Sintomas ng diabetes sa bata, ano-ano ang mga ito?

Madalas bang umiihi ang iyong anak lalo na kapag gabi, o kaya naman laging uhaw at kain ng kain. Baka sintomas na iyan ng diabetes sa bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalas bang umiihi ang iyong anak lalo na kapag gabi, o kaya naman laging uhaw at kain ng kain. Baka sintomas na iyan ng diabetes sa bata.

Hindi na pangkaraniwang sakit ang diabetes lalo na sa ating bansa kahit bata ay nagkakaroon nito, alamin ang mga sintomas ng diabetes sa bata at kung ano ang mga maaari mong gawin upang maagapan at magamot ito.

Sa isang panayam ng theAsianparent Philippines Dr. Eleonor isang eksperto sa sakit na diabetes at bahagi ng na facilitated ng Abbott Diabetes Care in the Philippines. Ipinaliwanag niya kung ano nga ba ang diabetes at mga sintomas nito sa bata at ganoon na rin sa matatanda.

Larawan mula sa IStock

Ano ang diabetes at mga type nito? 

Ayon kay Dr. Eleonor, wala umanong sapat na datos upang masabi kung ilang batang Pilipino ang mayroong diabetes. Sa mga Asian report umano ay umaabot ito ng 4%.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mayroong dalawang uri umano ng diabetes sa mga bata ayon kay Dr. Eleonor. Isa na rito ang Type 1, ito’y uri ng diabetes na insulin dependent, kung saan ang karaniwan ito sa 18 years old pababa. Maaari ring magkaroon ang mga sanggol nito subalit mas karaniwan ito sa 4-6 years old at 10-14 years old na mga bata.

“The children who have this will need insulin injections for life.” Ibig sabihin habambuhay na magtuturok ang isang bata hanggang paglaki niya ng insulin. Kadalasan genetic umano ang pinagmumulan o sanhi nito.

Samantalang ang Type 2 diabetes naman o non-insulin dependent ay karaniwang nakikita sa mga matatanda. Subalit nakikita na rin na tumataas ang bilang nito sa mga bata. Ang mga nasa adolescents’ period ang karaniwang naapektuhan nito. Sa kwento ni Dr. Eleonor,

“..but my youngest patient is an 8-year-old. This can be treated with lifestyle modification and oral drugs.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sanhi naman ito ng hindi magandang lifestyle ayon kay Dr. Eleonor kaya naman maaari pa itong magamot at mawala kung magkakaroon lamang ng tamang lifestyle at healthy diet.

Ano ang mga karaniwang sanhi ng diabetes?

Larawan mula sa IStock

Sinasabi ngang genetic o namamana ang kadalasang sanhi ng Type 1 diabetes pero may mga environmental factors na tinitignan na sanhi nito. Katulad na lamang ng exposure sa mga virus ayon pa rin ito kay Dr. Eleonor. Halimbawa umano nito ay mumps, enteroviruses na maaaring magdulot ng diarrhea, respiratory infection, sore throat, fever, at iba pa. Maaari umano itong magdulot ng pagkasira ng pancreatic cells na lumilikha ng insulin sa ating katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samatalang ang pinagmumulan naman Type 2 diabetes idinidikit sa pagiging overweight o labis na timbang at obesity.

Dagdag pa ni Dr. Eleonor, “Having a family history of Type 2 DM, born to mom with DM, born small or large for gestational age, also predisposes one to a much higher risk of developing the condition.”

Ano ang mga sintomas ng diabetes sa bata?

Ito umano ang dapat tandaan na mga sintomas at senyales ng diabetes sa bata. Pareho umano lamang ang sintomas ng Type 1 at 2 diabetes.

  • Ang madalas na pag-iihi lalo na kapag gabi.
  • Madalas na pagkauhaw.
  • Laging kain nang kain.

Larawan mula sa IStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito naman ang mga ‘di karaniwan na sintomas o senyales ng diabetes sa bata na hindi agad napapansin at pinagkakamalang iba ang sanhi.

  • Pagbaba ng timbang at hindi madalas na pagkain
  • Wala masyadong enerhiya at mabilis mapagod – pagiging tamad, kulang sa ehersiyo, tulog o bitamina.
  • Hirap sa paghinga – kadalasang napagkakamalang asthma o respiratory infection. Subalit isa itong senyales ng diabetic ketoacidosis, isang severe complication ng Type 1 diabetes na maaaring magdulot ng coma at pagkamatay.

Maaari ba itong magamot o mawala?

Ayon kay Dr. Eleonor, ang Type 1 diabetes ay isang lifelong condition. Ibig sabihin pang habambuhay na ito at hindi na ito mawawala. Ang tanging gamot lamang dito para hindi magkaroon ng kumplikasyon at makapamuhay pa rin ng normal ang isang bata ay pag-i-inject ng insulin.

“With the current treatment available, insulin injection has to be for life unless in the future, there might be some developments. The body’s pancreas, which makes the insulin to control the blood sugar is no longer working in this population. Insulin is available only as injection, no oral preparation.”

Samantalang ang Type 2 diabetes umano ayon kay Dr. Eleonor, ay maaaring mawala o mareversed sa pamamagitan ng pagbabago ng lifestyle.

Ang obesity o labis na timbang ang karaniwang sanhi nito kaya naman sabi ni Dr. Eleonor dapat ay hinihikayat ang mga bata na kumain ng masustansiya at balanseng pagkain. Gayundin, ang paghihikayat sa kanila na mag-ehersiyo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa School photo created by torwaiphoto – www.freepik.com

Sabi pa niya, “Parents should also model healthy behaviour. Most often, with weight loss alone, these children with type 2 diabetes can be taken off medication.”

Ano ang maaaring gawin ng mga magulang?

Disiplina aniya ang pinakamahalaga sa mga taong may sakit na diabetes. Kaya ayon kay Dr. Eleonor kailangan umanong magpokus sa mga sumusunod:

  1. Pagsunod sa medication – lalo na sa mga may sakit na Type 1 diabetes. Kailangan umanong masunod ang pagturok niya ng insulin araw-araw. Dahil katulad ng tubig, at pagkain ito’y esensyal para sa isang batang may Type 1 diabetes.
  2. Diet at exercise – hindi ibig sabihin may diabetes ang isang tao ay hindi na siya makakain ng tasty na mga pagkain. Ang mahalaga umano ayon kay Dr. Eleonor ay magkaroon ng masustansiya at balanseng diet ang kinakain ng inyong mga anak. Bawasan ang pagpapakain ng carbohydrates na matatagpuan halimbawa sa kanin at tinapay.
  3. Pag-monitor at pag-follow-up – mahalaga umano na laging nagpapa-check up sa doktor. Upang malaman ang status ng diabetes ng inyong anak at malaman kung paano ma-monitor ang blood sugar ng inyong anak. Mayroon din namang mga home checker upang malaman at ma-monitor niyo ang glucose o blood sugar ng inyong anak na hindi na kailangang i-prick pa ang kaniyang mga daliri ayon kay Dr. Eleonor.

Paano ba ito maiiwasan?

Sabi ni Dr. Eleonor, may mga mananaliksik umano ang nagsasagawa ng mga pag-aaral sa iba’t ibang panig ng mundo upang maunawaan ang diabetes. Upang makalikha ng mga solusyon, prevention, at gamot para rito sa kasalukuyan.

Para sa mga batang may Type 2 diabetes, ang pagkontrol sa timbang ang pangunahing nirerekomenda ni Dr. Eleonor upang ito maiwasaan ito. Ang pagkakaroon ng sapat na tulog at regular na pisikal na aktibidad, pag-iwas sa pagkain o pag-inom ng matatamis Ang isa sa makakatulong upang hindi magkaroon ng Type 2 diabetes ang isang bata.

Larawan mula sa IStock

Samantalang ang Type 1 diabetes naman, ibinahagi niya niya ang pag-aaral na TEDDY (The Environmental Determinants of Diabetes in the Young) na nagsasagawa ng mga pag-aaral patungkol sa sanhi ng pagkakaroon ng Type 1 diabetes. Ang pagkakaroon umano ng respiratory infection ang maaaring makapagpa-trigger nito at ang role umano ng Vit D at C ay maaaring makapag-prevent nito, o makatulong.

Pinapayuhan din ni Dr. Eleonor ang mga magulang na siguruhing may sapat at recommended immunizations ang inyong mga anak upang makaiwas sa mga sakit. Hikayatin din sila na kumuha ng sapat na sunlight para sa vitamin D. Kumain ng gulay at prutas na nagpo-provide ng vitamin C na makakatulong sa iyong anak.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Marhiel Garrote