Ilang pregnant patients tinatangging may COVID-19 symptoms sila
Fabella Hospital sumagot sa mga alegasyon laban sa kanilang ospital sa gitna ng COVID-19 outbreak.
Sintomas ng COVID-19 sa buntis itinatanggi ng ilang pasyente makapanganak lang sa Fabella Hospital.
Sintomas ng COVID 19 sa buntis itinatanggi ng ilang pasyente sa Fabella Hospital
Itinuturing ang Dr. Jose Fabella Memorial Hospital na National Maternity Hospital ng Pilipinas. Ito rin ay tinaguriang “world’s busiest maternity ward”.
Base sa isang report, 300 na ina ang dumarating rito araw-araw upang manganak. Habang naitatala naman na 60 hanggang 100 sanggol ang isinisilang rito kada araw.
Takbuhan ito ng mga inang kapos sa pera na nagnanais manganak ng ligtas sa kabila ng hirap sa buhay. Ito ay matatagpuan sa Sta. Cruz, Manila.
Ngunit ayon sa pinakabagong report, nasa bingit ng alanganin ang kaligtasan ng mga ina at sanggol na kasalukuyang naka-admit rito. Dahil sa ilang pasyente umanong itinatangging mayroon silang sintomas ng COVID 19 sa buntis upang tanggapin at makapanganak lang sa ospital. Pinatunayan ang report na ito ng pahayag mula kay Fabella Hospital chief Dr. Esmeraldo Ilem.
“Nangyayari po dahil may mga nagde-deny, may mga nagsasabi po nang hindi totoo na mga pasyente para lang po sila ay ma-admit at makapanganak sa Fabella. So lahat sila, akala namin ay mga negative.”
Ito ang pahayag ni Dr. Ilem sa isang panayam sa kaniya ng news channel na CNN.
Dagdag pa ni Dr. Ilem, malalaman lang umano nila na person under investigation o PUI ang isang pasyente kapag ito ay nagpakita na ng sintomas ng sakit. Madalas, ito ay kapag nakapanganak na sila at na-expose na sa iba pang pasyente at empleyado ng ospital.
“Malalaman na lang namin pagkapanganak na at doon sila magde-develop na mapapansing umuubo, nag-develop ng fever.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Dr. Ilem.
Fabella Hospital hindi raw sumusunod sa safety protocols laban sa COVID-19
Samantala sa pamamagitan parin ng news channel na CNN isang empleyado ng ospital ang nagsiwalat sa di umano’y hindi maayos na pag-handle ng Fabella Hospital sa mga PUIs na naka-admit rito.
Ayon sa empleyado na nagtago sa pangalang Andrew, hindi raw sumusunod ang ospital sa safety protocol na ipinatutupad ngayon laban sa pagkalat ng sakit na COVID-19.
“Yung iba naming PUI na pasyente, nahahalo sa mga wards. Walang social distancing doon. Labag po ito sa protocol dahil hindi quarantine area doon.”
Ito ang pahayag ni Andrew. Dagdag pa niya may mga empleyado sa ospital ang nag-positibo na sa sakit. Ngunit ito ay itinatago ng management ng ospital at ang empleyadong positibo sa sakit ay patuloy paring nagtratrabaho.
“May mga naging positive na empleyado sa aming hospital. Itinatago po ng management kung sino-sino ang mga naging positive na empleyado. May mga PUI na empleyado na naka-duty pa rin sa amin.”
Ito ang dagdag pang pahayag ni Andrew. Ang mga paratang na ito ni Andrew ay sinagot ng ospital sa pamamagitan ng isang official statement.
Sagot ng Fabella Hospital sa alegasyon
LOOK: Official statement of the Dr. Jose Fabella Memorial Hospital on COVID-19 allegations#BeatCOVID19#WeHealAsOne#COVID19PH pic.twitter.com/dkFHqdEpSc
— Department of Health (@DOHgovph) April 17, 2020
Ayon sa pahayag, inaamin nilang may kakulangan sa pasilidad ang ospital sa kasalukuyan. Ganoon rin ang mga PPE o personal protective equipment na kailangang isuot ng mga nai-expose sa mga positibo sa sakit na COVID-19. Ngunit, sa ngayon ay nagsasagawa ng expansion sa ospital upang ito ay matugunan. At upang mapagsilbihan ang dumaraming pasyente na nagpupunta rito. Lalo na ang mga pasyenteng itinatago na sila pala ay PUI o nakakaranas ng sintomas ng COVID 19 sa buntis. Nag-simula narin umano silang maglabas ng guidelines sa paggamit ng PPE’s. at mag-request ng additional supplies ng mga ito.
May kakulangan sa pasilidad at kagamitan ngunit ito ay ginagawan ng paraan.
“Further expansions were implemented due to the surge of patients, with putting up of tents and renovations in the main hospital building to accommodate patients who will not tell the truth of their status.”
“Initially, personal protective equipment were few and reserved to those directly handling patients. Guidelines are in place for this proper usage of the PPE’s. Current inventory in being maintained for a 1-2-week consumption with ongoing procurement to beef up supplies.”
Ito ang nakasaad sa official statement ng Fabella Hospital.
Walang itinatagong PUI at sila ay naka-hiwalay
Ayon pa sa official statement ng ospital, hindi nila itinatago ang bilang ng mga patients under investigation o PUI na naka-admit sa ospital. At sila ay nakahiwalay sa isang isolation building upang doon mapag-serbisyuhan.
Ang mga empleyado ng ospital na nag-positibo sa sakit ay ipinaalam narin sa kanilang mga units. Sila ay ina-isolate na umano habang ang iba ay piniling magpagaling sa kanilang mga bahay o mag-home quarantine.
“Census of patients including those being cared at the isolation building is being posted on a daily basis at the lobby bulletin board. Results of personnel who became positive came out last April 12 and had been disclosed to respective units.”
“All suspected and positive personnel were counselled and navigated for facility isolation but some preferred home quarantine.”
Isinasagawa narin ang contract tracing at COVID-testing sa mga nakasalamuha ng mga nag-positibo sa sakit na nagtratrabaho at naka-admit sa Fabella Hospital.
Ito ang mga nakasaad sa official statement ng ospital na nilagdaan ni Dr. Ilem, ang hepe ng Fabella Hospital.
Source:
Basahin:
Pre-natal Visit: Mga dapat gawin para magiging safe sa COVID-19