Coronavirus sa buntis, narito ang mga paraan kung paano maiiwasan. Pati na ang mga mahahalagang impormasyon na dapat malaman ng babaeng nagdadalang-tao tungkol sa kumakalat na sakit.
Coronavirus sa buntis
Patuloy ang paglaganap ng sakit na coronavirus disease o COVID-19 sa bansa. Sa kasalukuyan ay may naitala ng 140 na Pilipino ang nag-positibo sa sakit at 12 na katao na ang nasawi dahil rito. Hindi man dapat, pero ang mabilis na pagkalat ng sakit ay nagdudulot ng pag-aalala sa mga Pilipino. Lalo na sa mga babaeng buntis na natatakot na mahawa at makaapekto ang virus sa dinadala nilang sanggol.
Pero ayon sa Royal College of Obstetricians and Gynaecologists o RCOG ay hindi naman susceptible o madaling mahawa sa coronavirus ang mga buntis kumpara sa ibang miyembro ng populasyon. Sa katunayan, bagamat limitado pa ang impormasyon ay inaasaahang makakaranas ng mild symptoms ang buntis na magpopositibo sa sakit.
“It is expected the large majority of pregnant women will experience only mild or moderate cold/flu like symptoms.”
Ito ang pahayag ng RCOG sa pregnancy guide na kanilang inilabas tungkol sa COVID-19.
Samantala, ayon naman kay Ilona Goldfarb, isang OB-Gyne sa Massachusetts General Hospital ay wala pang ebidensya sa ngayon na nagsasabing maaring mailipat ang coronavirus sa buntis papunta sa kaniyang sanggol. Dahil base sa nakalap na data sa mga tulad nitong coronaviruses na SARS at MERS ay wala namang naitalang mother to baby transmission ng mga sakit.
“To date there is no evidence for mother to baby infection among women diagnosed with COVID-19. Limited information is available about intrauterine transmission for other coronaviruses (MERS-CoV and SARS-CoV), but mother to baby transmission has not been reported for these infections either.”
Ito ang pahayag ni Goldfarb.
Epekto ng coronavirus sa buntis
Ayon naman sa CDC, ay wala pang published scientific reports na makakapagsabi kung paano naapektuhan ng sakit ang isang pagbubuntis. Ngunit kung ibabase muli sa mga katulad nitong coronaviruses na SARS at MERS ay nagdulot ang mga ito ng pregnancy loss tulad ng miscarriage at stillbirth.
“There are currently no published scientific reports about how COVID-19 coronavirus affects a pregnancy. Pregnancy loss, including miscarriage and stillbirth, has happened to women who were pregnant and became infected with coronaviruses like SARS and MERS. High fevers during the first trimester of pregnancy can also increase the risk of birth defects.:
Ito ang pahayag ng CDC. Kaya naman upang makasigurado ay mahigpit na pinag-iingat ang mga buntis laban sa sakit na ito.
Coronavirus sa buntis: Mga paraan kung paano maiiwasan
Payo naman ng Europe Center for Disease Prevention and Control o ECDC ay narito ang mga paraan na maaring gawin ng mga buntis upang maging protektado laban sa coronavirus disease.
- Magbasa-basa at i-educate ang sarili tungkol sa COVID-19 mula sa mga reliable at trusted sources.
- Manatiling physically active para masiguro ang good physical condition.
- Tawagan at i-discuss sa iyong antenatal provider ang tungkol sa concerns mo sa kumakalat na sakit. Kausapin siya tungkol sa mga susunod mong pre-natal appointments at delivery plan. Ito ay upang makabuo siya ng plano o paraan na masisiguro ang kaligtasan ng iyong pagbubuntis laban sa sakit.
- Sa oras na makaramdam ng sintomas ng sakit tulad ng ubo, lagnat at hirap sa paghinga ay tumawag rin muna sa iyong doktor bago gumawa ng kahit anong hakbang. Hintayin ang kaniyang instructions bago uminom ng kahit anong gamot pati na sa kung ano ang dapat mong gawin.
- Mainam ring maghanda na ng mga over-the-counter medicines at iba pang medical supplies na iyong gagamitin.
- Maghanda narin ng sapat na groceries at iba pang household items na tatagal ng 2-4 na linggo. Ito ay upang maiwasan na ang paglabas at pakikihalubilo sa maraming tao. Ngunit gawin ito ng paonti-onti at iwasan ang panic buying.
- I-activate ang iyong social network. Tawagan at kausapin ang iyong kapitbahay, kaibigan at kapamilya sa dapat gawin sa oras na kumalat na ang COVID-19 sa inyong lugar.
- Sumunod sa mga instructions ng national authorities sa paghahanda sa emergency o pagkalat ng sakit.
- Ipagpatuloy ang pag-praktis ng good proper hygiene.
Iba pang paraan upang ma-proteksyonan ang iyong sarili at kapwa laban sa sakit
- Ugaliing hugasan ang iyong kamay gamit ang sabon at tubig o alcohol-based sanitizer. Gawin ito bago kumain, pagkatapos mag-CR, umatsing, umubo o bumahing. Agad ring maghugas ng kamay kapag nanggaling sa pampublikong lugar at matapos humawak sa mga surfaces o ibang tao.
- Iwasan ring hawakan ang iyong mukha, mata at ilong ng hindi pa naghuhugas ng iyong kamay.
- Iwasang magkaroon ng kontak sa mga may sakit lalo na sa may mga ubo.
- Huwag munang dumalo sa mga meetings, events at social gatherings sa inyong komunidad.
- Kung lalabas ng bahay o may ubo ay magsuot ng mask upang hindi na makahawa pa sa iba.
- I-praktis ang social distancing o iwasan munang magpunta sa matataong lugar. Pati na ang pagtambay sa mga poorly ventilated na lugar. Mag-grocery shopping sa off-peak hours. Iwasan ang sumakay sa mga public transport kapag rush hour. Mag-exercise sa labas o outdoors kaysa sa indoor settings.
Ilan lamang iyan sa mga paraan upang maiwasan ang coronavirus sa buntis. Malaki rin ang maitutulong ng pagpapanatili ng malusog na pangangatawan upang maiwasan ang sakit. Gawin ito sa pamamagitan ng pagkain ng masusustansyang pagkain at pagkuha ng sapat na oras ng tulog.
SOURCE: ECDC, Independent UK, Massachusetts General Hospital, CDC
BASAHIN: Mga dapat malaman ng buntis at breastfeeding moms tungkol sa COVID-19
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!