Sintomas ng buntis ng 31 weeks at ang mga developments sa paglaki ni baby sa linggong ito.
Gaano na kalaki si baby sa kaniyang ika-31 na linggo?
Mga developments ni baby sa kaniyang ika-31 na linggo
Sa gabay sa pagbubuntis na ito ay matutunan mo ang sumusunod:
- Ang mga kamay, binti at katawan ni baby ay nakaproporsyon na sa kaniyang ulo.
- Nagdedevelop na rin ang kaniyang organs gaya ng kaniyang bladder o pantog na nadadaanan na ng tubig.
- Alam na rin ni baby kung maliwanag at madilim ngunit hindi parin ito ang magiging batayan niya sa pagtulog at paggalaw.
- Sa ngayon ay nagsisimula narin gumawa ng iba’t-ibang reaksyon sa mukha si baby. Natuto narin siyang lumunok, huminga, igalaw ang kaniyang mga kamay at paa at mag-thumb suck.
Sintomas ng buntis ng 31 weeks
- Magiging mas madalas ang iyong pag-ihi dahil sa pressure na dulot ng iyong uterus sa iyong bladder.
- Makakaranas ka rin ng pasumpong-sumpong na sakit ng ulo. Kung ang tensyon ay nagpapasakit ng iyong ulo, magpalipas ng oras sa isang madilim at tahimik na lugar.
- Ang lumalaki mong tiyan ay maaring sumakit dahil sa pagkakabanat para ma-accomodate ang iyong dinadala. Ito ang tamang oras para i-incorporate ang prenatal yoga sa iyong routine.
- Mas nagiging makakalimutin? Ito ay dahil sa pagbaba ng brain-cell volume sa iyong third trimester. Huwag mag-alala dahil babalik naman ito sa normal pagkatapos mong manganak.
Pag-aalaga sa sarili
- Magdahan-dahan sa loob ng banyo o pagpasok sa tub. Maglagay ng basahan sa mga parte ng bahay na maari kang madulas.
- Maglakad-lakad sa araw o gumawa ng ibang form ng low-key, circulation-boosting exercise.
Ang iyong checklist
- Ready na ba ang iyong hospital bag? Kung hindi pa, ito ang tamang oras na ihanda na ito. Narito ang aming delivery bag checklist na maari mong mai-download.
- Magikot-ikot na sa birthing centers o ospital na maari mong mapag-anakan.
- Kung mapapansin mong namamaga ang iyong mukha, komunsulta na sa iyong doktor. Kung ito ay sinasabayan ng pagbabago sa iyong paningin at pananakit ng ulo, ang pamamaga ay maaring tanda ng preeclampsia.
Ang iyong susunod na linggo: sintomas ng buntis ng 32 weeks
Ang iyong nakaraang linggo: 30 weeks pregnant
Mayroon ka bang katanungan sa iyong pagbubuntis? Ano ang iyong mga concerns? Mag-iwan sa amin ng komento!
Isinalin sa Filipino ni Irish Mae Manlapaz
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!