30 na linggo
Narito ang mga gabay sa pagbubuntis at sa development ng iyong baby habang siya’y nasa loob ng iyong sinapupunan.
- Ang brain at new fat cells ni baby ang nagre-regulate ng kaniyang body temperature.
- Nagsisimula nang mawala ang kaniyang lanugo o ang malambot na buhok na bumabalot sa kaniyang katawan. Pero maaari ka pa ring makakita ng ilan sa mga ito kapag siya’y naipanganak mo na.
- Ang kaniyang bone marrow ay nagsisimula nang mag-produce ng red blood cells.
- Nagsisimula na ring mag-develop at magkaroon ng grooves at indentations ang ibabaw na parte ng utak ni baby na makinis pa sa ngayon.
- Malapit ng mag-mature ang kaniyang lungs at digestive tract.
Sintomas ng buntis ng 30 weeks
- Ang mood swings at morning sickness na naranasan mo sa simula ng iyong pagbubuntis ay magbabalik sa ngayon dulot ng hormonal changes.
- Makakaranas ka rin ng heartburn na maaaring umatake anumang oras.
- Dahil rin sa hormonal changes, ang iyong ligaments o litid sa katawan ay mas relax. Ang mga joints mo ay naglo-loose na nagiging dahilan din sa pagkawala ng iyong balanse.
- Ang relaxation na nagaganap sa iyong ligaments ay nagiging dahilan naman sa paglaki ng iyong paa. Kaya maiging bumili na ng bagong sapatos na mas malaki ang size.
- Maaari ka pa ring makaranas ng heartburn at indigestion. Dahil umano ito sa iyong pregnancy hormones na nagiging sanhi kung bakit ang iyong pelvic muscles ay nagre-relax upang maipanganak mo ang iyong baby na relax din. Ang resulta nito’y ang iyong mga kinakain at digestive juice ay maaaring pumunta sa iyong tummy papunta sa iyong dibdib hanggang sa iyong throat. Ang iyong expanding uterus, ay nagiging sanhi ng pressure sa iyong tiyan na nagiging sanhi rin ng heartburn at indigestion.
- Makakaramdam ka na rin ng pagbabago sa fetal movement ng iyong anak. Mapapadalas ang kaniyang paggalaw sa loob ng iyong sinapupunan. Asahan na rin na mararamdaman mo ito lagi pagkatapos mong kumain.
- Maaari ka ring makaranas ng constipation. Sanhi ng iyong expanding uterus.
- Sa pagkakataong ito, maaari na ring lumabas ang iyong mga stretch marks. Kung ika’y nababahala rito, lalo na sa pangangati. Tanungin ay iyong doktor kung ano ang pwede mong ipahid upang hindi ito mangati.
- Maaari ka pa ring makaranas ng fatigue sa panahong ito.
- Sa panahong ito maaaring magpatuloy pa rin ang pregnancy acne kung mayroon ka nito.
Pag-aalaga sa sarili
- Ipagpatuloy ang pagpapraktis ng good posture para makontrol ang sakit sa ibabang bahagi ng iyong likod.
- Magpahinga at magdahan-dahan hanggang sa iyong last trimester. Makakatulong ito para maibsan ang mga sintomas ng pagbubuntis, hormonal imbalances at sakit na nararanasan.
- Para naman maiwasan ang heartburn habang nagbubuntis ay gawin ang sumusunod:
- Umupo ng tuwid habang kumakain at dalawang oras pagkatapos kumain.
- Kumain ng dalawang oras bago matulog para may oras ang iyong katawan na ma-digest ang iyong kinain.
- Puwesto ng pataas sa unan na iyong tinutulugan at iwasang mahiga ng flat sa higaan.
- Gumamit din ng pregnancy pillow upang makatulong sa iyong pagtulog.
- Mas mainam na gumamit ng flat shoes upang hindi mahirapang maglakad at para hindi ka madulas. Siguraduhing ang iyong flat shoes ay hindi madulas at pang buntis talaga.
- Maaari ring gumamit ng mga skin care products kung ika’y nakakaranas ng acne breakouts. Subalit mas mainam na magpakonsulta muna sa iyong doktor upang malaman kung ano ang pwede mong ipahin o gawin nang hindi nakakasama sa iyong baby.
Larawan mula sa iStock
Ang iyong checklist
- Nag-iisip ng herbal bath pagkapanganak? Pumunta sa Chinese medical halls o gawin itong easy recipe.
- Bisitahin ang iyong doktor para sa regular na check-ups, ultrasounds, at blood tests.
Ang iyong susunod na linggo: sintomas ng buntis ng 31 weeks
Ang iyong nakaraang linggo: ang week 29 ng pagbubuntis
Isinalin sa Filipino ni Irish Mae Manlapaz
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!