TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Ika-30 weeks ng pagbubuntis: Mga kailangan mong malaman

4 min read
Ika-30 weeks ng pagbubuntis: Mga kailangan mong malaman

Sa ngayon ay nagdedevelop at lumalaki na ang utak ng iyong baby. Maari ka ring makaranas ng heartburn na maari mo namang maiwasan.

Sintomas ng buntis ng 30 weeks at ang mga developments sa paglaki ni baby sa linggong ito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Development ng iyong baby kapag sumapit na ang 30 weeks ng iyong pagbubuntis
  • Sintomas ng mga buntis ng 30 weeks.
  • Paano maalagaan ang pangangatawan ng buntis at ng baby sa loob ng sinapupunan ng ina

Gaano na kalaki si baby sa kaniyang ika-30 na linggo?

sintomas ng buntis ng 30 weeks

Mga development ni baby sa kaniyang ika-30 na linggo

Narito ang mga gabay sa pagbubuntis at sa development ng iyong baby habang siya’y nasa loob ng iyong sinapupunan.

  • Ang brain at new fat cells ni baby ang nagre-regulate ng kaniyang body temperature.
  • Nagsisimula nang mawala ang kaniyang lanugo o ang malambot na buhok na bumabalot sa kaniyang katawan. Pero maaari ka pa ring makakita ng ilan sa mga ito kapag siya’y naipanganak mo na.
  • Ang kaniyang bone marrow ay nagsisimula nang mag-produce ng red blood cells.
  • Nagsisimula na ring mag-develop at magkaroon ng grooves at indentations ang ibabaw na parte ng utak ni baby na makinis pa sa ngayon.
  • Malapit ng mag-mature ang kaniyang lungs at digestive tract.

Sintomas ng buntis ng 30 weeks

  • Ang mood swings at morning sickness na naranasan mo sa simula ng iyong pagbubuntis ay magbabalik sa ngayon dulot ng hormonal changes.
  • Makakaranas ka rin ng heartburn na maaaring umatake anumang oras.
  • Dahil rin sa hormonal changes, ang iyong ligaments o litid sa katawan ay mas relax. Ang mga joints mo ay naglo-loose na nagiging dahilan din sa pagkawala ng iyong balanse.
  • Ang relaxation na nagaganap sa iyong ligaments ay nagiging dahilan naman sa paglaki ng iyong paa. Kaya maiging bumili na ng bagong sapatos na mas malaki ang size.
  • Maaari ka pa ring makaranas ng heartburn at indigestion. Dahil umano ito sa iyong pregnancy hormones na nagiging sanhi kung bakit ang iyong pelvic muscles ay nagre-relax upang maipanganak mo ang iyong baby na relax din. Ang resulta nito’y ang iyong mga kinakain at digestive juice ay maaaring pumunta sa iyong tummy papunta sa iyong dibdib hanggang sa iyong throat. Ang iyong expanding uterus, ay nagiging sanhi ng pressure sa iyong tiyan na nagiging sanhi rin ng heartburn at indigestion.
  • Makakaramdam ka na rin ng pagbabago sa fetal movement ng iyong anak. Mapapadalas ang kaniyang paggalaw sa loob ng iyong sinapupunan. Asahan na rin na mararamdaman mo ito lagi pagkatapos mong kumain.
  • Maaari ka ring makaranas ng constipation. Sanhi ng iyong expanding uterus.
  • Sa pagkakataong ito, maaari na ring lumabas ang iyong mga stretch marks. Kung ika’y nababahala rito, lalo na sa pangangati. Tanungin ay iyong doktor kung ano ang pwede mong ipahid upang hindi ito mangati.
  • Maaari ka pa ring makaranas ng fatigue sa panahong ito.
  • Sa panahong ito maaaring magpatuloy pa rin ang pregnancy acne kung mayroon ka nito.
sintomas ng buntis ng 30 weeks

Sintomas ng buntis ng 30 weeks. | Larawan mula sa People photo created by jcomp – www.freepik.com

Pag-aalaga sa sarili

  • Ipagpatuloy ang pagpapraktis ng good posture para makontrol ang sakit sa ibabang bahagi ng iyong likod.
  • Magpahinga at magdahan-dahan hanggang sa iyong last trimester. Makakatulong ito para maibsan ang mga sintomas ng pagbubuntis, hormonal imbalances at sakit na nararanasan.
  • Para naman maiwasan ang heartburn habang nagbubuntis ay gawin ang sumusunod:
    • Umupo ng tuwid habang kumakain at dalawang oras pagkatapos kumain.
    • Kumain ng dalawang oras bago matulog para may oras ang iyong katawan na ma-digest ang iyong kinain.
    • Puwesto ng pataas sa unan na iyong tinutulugan at iwasang mahiga ng flat sa higaan.
  • Gumamit din ng pregnancy pillow upang makatulong sa iyong pagtulog.
  • Mas mainam na gumamit ng flat shoes upang hindi mahirapang maglakad at para hindi ka madulas. Siguraduhing ang iyong flat shoes ay hindi madulas at pang buntis talaga.
  • Maaari ring gumamit ng mga skin care products kung ika’y nakakaranas ng acne breakouts. Subalit mas mainam na magpakonsulta muna sa iyong doktor upang malaman kung ano ang pwede mong ipahin o gawin nang hindi nakakasama sa iyong baby.
sintomas ng buntis ng 30 weeks

Larawan mula sa iStock

Ang iyong checklist

  • Nag-iisip ng herbal bath pagkapanganak? Pumunta sa Chinese medical halls o gawin itong easy recipe.
  • Bisitahin ang iyong doktor para sa regular na check-ups, ultrasounds, at blood tests.

Ang iyong susunod na linggo: sintomas ng buntis ng 31 weeks

Ang iyong nakaraang linggo: ang week 29 ng pagbubuntis

Isinalin sa Filipino ni Irish Mae Manlapaz

Partner Stories
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
A Simple Guide To Gentle Parenting
A Simple Guide To Gentle Parenting
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home
Experts say curbing the spread of seasonal flu virus starts at home

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jasmine Yeo

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Para Sa Magulang
  • /
  • Ika-30 weeks ng pagbubuntis: Mga kailangan mong malaman
Share:
  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

    Mura Pero Madumi: Contaminated Baby Wipes na Nabibili Online, Babala sa Mga Magulang

  • How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

    How to Ease Your Toddler’s Separation Anxiety When You Leave for Work

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko