Sintomas ng buntis ng 40 weeks at ang mga paghahanda sa nalalapit na pagdating ni baby.
Gaano na kalaki si baby sa kaniyang ika-40 na linggo?
Mga developments ni baby sa kaniyang ika-40 na linggo
Sa gabay sa pagbubuntis na ito ay matutunan mo ang sumusunod:
- Sa ngayon ay bungo ng iyong baby ay hindi pa ganoon katigas. Ito ay para hindi ito mahirapang lumabas sa birth canal kapag siya ay ipinanganak na. Ang tawag dito ay molding ang dahilan kung bakit hugis oval ang ulo ng baby pagkapanganak at hindi bilog.
Sintomas ng buntis ng 40 weeks
- Hindi parin magiging komportable ang iyong pakiramdam lalo na sa iyong bandang balakang. Makakaramdam ka narin ng pasumpong-sumpong na sakit sa iyong tiyan, vaginal area at sa paligid ng iyong binti.
Pag-aalaga sa sarili
- Huwag masyadong mag-alala sa nalalapit na panganganak. Hangga’t maari ay matulog ng matulog dahil kapag nakapanganak ka na ay mawawalan ka ng oras sa pagpapahinga. Ito ay dahil sa excitement at pag-aalaga sa pagdating ng iyong baby.
- Kailangan mong matutunan kung ano ang mga palantandaan na pumutok na ang iyong panubigan o amniotic sac. Ang aminiotic fluid ay madalas na colorless at walang amoy. Kung sakaling may lumabas mula sayo na kulay yellow at kaamoy ng ammonia, ito ay iyong ihi at hindi ang yung amniotic fluid.
- Isang paraan para malaman kung pumutok na ang iyong amniotic sac, ay ang subukang patigilin ang pagtulo ng fluid mula sa iyong pwerta. Subukan ito sa pamamagitan ng pag-squeeze ng iyong pelvic muscles o Kegel execise. Kung ang pagdaloy ng fluid ay tumigil, ito ay ihi lamang. Ngunit kung hindi, ito ay ang amniotic fluid mo na. Kung ang amniotic fluid ay kulay green o brown, tumawag na agad sa iyong doktor dahil ito ay palatandaan na dumumi na ng meconium ang iyong baby sa loob ng iyong tiyan na maaring makasama sa kaniya.
Ang iyong checklist
- Anumang oras mula sa ngayon ay dadating na ang iyong baby. Pinakamagandang gawin ay matulog at magrelax para ikaw ay makapagpahinga na mahihirapan mo ng makuha kapag si baby ay dumating na.
Ang iyong susunod na linggo: sintomas ng 41 weeks pregnant
Ang iyong nakaraang linggo: 39 weeks pregnant
Mayroon ka bang katanungan sa iyong pagbubuntis? Ano ang iyong mga concerns? Mag-iwan sa amin ng komento!
Isinalin sa Filipino ni Irish Mae Manlapaz
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!