ALAMIN: Mga bagong sintomas ng COVID-19 na dapat mong bantayan

undefined

Health experts nagbabala sa mga bagong sintomas ng COVID-19 na dapat bantayan at ang mga emergency warning signs na hindi dapat isawalang bahala.

May anim na bagong sintomas ng COVID 19 ang kailangang bantayan, ito ay ayon sa CDC o Center for Disease Control.

sintomas ng COVID 19

Image from Freepik

Ilang buwan narin ang nakalipas magmula ng kumalat ang sakit na COVID-19 sa iba’t-ibang panig ng mundo. Sa ngayon ay may naitala ng 3,055,498 kumpirmadong kaso nito. Habang may 211,035 katao na mula sa iba’t-ibang bansa ang nasawi dahil rito. Kaya naman patuloy na pinaalala ng mga health experts na mag-ingat sa sakit. At maging aware sa mga sintomas o mga palatandaan nito.

Bagong sintomas ng COVID 19 ayon sa CDC o Center for Disease Control

Nauna ng ibinahagi ng CDC na may tatlong sintomas ang COVID-19. Ito ay ang ubo, lagnat at hirap sa paghinga. Sa ngayon, makalipas ang ilang buwan, ayon parin sa ahensya ay may anim na bagong sintomas ng COVID 19 ang nadagdag sa mga ito. Ito ay ang sumusunod:

  • Chills o maginaw na pakiramdam
  • Pangangatog ng katawan sa sinasabayan ng chills
  • Pananakit ng kalamnan o muscle pain
  • Headache o sakit ng ulo
  • Sore throat o pamamaga ng lalamunan
  • Loss of taste or smell o kawalan ng panlasa at pang-amoy

Ang mga sintomas na ito ay maari umanong maramdaman ng taong infected ng sakit dalawa hanggang labing-apat na araw matapos ma-expose sa virus.

sintomas ng COVID 19

Image from Freepik

Nangingitim na sugat sa paa o COVID toes

Maliban nga sa mga ito ay may isa pang palatandaan ng sakit ang napansin ng mga health experts sa mga biktima nito. Ito ay ang pagkakaroon ng COVID toes o ang nangingitim na sugat sa paa ng mga biktima ng sakit. Madalas umano itong lumalabas sa mga bata o young adults na tinatamaan ng sakit. Sa kanilang pagsasalarawan, ito ay parang frostbite na masakit o mainit kapag hinahawakan. Madalas itong makikita sa talampakan ngunit maari ring lumabas sa ibabaw na bahagi ng paa.

Paliwanag ng mga eksperto, ito ay maaring dulot ng labis na pamamaga sa katawan. O kaya naman ay dulot ng pamumuo ng dugo na nagiging dahilan ng stroke sa mga biktima ng sakit na may edad 30-40 anyos.

“The virus seems to be causing increased clotting in the large arteries, leading to severe stroke.”

“Our report shows a sevenfold increase in incidence of sudden stroke in young patients during the past two weeks. Most of these patients have no past medical history and were at home with either mild symptoms (or in two cases, no symptoms) of COVID.”

Ito ang pahayag ni Dr. Thomas Oxley isang neurosurgeon sa Mount Sinai Health System sa New York.

sintomas ng COVID 19

Image from CTV News (COVID toes)

Emergency warning signs ng COVID-19

Kaya naman paalala nila, sa oras na makaramdam ng kahit anumang sintomas ng sakit na nabanggit ay agad na magpakonsulta sa doktor. Lalo na kung makakaramdam rin ng mga sumusunod na ayon sa CDC ay maituturing ng “emergency warning signs” ng sakit.

  • Hirap sa paghinga
  • Hindi nawawalang pananakit o pressure sa dibdib
  • Pagkalito o hirap na pukawin o gisingin
  • Nangingitim na labi o mukha

Babala naman ng isang epidemiologist na si Marc Lipsitch mula sa Harvard T.H. Chan School of Public Health maaring ma-infect ang 40%-70% ng populasyon sa buong mundo sa susunod na taon. Karamihan sa mga kaso ay makakaranas ng mild lang na sintomas. Habang ang ilan ay hindi magpapakita ng kahit anumang sintomas ngunit maaring maging prospect ng bagong virus na nakakabahala.

Sumunod at gawin ang mga paraan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit

Kaya naman paalala nila, sumunod sa mga precautionary measures na naglalayong ma-kontrol ang pagkalat ng sakit. Agad na magself-isolate kung nakakaramdam ng mga sintomas ng sakit. At tumawag o magpunta sa doktor kung makaranas ng isa sa mga emergency warning signs ng COVID-19.

Maliban sa mga ito ay patuloy na gawin ang mga paraan upang makaiwas sa sakit. Tulad ng palaging paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig ng hindi bababa sa 20 segundo. O kaya naman ay gumamit ng sanitizer na may 60% alcohol kung hindi available ang sabon at tubig. Pagsusuot ng mask kung lalabas ng bahay. At pagtatakip ng bibig sa tuwing uubo at babahing.

Mahigpit ring ipinatutupad sa ngayon ang social distancing o ang hindi bababa sa isang metrong distansya sa bawat tao na makakasalamuha. At hangga’t maari kung hindi kinakailangan ay huwag lumabas ng bahay upang maiwasang maging susunod na biktima ng sakit.

COVID 19 Philippines update today

Sa ngayon dito sa Pilipinas, matapos ang higit sa isang buwan ng ipinatutupad na enhanced community quarantine ay mayroon ng naitalang 7,777 kumpirmadong kaso ng COVID-19. Habang 511 na ang naiulat na nasawi at may 932 na ang naka-recover at nagpapagaling. Bagamat ang bilang ng kumpirmadong kaso ay nadagdagan, pahayag ng DOH ay bumagal ang pagkalat ng sakit o ang doubling time nito. Ito ay epekto umano ng ipinatutupad na enhanced community quarantine. Kaya naman paghihikayat nila sa publiko, sumunod sa mga alituntunin ng gobyerno upang tuluyang mapuksa at matigil na ang pagkalat ng sakit sa ating mga Pilipino.

 

Source:

NBC Philadelphia, CDC, USA Today, LiveScience, WHO, World Meter, CTV News

Basahin:

Ganito kabilis mahawa ng COVID-19 sa isang shopping center, ayon sa DOH

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!