Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Sintomas ng buntis ng 32 weeks at ang mga developments sa paglaki ni baby sa linggong ito.
Gaano na kalaki si baby sa kaniyang ika-32 na linggo?
Mga developments ni baby sa kaniyang ika-32 na linggo
Sa gabay sa pagbubuntis na ito ay matutunan mo ang sumusunod:
- Ang iyong sanggol ay lumulunok, humihinga, sumisipa at nagtathumb-suck na ngayon.
- Buo na ang kaniyang digestive system at handa na sa kaniyang paglabas.
- Ang kaniyang balat ay unti-unti ng nagkakaroon ng kulay.
- Nakakatulog na siya ng maayos ngayon ng nasa 20 to 40 minutes long. Ito ang paliwanag kung bakit naging madalang ang paggalaw niya sa loob ng iyong tiyan.
Sintomas ng buntis ng 32 weeks
- Ang iyong tiyan ay pakati ng pakati dahil sa pagkakabanat ng balat habang ito ay lumalaki ng lumaki.
- Makakaramdam ka ng masakit na contractions sa iyong binti na mas lalala pa sa gabi.
- Ang iyong lumalaking uterus ay iniipit ang iyong dumi kaya ito nagiging mabagal at irregular.
- Nagsisimula naring may lumabas na yellowish fluid sa iyong suso na kung tawagin ay colostrum, na pagsisimula ng pagkakaroon mo ng gatas o breastmilk.
Pag-aalaga sa iyong sarili
- Mag-exercise ng regular tulad ng paglalakad o kaya naman ay mag-prenatal yoga. Uminom rin ng maraming tubig.
- Magbaon ng protein at carb rich na snack sa iyong bag na maari mong kainin kapag ikaw ay nahihilo.
- Subukan ang calamine o iba pang uri ng anti-itch lotion para sa patuloy na pangangati sa katawan.
Ang iyong checklist
- Huwag mag-alala kung ikaw ay mayroong stretch marks. Halos 90% ng mga babaeng nabubuntis ay nagkakaroon niyan. Ang mga stretch marks ang palantandaan na lumalaki nang maayos ang iyong baby.
- Maging handa at alamin ang palatandaan ng pagle-labor tulad ng pagputok ng panubigan, period-like cramps, pagdurugo, pagtatae at contractions sa iyong uterus.
- Ito na ang tamang oras para sa baby shower!
Ang iyong susunod na linggo: sintomas ng buntis ng 33 weeks
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Ang nakaraang linggo: 31 weeks ng pagbubuntis
Mayroon ka bang katanungan sa iyong pagbubuntis? Ano ang iyong mga concerns? Mag-iwan sa amin ng komento!
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Isinalin sa Filipino ni Irish Mae Manlapaz
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!