X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Mga dapat malaman ng buntis at breastfeeding moms tungkol sa COVID-19

4 min read
Mga dapat malaman ng buntis at breastfeeding moms tungkol sa COVID-19

Mahigpit na ipinapayo sa mga buntis at breastfeeding moms na hangga’t maari ay iwasang magkasakit. At sundin ang mga necessary precautions laban sa kumakalat na coronavirus disease.

Epekto ng COVID sa buntis at nagpapasusong ina, narito ang mga paraan kung paano maiiwasan.

Epekto ng COVID sa buntis

Image from Freepik

Epekto ng COVID sa buntis at nagpapasusong ina

Mabilis na kumakalat ang COVID-19 o coronavirus disease sa buong bansa. Ganoon pa man may mga paraan upang ito ay maiwasan. Lalo na ng mga pinaka-vulnerable sa sakit tulad ng mga buntis na ina at bagong silang na sanggol. Kaya naman upang makaiwas sa epekto ng COVID sa buntis at nagpapasusong ina, mahalagang may sapat silang kaalaman tungkol sa sakit. Lalo na kung paano ito maiiwasan at kung paano mapoprotektahan ang kanilang sanggol mula sa virus.

Epekto ng COVID sa buntis

Ayon sa CDC, ang mga buntis ay nakakaranas ng immunologic at physiologic changes sa kanilang katawan. Ito ay nagiging dahilan upang mas maging susceptible sila sa mga viral infections tulad ng COVID-19.

“Pregnant women experience immunologic and physiologic changes which might make them more susceptible to viral respiratory infections, including COVID-19.”

Ito ang pahayag ng CDC. Bagamat, sa ngayon ay wala pang sapat na impormasyon upang mapatunayan ang susceptibility nila sa COVID-19. Ang mga nakalipas na datos na nakalap kaugnay sa kahalintulad nitong coronavirus infection na SARS at MERS, ay napatunayang mas at risk sila sa mga ganitong uri ng impeksyon kumpara sa iba.

Pagdating naman sa epekto ng COVID sa buntis ay hindi parin sapat ang impormasyong mayroon ang ahensya. Ngunit kung ikukumpara muli sa SARS at MERS ay naitalang may mga buntis ang nakaranas ng pregnancy loss tulad ng miscarriage at stillbirth ng madapuan ng virus.

“We do not have information on adverse pregnancy outcomes in pregnant women with COVID-19. Pregnancy loss, including miscarriage and stillbirth, has been observed in cases of infection with other related coronaviruses [SARS-CoV and MERS-CoV] during pregnancy.”

Epekto ng COVID sa sanggol

Dagdag pa ng CDC, sa ngayon ay hindi parin matibay na napapatunayan kung maari bang maihawa ng buntis na ina ang virus sa kaniyang dinadalang sanggol. Ngunit base sa mga naunang kaso ng buntis na na-infect ng sakit ay hindi nag-positibo sa virus ang mga bagong silang nilang sanggol. Hindi rin na-detect ang virus sa kanilang amniotic fluid samples at breastmilk. Bagamat ilan sa mga sanggol ang nakaranas ng adverse infant outcomes tulad ng preterm birth.

“However, in limited recent case series of infants born to mothers with COVID-19 published in the peer-reviewed literature, none of the infants have tested positive for the virus that causes COVID-19. Additionally, virus was not detected in samples of amniotic fluid or breastmilk.”

Ito ang dagdag pang pahayag ng CDC. Kaya naman sa kabila ng banta ng virus ay ini-encourage parin ng ahensya ang mga COVID infected na bagong panganak na ina na i-breastfeed ang kanilang sanggol. Ngunit ito ay dapat gawin ng tama at ng ina-apply ang mga kinakailangang precautions.

Epekto ng COVID sa buntis

Image from Freepik

Tamang paraan ng pagpapasuso ng COVID-infected na ina

Ayon naman sa UNICEF, ito ay magagawa sa pamamagitan ng pag-susuot ng mask ng symptomatic na ina habang siya ay nagpapasuso o malapit sa kaniyang sanggol. Dapat ay maghugas rin siya ng kamay bago at matapos magpasuso. At siguraduhing properly disinfected ang mga gamit at surfaces sa lugar kung saan magpapasuso.

Kung severely ill naman ang ina, ay dapat ihiwalay muna ito sa kaniyang sanggol. Ngunit ini-encourage ng UNICEF na mag-express parin ito ng breastmilk para sa baby niya. Saka ito ibibigay sa sanggol gamit ang malinis na cup o kutsara.

“For symptomatic mothers well enough to breastfeed, this includes wearing a mask when near a child (including during feeding), washing hands before and after contact with the child (including feeding), and cleaning/disinfecting contaminated surfaces.”

“If a mother is too ill, she should be encouraged to express milk and give it to the child via a clean cup and/or spoon – all while following the same infection prevention methods.”

Ito ang pahayag ng ahensiya. Dagdag pa nilang paalala ang buntis o inang nakakaranas ng sintomas ng COVID-19 tulad ng lagnat, ubo at hirap sa paghinga ay agad na dapat magpatingin sa doktor. Ngunit mas makakabuti na umiwas nalang na mahawaan ng sakit. Ito ay sa pamamagitan ng madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. O kaya naman ay sa pamamagitan ng alcohol-based sanitizer na may taglay na at least 60% alcohol.

Epekto ng COVID sa buntis

Image from Healthline

Dapat ding umiwas muna sa mga matataong lugar o tao na may sakit. Ngunit para makasigurado ay mabuting mag-suot ng mask kung lalabas. Iwasang mailagay sa mukha ang kamay kung hindi agad ito mahuhugasan. At magpalit agad ng damit pag-uwi ng bahay.

 

Partner Stories
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Safety First, Mommies! Know What's in Your Baby Wipes
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
Dinner Time and Traditions: Strengthening Family Bonds, One Meal at a Time
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin
For Your Sensitive Little One: 3 Best Things to Invest In for Baby’s Sensitive Skin

SOURCE: UNICEF, CDC

BASAHIN: ATM at iba pang mga bagay kung saan maaaring mahawa ng COVID-19

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • Mga dapat malaman ng buntis at breastfeeding moms tungkol sa COVID-19
Share:
  • Best Interest ng Bata, Mas Matimbang Kaysa sa Kasunduan ng Parents – Supreme Court

    Best Interest ng Bata, Mas Matimbang Kaysa sa Kasunduan ng Parents – Supreme Court

  • Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

    Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

  • Hindi kailangan maging perfect ang bata—importanteng matuto siyang mag-fail

    Hindi kailangan maging perfect ang bata—importanteng matuto siyang mag-fail

  • Best Interest ng Bata, Mas Matimbang Kaysa sa Kasunduan ng Parents – Supreme Court

    Best Interest ng Bata, Mas Matimbang Kaysa sa Kasunduan ng Parents – Supreme Court

  • Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

    Lamoiyan teams up with communities for the Kilusang Kontra Kuto and Hapee Kiddie Caravan to bring healthier smiles and a lice-free summer

  • Hindi kailangan maging perfect ang bata—importanteng matuto siyang mag-fail

    Hindi kailangan maging perfect ang bata—importanteng matuto siyang mag-fail

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko