X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

ATM at iba pang mga bagay kung saan maaaring mahawa ng COVID-19

5 min read
ATM at iba pang mga bagay kung saan maaaring mahawa ng COVID-19

May mga simpleng bagay kang ginagawa sa araw-araw na maaring maging paraan ng pagkakahawa mo ng coronavirus disease. Alamin sa artikulong ito kung ano ang mga ito.

Paano nahahawa sa COVID o coronavirus disease 2019? May mga bagay kang nakasanayan na ginagawa ang maaring maging paraan ng pagkakahawa mo sa sakit. Narito ang mga mga bagay na ito.

Paano nahahawa sa COVID

Image from Freepik

Paano nahahawa sa COVID o coronavirus disease?

Close contact sa taong infected ng sakit

Ayon sa CDC o Center for Disease and Prevention Center, ang COVID-19 ay naihahawa sa pamamagitan ng air droplets mula sa taong nagtataglay ng virus. Ang mga droplets na ito ay nailalabas sa katawan ng COVID-19 victim sa pamamagitan ng pag-ubo o pagbahing. Saka naman ito maililipat sa tao o bagay na nasa paligid niya. Dito na magsisimula ang pagkalat at pagkahawa sa virus na maaring pumasok sa katawan sa pamamagitan ng mata, ilong at bibig.

Sinuportahan naman ito ng pahayag ni Dr. Adam Lauring, associate professor sa microbiology at immunology sa University of Michigan. Ito umano ang dahilan kung bakit mas mabilis na nahahawa ang magkakapamilya o mga taong nakatira sa loob ng iisang bahay. Pati na ang mga taong 6 feet away sa taong positibo sa coronavirus disease.

“The main mode of transmission is respiratory droplets that can be produced by speaking and coughing. These droplets then can find their way into the mouths, noses of other people nearby.”

Ito ang pahayag ni Dr. Lauring.

Contact sa mga bagay na nahawakan o natalsikan ng droplets ng COVID-19 patient

Habang ayon naman kay Seema Lakdawala, isang virologist na pinag-aaralan ang flu transmission sa University of Pittsburgh, ang pagkakaroon ng close contact sa taong may sakit at sa bagay na nahawakan nito ay nagpapataas ng tiyansang maihawa ito sa iba.

“You can do it through shaking hands or kissing somebody who is sick, or you can do it through indirect contact transmission, which is through a contaminated surface, something like a doorknob or a handrail or you pick up somebody else’s phone.”

Ito ang pahayag ni Lakdawala.

Ilan nga sa mga bagay o nakasanayan na nating gawin na maaring maging dahilan ng pagkahawa natin sa coronavirus disease ay ang sumusunod:

ATM at iba pang mga bagay kung saan maaaring mahawa ng COVID-19

Image from Freepik

Mga simpleng paraan kung paano nahahawa sa COVID o coronavirus disease

  • Paggamit ng mga make-up at personal care products tester sa malls at department stores.
  • Paggamit ng shared utensils sa mga fast foods at restaurants.
  • Paghawak sa mga shared condiments sa mga fast foods at restaurants tulad ng ketchup, toyo at iba pa.
  • Pakikipag-bebeso, pagmamano at pakikipagkamay.
  • Paghawak sa mga door knobs o handles sa pagbubukas at sara ng pinto.
  • Pagfa-flush ng toilet sa public CR.
  • Paghawak ng pera.
  • Pagpasa-pasa o pag-abot ng pamasahe sa mga pampublikong transportasyon tulad ng sa jeep.
  • Paghawak sa mga hanging strap, grab handle, handrails, stanchions, grab rails o grab bars sa mga pampublikong transportasyon tulad ng tren.
  • Paggamit ng mga shared pens sa mga government offices o bangko.
  • Paggamit ng isang serving spoon sa salu-salo o handaan.
  • Paghawak sa mga workout equipments sa gym.
  • Paggamit ng ATM machines.
  • Pagsasagawa ng mga debit card transactions sa pag-shoshopping.
  • Paggamit ng mga fingerprint-based biometric system sa trabaho.
  • Pamimili gamit ang mga push carts sa supermarket.
  • Pagpindot sa mga elevators.
  • Paghawak sa mga hawakan sa gilid ng escalator.
  • Paggamit ng computer sa mga computer shops.

Para sa mga bata maari silang mahawa sa sakit sa sumusunod na paraan:

  • Paglalaro sa mga public playground.
  • Pagdampot ng mga laruan sa malls o department stores.
  • Pakikipaglaro sa batang infected ng sakit.
  • Pagmano o paghawak sa kamay ng adult na infected ng sakit.
  • Pagbili ng pagkain sa labas o naglalako tulad ng ice cream o cotton candy.

Paano maiiwasan ang pagkalat ng COVID-19

Paano nahahawa sa COVID

Image from Freepik

Ilan lamang iyan sa mga simpleng paraan na kung saan maaring mahawa o makuha ng isang tao ang coronavirus disease. Kaya naman paulit-ulit na nagbibigay paalala ang DOH at WHO sa mga paraang dapat gawin upang maiwasan ang sakit. Ito ay ang sumusunod:

  • Ugaliin ang maayos at madalas na paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig. O kaya naman ay sa pamamagitan ng 70% alcohol-based sanitizer.
  • Lumayo ng hindi bababa sa 3 metro sa isang taong umuubo o umaatsing.
  • Iwasang hawakan ang iyong mukha ng hindi pa naghuhugas ng kamay. Ito ay upang maiwasang pumasok sa iyong mata, ilong at bibig ang virus.
  • Ugaliing mag-disinfect ng mga bagay at surfaces sa iyong paligid.
  • Kung galing sa labas ay agad na magpalit ng damit. Huwag ng gamiting muli ang mga jeans at jackets. Dahil maaring kumapit sa mga ito ang virus.
  • Magtakip ng tisyu o panyo sa tuwing uubo o babahing. O kaya naman ay itakip ang iyong braso o manggas ng damit sa tuwing uubo.
  • Manatili lang sa bahay kung masama ang makiramdam.
  • Agad ng magpakonsulta sa doktor kung makaranas ng sintomas ng coronavirus na ubo, lagnat at hirap sa paghinga.
  • Makinig sa balita at umiwas sa mga lugar na may nailulat na kaso ng coronavirus.
  • Kung hindi makakaiwas na magpunta sa matataong lugar ay mag-suot ng mask. At mag-baon ng alcohol na madaling mailalagay sa kamay sa oras na hahawak sa mga bagay o surfaces.

 

Partner Stories
Calling all McDonald’s fans: Time to show off your #FeelGoodFeelSafe dance moves!
Calling all McDonald’s fans: Time to show off your #FeelGoodFeelSafe dance moves!
VIU Original Pretty Liars returns for a second season
VIU Original Pretty Liars returns for a second season
BakuNation! Isang taong pagbibigay ng confidence sa mga magulang sa bakuna para sa isang healthy family
BakuNation! Isang taong pagbibigay ng confidence sa mga magulang sa bakuna para sa isang healthy family
Keep nurturing your kids’ sense of wonder and creativity at home with Singapore’s online ‘attractions’
Keep nurturing your kids’ sense of wonder and creativity at home with Singapore’s online ‘attractions’

SOURCE: CDC, theAsianparent PH

BASAHIN: COVID-19: Safe ba mag-swimming ngayon?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pandemya ng COVID-19
  • /
  • ATM at iba pang mga bagay kung saan maaaring mahawa ng COVID-19
Share:
  • "Matatanda lang ang apektado" at iba pang COVID-19 myths ayon sa WHO

    "Matatanda lang ang apektado" at iba pang COVID-19 myths ayon sa WHO

  • Maaaring mag-stay ang coronavirus sa cellphone mo sa loob ng 9 days

    Maaaring mag-stay ang coronavirus sa cellphone mo sa loob ng 9 days

  • REAL STORIES: "Our baby was born with half a heart—we were counting days until his heart just stops beating"

    REAL STORIES: "Our baby was born with half a heart—we were counting days until his heart just stops beating"

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

  • "Matatanda lang ang apektado" at iba pang COVID-19 myths ayon sa WHO

    "Matatanda lang ang apektado" at iba pang COVID-19 myths ayon sa WHO

  • Maaaring mag-stay ang coronavirus sa cellphone mo sa loob ng 9 days

    Maaaring mag-stay ang coronavirus sa cellphone mo sa loob ng 9 days

  • REAL STORIES: "Our baby was born with half a heart—we were counting days until his heart just stops beating"

    REAL STORIES: "Our baby was born with half a heart—we were counting days until his heart just stops beating"

  • Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

    Dani Barretto sa speech delay ng kaniyang daughter: “Kahit ano pa siya, mamahalin ko siya.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.