8 unang sintomas ng Dengue na dapat bantayan at paano makakaiwas sa sakit na ito

Ang Dengue ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkakasakit at pagkamatay sa mga rehiyong tropikal. Kung alam mo kung paano kumakalat at nagkakaron ng dengue, at mga sintomas nito, maaaring labanan ang mapanganib na virus na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa karaniwang nagiging sakit ng mga tao ang Dengue. Mapa tag-ulan man o tag-araw, marami pa rin ang nagkakaroon nito. Bilang ina, mahalagang malaman ang mga sintomas ng dengue at kung ano ba talaga ang sakit na ito. Upang kapag dumating ang pagkakataon, matutukoy mo agad kung ito ba ay dengue.

Ngunit ano nga ba ang gamot sa dengue? At may paraan ba kung paano ito maiiwasan?

Dengue sa Pilipinas

Nitong mga nakaraang taon, naging laganap ang sakit na dengue lalo na sa Pilipinas. Ayon sa mga eksperto, ang pinakamahalagang panlaban sa virus na ito ay ang kaalaman kung paano ito masasangga at masusugpo upang hindi na kumitil pa ng mga buhay.

Paulan-ulan na rin ngayon kaya naman ano nga ba ang mga dapat mong malaman patungkol sa sakit na ito at paano ito maiiwasan? Para masigurong ligtas ang inyong pamilya sa kumplikasyon at sakit na dengue.

Ano ang sintomas ng dengue at lunas para rito? | Image from Unsplash

Mga dapat malaman tungkol sa dengue | Sintomas ng dengue

Ang dengue ay isang viral infection na ikinakalat ng mga babaeng Aedes mosquito. Ito ay nagdudulot ng malubhang komplikasyon, ngunit ang maagang diagnosis at maagap na paggamot ay nakakapagligtas ng buhay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bawat taon, 390 milyong tao ang tinatamaan ng dengue. Sa mga ito, 9.75 milyon o 25% ay namamatay.

Ang mga unang sintomas ng dengue ay lumilitaw 5-8 araw pagkatapos makagat ng lamok. Ang mga malalang sintomas ay karaniwang lumalabas 3-7 araw matapos lumitaw ang unang sintomas.

Sintomas ng dengue sa bata at matanda

Kapag kinagat ka ng infected na babaeng Aedes na lamok, ang dengue virus ay mapapasa sa iyong katawan at magkakaroon ka ng lagnat. Sa Pilipinas, pangunahing problema ang pagkakaroon ng dengue bawat taon.

Mayroong dalawang uri ang lagnat ng dengue, ang parehong fever ay seryoso ayon sa 2009 WHO recommendations. Kung alam mong ikaw ay nakagat ng lamok, bantayan ang mga posibleng sintomas nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang unang sintomas ng dengue ay ang pagkakaroon ng lagnat (40°C) na may kasamang 2 sa mga sumusunod:

  • Malalang sakit ng ulo
  • Pananakit sa likod ng mata
  • Skin rash
  • Nausea
  • Leucopenia (low WBC count)
  • Pagkahilo at pagsusuka
  • Pananakit ng muscles at joints

Ang mga malalang sintomas ng dengue ay:

  1. Madalas na pagsusuka
  2. Pagsusuka na may kasamang dugo
  3. Hirap sa paghinga
  4. Malalang pananakit ng abdomen
  5. Pagdurugo ng ilong
  6. Paglaki ng atay
  7. Pananamlay
  8. Pagkahilo, mental confusion at seizures
  9. Pamumutla, at pamamasa ng kamay at paa
  10. Mucosal bleeding
  11. Dengue haemorrhagic fever
  12. Mataas na lagnat
  13. Malalang plasma leakage na dahilan ng problema sa respiratory
  14. Malalang pagdurugo
  15. Internal organ impairment

Mataas ang tiyansa na magamot ang pasyente kung ito’y nasa mild condition pa ng dengue fever. Kung sakaling mahawaan, ang lagnat ay maaaring tumagal hanggang pitong araw. Habang pagpapagaling naman ay maaaring tumagal ng buwan.

Ano ang sintomas ng dengue at lunas para rito? | Image from Unsplash

Paano makakaiwas sa dengue

Sa ngayon ay walang subok at safe na vaccine para makaiwas sa dengue. Ang tanging pinakamagandang gawin ay umiwas na makagat ng lamok na maaring infected nito. Partikular na kung babyahe sa mga tropical area na kung saan maraming lamok ang naninirahan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang ilang pwedeng gawin para maiwasan na makagat ng dengue-carrying mosquito:

Sa bahay,

  • Maglagay ng mga halamang cintronella sa paligid ng bahay.
  • Siguraduhing walang mga lalagyan ng tubig na nababahayan ng lamok. Itaob ang mga lalagyan palagi at siguraduhing tuyo ang mga ito.
  • Gumamit ng mga kulambo o insect lamps.
  • Makakabuti ang screen sa mga bintana at pinto. Palaging isara ang mga ito para walang makapasok na lamok.
  • Magpahid ng mosquito repellant lotion.

Sa eskuwelahan,

  • Gumamit ng mosquito patch o anti-mosquito spray. Maglagay ng extra sa bag ng bata at turuan siyang maglagay nito.
  • Pagsuotin ng mahabang medyas ang bata.
  • Ibilin sa bata na lumayo sa mga kanal o anumang stagnant water, lalo sa hardin at playground.
  • Turuang huwag makikigamit ng inuman o kubyertos ng iba.

Inilunsad ang Allied Against Dengue Philippines noong July 12, 2016 para magkaisa ang lahat sa paglaban at pagtupok sa dengue. Ito ay isang bukas na movement at koalisyon na pinangungunahan ng mga liderato na naglalayong bigyan ng sapat na kaalaman bilang armas ang mga healthcare providers, pribado at pampublikong organisasyon, at mga pamayanan, para masugpo ang dengue virus sa bansa.

Ano nga ba ang gamot sa dengue?

Walang gamot o antibiotic para sa dengue virus. Para sa tipikal na dengue fever, nakatutok ang paggamot sa pagpapahupa ng mga sintomas (symptomatic treatment).

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makatutulong ang papaya leaf extract o katas ng dahon ng papaya sa dengue. Ito ay ginagamit para sa mataas na lagnat ng naturang sakit.

Ang dengue hemorrhagic fever (DHF) ay isang syndrome na dumadapo sa mga batang nasa edad na 10 taon pababa. Ang komplikasyon ng dengue ay nagiging sanhi ng abdominal pain, hemorrhage (bleeding), at circulatory collapse (shock).

Taong April 2016, isang bakuna ang inaprubahan ng World Health Organization para sa mga dengue-endemic areas. Ito ay maaari lamang ibigay sa mga nakitaan na ng sintomas ng dengue, at hindi sa mga malulusog na sanggol.

Ano ang sintomas ng dengue at lunas para rito? | Image from Dreamstime

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Papaya leaves gamot sa dengue: Paraan para gamitin ito

Maraming paraan para gamitin ang papaya leaves hindi lang gamot at pangontra ng sintomas ng dengue fever.

Ang tradisyonal na paraan ay kailangan mong kunin ang juice at pulp ng dahon ng papaya. Kailangan mong kumuha ng fresh leaves, maglagay ng kaunting mainit na tubig bago kunin ang katas ng dahon. Maaaring maglagay ng asukal para mabawasan ang kaunting pait nito.

Puwede namang uminom ng Akesi’s Bio-Fermented Papaya Leaf Tonic, isang supplement mula sa extract nito. Makakatulong ito sa digestive health pati na rin mapangalagaan ang maayos na bowel habits at siunusuportahan din ang immune system ng taong iinom nito.

Matatagpuan sa dahon ng papaya ang enzyme, vitamin at phyto-rich nutrients na dahilan kung bakit mahalaga ang ginagampanang role nito sa pagpapagaling mula sa dengue.

Pag-aalaga sa may sakit na dengue

Sa kasalukuyan, walang tiyak na antiviral na gamot para sa dengue, ngunit narito ang mga hakbang para sa pag-aalaga at paggamot:

  1. Hydration: Mahalaga ang sapat na pag-inom ng tubig o oral rehydration solutions upang maiwasan ang dehydration.
  2. Pain Relievers: Pag-inom ng mga pain relievers tulad ng acetaminophen (paracetamol) para sa lagnat at pananakit. Iwasan ang aspirin at non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) tulad ng ibuprofen dahil maaari nitong palalain ang pagdurugo.
  3. Pahinga: Sapat na pahinga upang makatulong sa pag-recover ng katawan.
  4. Medical Supervision: Regular na konsultasyon sa doktor para sa monitoring ng kondisyon, lalo na sa mga malalang sintomas.
  5. Hospital Care: Sa mga malalang kaso, kinakailangan ng ospitalisasyon para sa intravenous fluids at suporta sa vital signs.

Paano makaiwas sa dengue? Itigil ang breeding

Para matigil ang pagkalat ng dengue, kailangan natin silang pigilan na magpadami. Bukod sa mga empty construction yards, sila ay nabubuo rin sa ating mga bahay.

May payo at paalala naman ang NEA dito. Makakatulong para hindi pagbahayan at itlogan ang simpleng paglinis sa mga timba, flower pot, vase, gutter.

Siguraduhin na ito ay walang tubig at lagyan din ng Bacillus thuringiensis israelensis (Bti). Isang insecticide na makakatulong sa pagpigil ng mga lamok.

Sa loob naman ng bahay, maaaring mag-spray ng insecticide rin sa madidilim na sulok nito. Dito kasi kadalasang namamahay ang mga lamok katulad sa gilid ng sofa, kama, likod ng kurtina, toilet at mismong sa bintana.

Maaari ding maglagay sa balat ng mga mosquito repellent para masigurong hindi makakagat ng lamok.

Iba pang paraan para mapigilan ang dengue fever

Bukod sa pag-inom ng papaya leaf extract, ang proper hygiene ay isang bagay na dapat na ugaliing gawin. Makakatulong din ito sa paglaban sa sakit na dengue.

Narito ang mga kailangang tandaan:

  • Gawin ang 5-step Mozzie wipe-out routine.
  • Laging i-check ang mga storage na may tubig at kailangang may takip ito.
  • Lagyan ng takip ang mga drainage at gutter.
  • Laging tignan ang paligid ng iyong bahay kung may mga nakatambak na tubig na posibleng pagbahayan ng lamok.
  • Gumamit ng mosquito repellent, nets at screen.
  • Kung maraming lamok, magsuot ng mahahabang damit.

Ang Aedes mosquito ay may dala ng dengue virus. Maaari silang mangagat kahit na sa umaga. Gumamit lang ng insect repellent cream at lotion pangprotekta sa lamok. Makakatulong rin ang insecticide spray sa loob ng bahay.

Kailan dapat pumunta sa doktor?

Agad na magpakonsulta sa doktor kapag nakakaranas na ng mga sintomas ng dengue. Delikado ang dengue at nakakamatay ito, kaya naman kung nilagnat ka at biglang nagsusuka pagkatapos pumunta sa ibang lugar na maraming lamok, agad na pumunta sa doktor o pinakamalapit na ospital para magpatingin.

Ang ilan sa mga warning signs na kailangan malaman ay ang mga sumusunod:

  • matinding pananakit ng tiyan
  • pagsusuka
  • nahihirapang huminga
  • dumudugo ang ilong o may dugo sa ilong
  • may dugo sa iyong dumi
  • may dugo sa iyong suka.

Tandaang agad na pumunta sa doktor kapag naranasan ang mga ganitong sintomnas.

 

Isinalin sa wikang Filipino ni Anna Santos Villar

Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote at Jobelle Macayan

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara