Matinding pangangati habang buntis? Baka sintomas na 'yan ng mas malalang sakit

Ikaw ba'y may matinding pangangati habang buntis sa iyong baby? Baka sintomas na iyan ng cholestasis isang sakit na delikado para sa iyong baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nasimulang akong mangati pagkatapos ng aking first trimester. Hindi lamang iyon simpleng pangangati, para itong isang plague level.”

Ayon ito kay Sarah Strand, 40-anyos isang associate professor sa Loyola Marymount University sa Los Angeles; na nagbuntis ng kambal noong nakaraang taon at nag-diagnose ng cholestasis, alamin ang sintomas nito at kung paano ito maiiwasan.

“Para kang nasa kuweba ng mga lamok,” dagdag pa niya. Sobra umano ang pangangati na kaniyang nararansan lalo pa kapag gabi, kahit natutulog na siya’y nagigising siya dahil sa kati na kaniyang nararanasan. Nagigising pa umano siya puro dugo ang kaniyang higaan dahil sa sobra niyang pagkamot.

Tinawagan niya ang opisina ng kaniyang doktor at sinabihan siya ng nurse nito na magpatingin sa dermatologist, subalit hindi rin nakaramdam ng ginhawa si Strand matapos magpatingin sa isang dermatologist.

Sa paglapit ng kaniyang panganganak, sinabi niyang sobrang kati na kaniyang nararanasan ay pakiramdam niya’y “nababaliw” na siya. Nang nasa ika-34 linggo na siya sa kaniyang pagbubuntis, nagsimula si Sarah Strand na mag-research patungkol sa mga sintomas na nararamdaman niya, dahil gusto niya nang mahinto ang nararanasanang matinding pangangati. Doon niya natuklasan ang isang liver disease na kung tawagin ay intrahepatic cholestasis of pregnancy.

Ano ang sintomas ng cholestasis?

Ano ang cholestasis?

Pinababagal o pinahihinto ng cholestasis ang daloy ng apdo sa atay. Karaniwan kasi na gallbladder, isang maliit na organ sa ilalim ng atay o liver, ay naglalabas ng apdo papunta sa small intestine upang matulungan ang pag-break down at pag-absorb ng mga fat habang digestion. Kapag ang daloy ng apdo o bile ay napipigilan, ang acid apdo ay magbi-build up sa atay at magli-leak o tatagas ito sa bloodstream.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napag-alaman sa ilang pag-aaral na kapag mas marami ang bile acids o acid sa apdo na nagbi-build up sa bloodstream, mas mataas ang tiyansa ng the stillbirth. Ang iba pang panganib na dala ng cholestasis ay fetal distress, preterm delivery, at maternal haemorrhage. At kapag ang isang ina ay mayroong cholestasis. Malaki ang tiyansang mapasa ang first stool sa kaniyang anak o meconium sa loob ng kaniyang sinapupunan. Maaari itong maging mapanganib para sa baby kapag na inhale niya ito sa kaniyang baga.

“Nag-freak out ako,” ani ni Strand.

Nag-undergo si Strand sa isang blood test upang makita kung tumaas ang liver enzymes, isa itong sign para makita kung na-damaged ba ang kaniyang liver cells. Nang lumabas ang resulta, laking gulat niya at ng kaniyang doktor halos 30 times na mas mataas ito kaysa sa normal.

Pagsasagawa ng bile acid test

Ang pagsasagawa ng isang bile acid test o pagte-test sa acid sa apdo ay ang pinakamainam na paraan upang malaman kung mayroon cholestasis, nang magte-test din nito si Strand nakitang severely elevated din ito. Sinabihan siya ng kaniyang doktor na ito umano ang pinakamataas na number na kaniyang nakita, ayon pa kay Strand.

Kapag na-diagnose ang isang babae ng cholestasis, karamihan sa mga obstetrician kinukunsidera ang optimal timing ng delivery, mga 37 weeks. Subalit sa kaso ni Strand inabisuhan siya ng kaniyang doktor na kailangan niya nang mag-emergency delivery.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nasa 34 weeks at 6 dats pa lamang noon ang ipinagbubuntis na kambal ni Sarah, naipanganak niya ito via C-section. Makalipas ang 24 oras ang pangangati ni Strand ay biglang Nawala.

Ang cholestasis ay meydo bihirang kundisyon at maaari iba ang sintomas nito sa iba’t ibang babae. Kaya naman hindi agad naiisip ng mga doktor o nurse na kapag nagreklamo ang kanilang pasyente ay may cholestasis agad sila. Ang pangunahing sintomas ng cholestasis ay pangangati, maaaring i-mimic ang iba pang problema katulad ng PUPPP (pruritic urticarial papules and plaques of pregnancy), eczema o general na pangangati na nararanasan ng mga buntis na babae kapag nababanat ang kanilang balat at tumataas ang blood volume at nagsisimulang magbago ang kanilang hormone levels.

“Ang usapin at kundisyon na ito ay nasa aming radar na ng ilang dekada.”

Sinabi ito ni Dr. Jonathan K. Mays, M.D., direktor ng obstetrics at maternal-fetal medicime sa NYC Health + Hospitals/Metropolitan at isang associate professor sa New York Medical College.

Kung hindi ito matutuklasan agad, maaaring magresulta ito ng masama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN: 

Ilang beses ba dapat sumisipa si baby kapag nasa third trimester na ng pagbubuntis?

Normal lang ba ang pananakit ng singit kapag buntis?

Stillbirth Story: “Hindi ko naramdaman na gumagalaw si baby sa loob ng tiyan ko”

Si Jessica Tamez, 23-anyos, naninirahan sa Quincy, Fla., 25 milya ang layo sa northwest ng Tallahasse, ay nagsimulang makaranas ng pangangati sa kaniyang third trimester. Tinawagan niya ang opisina ng kaniyang doktor noong October, isang buwan bago ang due ng kaniyang baby, sinabihan siya ng nurse na uminom ng Benadryl.

“Umiinom ako ng napakaraming Benadryl na hindi ko kayang i-drive ang sarili sa ibang lugar. Ito lang ang paraan para hindi ko makamot ang sarili ko. Akala ko nga’y baliw na ako.”

Nakaranas din umano siya ng iba pang sintomas ng cholestasis: dark urine at pananakit ng kaniyang upper right quadrant ng kaniyang tiyan.

“Naisip ko na baka habang nagle-labour ako at nanganganak ay magrereklamo ako sa pangangati, kaya naman uminom ako ng uminom pa ng Benadryl. Akala ko hindi na nila seseryosohin ang nararansan ko.”

Nang dumating siya sa kaniyang regular appointment para sa check-up nang sumunod na linggo, nakinig ang kaniyang doktor sa mga sintomas na kaniyang nararanasan. Pinag-undergo siya nito sa isang blood test, na isinagawa niya nang sumunod na raw.

Pero gabi nang matapos siyang i-blood test, na-realize niya na ang kaniyang baby girl ay hindi na masyadong gumagalaw katulad nang dati. Nang sumunod na araw, hindi na niya nararamdaman ang paggalaw ng kaniyang baby girl. Natuklasan sa pamamagitan ng ultrasound na ang kaniyang baby ay distress.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang minute matapos ang ultrasound, inutos na ng kaniyang doktor ang isang emergency C-section. Subalit huli na ang lahat.

“Sinubukan pa nilang buhayin ang aking anak pero hindi na nila kaya,” ayon kay Tamez. Ang kaniyang anak na pinangalanan niyang Elena ay namatay.

Sinabihan siya ng kaniyang doktor na naniniwala umano ito na ang sanhi ng pagkamatay ng kaniyang baby girl ay cholestasis. Sapagkat mataas ang bile acids ni Tamez, 12 na beses itong mas mataas kaysa sa normal na bilang sa pagtatapos ng kaniyang pagbubuntis. Namatay ang kaniyang anak dahil mayroon din itong meconium aspiration.

Ayon sa mga eksperto

Kahit na natuklasan ang cholestasis ng maaga, hindi sasapat ang masusing monitoring para maiwasan ang stillbirth. Kahit na ang cholestasis ay maaaring maging sanhi ng pangangati sa isang ina, ang mga sanggol sa loob ng sinapupunan ay maaaring mag-decline at wala itong warning. Ayon ito kay Dr. Frederick Friedman, M., direktor ng obstetrics ng Mount Sinai Health System.

Hindi katulad sa ibang mga chronic conditions na kadalasang mino-monitor kapag buntis ang babae. Katulad ng hypertensive disorders, ang pagkamatay ng sanggol mula sa cholestasis. Maaaring mahirap na malaman o ma-predict, ani ni Dr. Friedman.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi pa rin klaro kung bakit ang ilang mga sanggol ay namatay at ang iba naman ayy hindi, pero ang pagkamatay ng isang sanggol mula sa still ay laging naididikit sa sudden distress sa baby cells. Pagpapaliwanag pa ni Dr. Friedman. “Katulad sa pagdiskonekta ng kurdon ng kuryente sa isang makina.”

“Sa kabutihang palad, ang outcome ay hindi pangkaraniwan,” sabi niya. “Mayroon 95% na tiyansa na ang baby ay maging ligtas at maayos ang lagay.”

Pangangati ng tiyan

Ang pinagmulan ng sakit na ito ay misteryo pa rin. Ang paglaganap ng cholestasis ay maaaring magkaiba-iba — sa United States, minumungkahi ng isang pag-aaral na nagre-range mula 0.32 hanggang 5.6 porsiyento ng populasyon depende sa sa ethnicity at genetic makeup. Nangyayari umano ito kadalasan sa mga babaeng Latina na United States. Ganun din sa ang mga taga Scandinavian, South Asian at South American na bansa.

Karaniwan na inilalarawan ang cholestasis bilang isang matinding pangangati sa palad at paa, dark urine, pananakit ng upper right quadrant ng tiyan, pagtaas ng liver enzymes at bile acid levels. Pero hindi lahat ng babae ay nakakaramdam o nakakaranas ng sintomas ng cholestasis.

Hindi tumaas ang liver enzymes ni Tamez, kahit na ang kaniyang bile acid o acid sa apdo ay mataas. At si Strand ay nagmula sa Swedish descent at nagkaroon ng twin pregnancy. Mas naging mataas ang tiyansa niyang madapuan ng sakit na ito. Subalit hindi siya nagkaroon ng dark urine o pananakit ng tiyan, ang kaniyang pangangati rin ay hindi lang sa mga kamay at paa niya.

Pag-aaral sa sakit na cholestasis

Ang pag-aaral sa cholestasis ay isang umuusbong pa lamang na fieald. Subalit ayon kay Dr. Mays sinusuri niya na ito ng ilang dekada. Matapos magkaroon ng tatlong kaso ng stillbirth sa loob lamang ng 2 taon noong early 2000’s. Sa nakalipas na 15 na taon, nakapagtala na siya at nakabuo ng isang database. Kung saan mahigit 500 na babae ang na-diagnose ng cholestasis sa kaniyang ospital sa East Harlem, na naglilingkod sa malaking populasyon ng mga Latina.

“Nag-a-average sa 30 hanggang 40 na pasyente ang nada-diagnose nito kada taon,”

Sinabi ito ni Dr. Mays. Kung saan ang kanilang protocol ay nire-require nila ang mga babaeng nasa ika-28 ng kanilang pagbubuntis kung sila’y nakakaranas ng pangangati. Pagkatapos ite-test nila ang mga babae para sa cholestasis kung mag-develop sila ng mga sintomas nito. Sa pag-test at pag-deliver ng mga sanggol ng mas maaga sa oras na nag-mature na ang kanilang baga. Kadalasan itong ginagawa sa ika-37 na linggo nang pagbubuntis. Dagdag pa ni Dr. Mays nabawasan na ang kanilang mortality rate sa kanilang ospital ng limang beses.

Si Sarah Strand ay buntis ulit at nasa ika-second trismester na. Siya’y na-diagnose ulit ng cholestasis, na karaniwan na para sa mga taong nagkaroon na nito dati. Sa pagkakataong ito nagpapatingin na rin siya sa isang liver specialist. Niresatahan siya nito ng ursodeoxycholic acid upang bumaba ang kaniyang bile acid at nirekomenda rin nito ang over-the-counter na supplement na SAMe (S-adenosyl-L-methionine) upang makontrol ang pangangati.

“Hindi na ako nangangati sa pagtulog o kahit natutulog nayon,” ani ni Strand.

Pinapayuhan niya ang mga babaeng tingin nila’y mayroon silang cholestasis na sabihan agad ang kanilang doktor.

“Nais kong maging mabuting pasyente at maging matatag sa pinagdadaanan ko,” sinabi niya ito patungkol sa kaniyang unang pagbubuntis. “Kaya naman hindi ako ng push-hard para na dapat kong ginawa.”

Itching During Pregnancy? It Might Signal a Bigger Problem” ni Christina Caron © 2020 The New York Times Company

Si Christina Caron ay isang parenting reporter sa The New York Times.

This story was originally published on 17 April 2020 in NYT Parenting.

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Isinalin ni Marhiel Garrote sa Filipino 

Sinulat ni

NYT Parenting