Sintomas ng buntis ng 42 weeks at ang nalalapit na pagdating ng iyong baby.
Gaano na kalaki si baby sa kaniyang ika-42 na linggo?
Mga developments ni baby sa kaniyang ika-42 na linggo
Sa gabay sa pagbubuntis na ito ay matutunan mo ang sumusunod:
- Sa kaniyang paglabas, ang iyong baby ay mayroong dry, cracked, peeling, o wrinkled skin ngunit pansamantala lamang ito. Ito ay resulta ng pagkakaalis ng protective wax o vernix na nakapalibot sa kaniyang katawan noong siya ay nasa loob pa ng iyong tiyan.
- Mayroon narin siyang mahabang kuko at buhok at mas alerto na.
Sintomas ng buntis ng 42 weeks
- Patuloy ka paring makakaranas ng frequent urination, pelvic pains, nesting instincts, hemorrhages, at diarrhea.
- Kung kabilang ka sa 2% ng mga kababaihang na-overdue ang pagbubuntis, huwag mag-alala at isiping bago pa man matapos ang linggong ito ay makakapanganak ka na. At sa susunod na linggo ay may bagong miyembro na ang kukumpleto at mas magbibigay saya sa iyong pamilya.
Pag-aalaga sa sarili
- Patuloy na bantayan ang mga palatandaan ng pagle-labor. Isa sa pre-labor signs na maaring maranasan ay ang pagkakaroon ng matubig o basang dumi. Isa itong paraan ng katawan para linisin ang iyong intestines at magbigay daan sa paglabas ng iyong baby sa iyong tiyan.
- Kung ang contractions mo ay malakas at sobrang sakit, tumatagal ng 45 seconds at sumusumpong kada limang minuto, ito ay nangangahulugan na manganganak ka na sa mga susunod na oras.
Ang iyong check list
- Mag-relax at isipin na malapit mo ng makita ang iyong baby anumang oras.
- Ihanda at itabi sa lugar na madaling kunin ang mga gamit na iyong dadalhin sa ospital sa iyong panganganak.
- Kung hanggang ngayon ay wala paring naiisip na ipapangalan kay baby ay aliwin ang sarili sa pamamagitan ng paghahanap at pag-iisip ng the best na ipapangalan sa kaniya. Maaring ito ay mula sa pinagsamang pangalan ninyo ni Mister. O kaya naman ay ang paborito mong karakter sa pelikula o bibliya na may natatanging kahulugan na angkop at babagay sa iyong anak.
Ang iyong nakaraang linggo: sintomas ng buntis ng 41 weeks
Mayroon ka bang katanungan sa iyong pagbubuntis? Ano ang iyong mga concerns? Mag-iwan sa amin ng komento!
Isinalin sa Filipino ni Irish Mae Manlapaz
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!