X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

8 na unang sintomas ng Dengue na dapat bantayan

7 min read
8 na unang sintomas ng Dengue na dapat bantayan

Ang Dengue ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkakasakit at pagkamatay sa mga rehiyong tropikal. Kung alam mo kung paano kumakalat at nagkakaron ng dengue, at mga sintomas nito, maaaring labanan ang mapanganib na virus na ito.

Isa sa karaniwang nagiging sakit ng mga tao ang Dengue. Mapa tag-ulan man o tag-araw, marami pa rin ang nagkakaroon nito. Bilang ina, mahalagang malaman ang mga sintomas ng dengue at kung ano ba talaga ang sakit na ito. Upang kapag dumating ang pagkakataon, matutukoy mo agad kung ito ba ay dengue.

Ngunit ano nga ba ang gamot sa dengue? At may paraan ba kung paano ito maiiwasan?

sintomas ng dengue

Ano ang sintomas ng dengue at lunas para rito? | Image from Unsplash

Talaan ng Nilalaman

  • Dengue sa Pilipinas
  • Mga dapat malaman tungkol sa Dengue
  • Sintomas ng dengue sa bata at matanda
  • Paano makakaiwas sa Dengue
  • Ano nga ba ang gamot sa dengue?
  • Papaya leaves gamot sa dengue: Paraan para gamitin ito
  • Paano makaiwas sa dengue? Itigil ang breeding
  • Iba pang paraan para mapigilan ang dengue fever

Dengue sa Pilipinas

Nitong mga nakaraang taon, naging laganap ang sakit na dengue lalo na sa Pilipinas. Ayon sa mga eksperto, ang pinakamahalagang panlaban sa virus na ito ay ang kaalaman kung paano ito masasangga at masusugpo upang hindi na kumitil pa ng mga buhay.

Kamakailan lamang, nabalita na halos 400 na kaso ng dengue ang naitala sa Cebu. Malapit na rin ang tag-ulan kaya naman ano nga ba ang mga dapat mong malaman patungkol sa sakit na ito at paano ito maiiwasan. Para masigurong ligtas ang inyong pamilya sa kumplikasyon at sakit na dengue. 

BASAHIN:

STUDY: Papaya leaf juice, nakakatulong pangontra dengue

11 indoor plants na puwedeng pangontra sa dengue at lamok

#AskDok: Nakakahawa ba ang sakit na dengue?

Mga dapat malaman tungkol sa Dengue

Ang dengue ay isang viral infection na kinakalat ng mga babaing Aedes mosquito. Ito ay nagiging sanhi ng malalang komplikasyon, pero ang maagang diagnosis at maagap na paggamot ay nakakapagligtas ng buhay.

390 MILYONG TAO bawat taon ay tinatamaan ng dengue.
9.75 MILYON o 25% ng mga infected ng dengue ay namamatay.

Ang mga unang sintomas ay nakikita 5-8 araw pagkatapos makagat. Ang mga malalang warning signs ay nakikita 3-7 araw pagkatapos lumabas ng unang sintomas.

Sintomas ng dengue sa bata at matanda

Kapag kinagat ka ng infected na babaeng Aedes na lamok, ang dengue virus ay mapapasa sa iyong katawan at magkakaroon ka ng lagnat. Sa Pilipinas, pangunahing problema ang pagkakaroon ng dengue bawat taon.

Mayroong dalawang uri ang lagnat ng dengue, ang parehong fever ay seryoso ayon sa 2009 WHO recommendations. Kung alam mong ikaw ay nakagat ng lamok, bantayan ang mga posibleng sintomas nito.

Ang unang sintomas ng dengue ay ang pagkakaroon ng lagnat (40°C) na may kasamang 2 sa mga sumusunod:

  1. Dengue fever
  2. Malalang sakit ng ulo
  3. Pananakit sa likod ng mata
  4. Skin rash
  5. Nausea
  6. Leucopenia (low WBC count)
  7. Pagkahilo at pagsusuka
  8. Pananakit ng muscles at joints

Ang mga malalang sintomas ay:

  1. Madalas na pagsusuka
  2. Pagsusuka na may kasamang dugo
  3. Hirap sa paghinga
  4. Malalang pananakit ng abdomen
  5. Pagdurugo ng ilong
  6. Paglaki ng atay
  7. Pananamlay
  8. Pagkahilo, mental confusion at seizures
  9. Pamumutla, at pamamasa ng kamay at paa
  10. Mucosal bleeding
  11. Dengue haemorrhagic fever
  12. Mataas na lagnat
  13. Malalang plasma leakage na dahilan ng problema sa respiratory
  14. Malalang pagdurugo
  15. Internal organ impairment

Mataas ang tiyansa na magamot ang pasyente kung ito’y nasa mild condition pa ng dengue fever. Kung sakaling mahawaan, ang lagnat ay maaaring tumagal hanggang pitong araw. Habang pagpapagaling naman ay maaaring tumagal ng buwan.

sintomas ng dengue

Ano ang sintomas ng dengue at lunas para rito? | Image from Unsplash

Paano makakaiwas sa Dengue

Sa ngayon ay walang subok at safe na vaccine para makaiwas sa dengue. Ang tanging pinakamagandang gawin ay umiwas na makagat ng lamok na maaring infected nito. Partikular na kung babyahe sa mga tropical area na kung saan maraming lamok ang naninirahan.

Sa bahay,

  • Maglagay ng mga halamang cintronella sa paligid ng bahay.
  • Siguraduhing walang mga lalagyan ng tubig na nababahayan ng lamok. Itaob ang mga lalagyan palagi at siguraduhing tuyo ang mga ito.
  • Gumamit ng mga kulambo o insect lamps.
  • Makakabuti ang screen sa mga bintana at pinto. Palaging isara ang mga ito para walang makapasok na lamok.

Sa eskuwelahan,

  • Gumamit ng mosquito patch o anti-mosquito spray. Maglagay ng extra sa bag ng bata at turuan siyang maglagay nito.
  • Pagsuotin ng mahabang medyas ang bata.
  • Ibilin sa bata na lumayo sa mga kanal o anumang stagnant water, lalo sa hardin at playground.
  • Turuang huwag makikigamit ng inuman o kubyertos ng iba.

Inilunsad ang Allied Against Dengue Philippines noong July 12, 2016 para magkaisa ang lahat sa paglaban at pagtupok sa dengue. Ito ay isang bukas na movement at koalisyon na pinangungunahan ng mga liderato na naglalayong bigyan ng sapat na kaalaman bilang armas ang mga healthcare providers, pribado at pampublikong organisasyon, at mga pamayanan, para masugpo ang dengue virus sa bansa.

Ano nga ba ang gamot sa dengue?

Walang gamot o antibiotic para sa dengue virus. Para sa tipikal na dengue fever, nakatutok ang paggamot sa pagpapahupa ng mga sintomas (symptomatic treatment).

Makatutulong ang papaya leaf extract o katas ng dahon ng papaya sa dengue. Ito ay ginagamit para sa mataas na lagnat ng naturang sakit.

Ang dengue hemorrhagic fever (DHF) ay isang syndrome na dumadapo sa mga batang nasa edad na 10 taon pababa. Ang komplikasyon ng dengue ay nagiging sanhi ng abdominal pain, hemorrhage (bleeding), at circulatory collapse (shock).

Taong April 2016, isang bakuna ang inaprubahan ng World Health Organization para sa mga dengue-endemic areas. Ito ay maaari lamang ibigay sa mga nakitaan na ng sintomas ng dengue, at hindi sa mga malulusog na sanggol.

Partner Stories
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
sintomas ng dengue

Ano ang sintomas ng dengue at lunas para rito? | Image from Dreamstime

Papaya leaves gamot sa dengue: Paraan para gamitin ito

Maraming paraan para gamitin ang papaya leaves hindi lang gamot at pangontra ng sintomas ng dengue fever.

Ang tradisyonal na paraan ay kailangan mong kunin ang juice at pulp ng dahon ng papaya. Kailangan mong kumuha ng fresh leaves, maglagay ng kaunting mainit na tubig bago kunin ang katas ng dahon. Maaaring maglagay ng asukal para mabawasan ang kaunting pait nito.

Puwede namang uminom ng Akesi’s Bio-Fermented Papaya Leaf Tonic, isang supplement mula sa extract nito. Makakatulong ito sa digestive health pati na rin mapangalagaan ang maayos na bowel habits at siunusuportahan rin ang immune system ng taong iinom nito.

Matatagpuan sa dahon ng papaya ang enzyme, vitamin at phyto-rich nutrients na dahilan kung bakit mahalaga ang ginagampanang role nito sa pagpapagaling mula dengue.

Paano makaiwas sa dengue? Itigil ang breeding

Para matigil ang pagkalat ng dengue, kailangan natin silang pigilan na magpadami. Bukod sa mga empty construction yards, sila ay nabubuo rin sa ating mga bahay.

May payo at paalala naman ang NEA dito. Makakatulong para hindi pagbahayan at itlogan ang simpleng paglinis sa mga timba, flower pot, vase, gutter.

Siguraduhin na ito ay walang tubig at lagyan rin ng Bacillus thuringiensis israelensis (Bti). Isang insecticide na makakatulong sa pagpigil ng mga lamok.

Sa loob naman ng bahay, maaaring mag-spray ng insecticide rin sa madidilim na sulok nito. Dito kasi kadalasang namamahay ang mga lamok katulad sa gilid ng sofa, kama, likod ng kurtina, toilet at mismong sa bintana.

Maaari ring maglagay sa balat ng mga mosquito repellent para masigurong hindi makakagat ng lamok.

Iba pang paraan para mapigilan ang dengue fever

Bukod sa pag-inom ng papaya leaf extract, ang proper hygiene ay isang bagay na dapat na ugaliing gawin. Makakatulong din ito sa paglaban sa sakit na dengue.

Narito ang mga kailangang tandaan:

  • Gawin ang 5-step Mozzie wipe-out routine.
  • Laging i-check ang mga storage na may tubig at kailangang may takip ito.
  • Lagyan ng takip ang mga drainage at gutter.
  • Laging tignan ang paligid ng iyong bahay kung may mga nakatambak na tubig na posibleng pagbahayan ng lamok.
  • Gumamit ng mosquito repellent, nets at screen.
  • Kung maraming lamok, magsuot ng mahahabang damit.

Ang Aedes mosquito ay may dala ng dengue virus. Maaari silang mangagat kahit na sa umaga. Gumamit lang ng insect repellent cream at lotion pangprotekta sa lamok. Makakatulong rin ang insecticide spray sa loob ng bahay.

 

Isinalin sa wikang Filipino ni Anna Santos Villar

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

Inedit ni:

Mach Marciano

  • Home
  • /
  • General
  • /
  • 8 na unang sintomas ng Dengue na dapat bantayan
Share:
  • Mga sintomas sa Dengue ug ang paglikay sa Dengue

    Mga sintomas sa Dengue ug ang paglikay sa Dengue

  • STUDY: Papaya leaf juice, nakakatulong pangontra dengue

    STUDY: Papaya leaf juice, nakakatulong pangontra dengue

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • Mga sintomas sa Dengue ug ang paglikay sa Dengue

    Mga sintomas sa Dengue ug ang paglikay sa Dengue

  • STUDY: Papaya leaf juice, nakakatulong pangontra dengue

    STUDY: Papaya leaf juice, nakakatulong pangontra dengue

  • LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

    LOOK: Sarah Lahbati proudly shows off her stretch marks!

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.