Maliban sa polio, dumaraming kaso ng diphtheria sa Pilipinas naitala

Narito ang mga impormasyon tungkol sa nakakahawang sakit na diphtheria.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas ng diphtheria naman ngayon ang naitalang tumama sa ilang lugar sa bansa. Panibagong sakit na kailangang bantayan ng mga magulang lalo na sa mga batang walang bakuna laban dito.

Image from GMA News video

Kaso ng diphtheria sa Pilipinas

Maliban sa polio, may isang nakakahawang sakit na naman ang muling nanumbalik sa bansa matapos ang ilang taon. Ito ang sakit na diphtheria. Dahil ayon sa ulat ng Department of Health o DOH sa isang pagdinig sa senado ilang rehiyon sa Pilipinas kabilang na ang Cordillera Administrative Region o CAR ay naiulat ng may mga kaso na ng sakit. Dagdag pa dito ang naiulat pang isang kaso ng hinihinilang pagkamatay ng isang bata dahil sa diphtheria sa Pandacan, Manila.

Ayon sa school nurse ng Jacinto Zamora Elementary School sa Pandacan na si Josefina de Guzman, isa sa mga Grade 4 students ng kanilang eskwelahan ang pumasok na may lagnat noong September 13. Base umano sa impormasyon na ibinigay ng ina ng bata ay mayroon rin itong rashes at mouth sores. At kinalaunang na-diagnose na nagpapakita ng sintomas ng diphtheria noong September 20, ilang oras bago siya tuluyang nasawi.

Sa ngayon ay nagsasagawa pa ang Research Institute for Tropical Medicine o RITM ng laboratory testing sa bata upang makumpirma kung diphtheria nga ang sakit na tumama sa kaniya.

Ngunit, bilang maagap na pagtugon sa kaso ng diphtheria sa kanilang paaralan ay nag-disinfect na ng kanilang school premises ang Jacinto Elementary School. At binigyan narin ng prophylactic treatment ang mga taong huling nakasama o nagkaroon ng close contact sa batang hinihilang nasawi dahil sa diphtheria.

Pahayag ng DOH

Ayon sa isang DOH report, mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon ay nailata ang 167 cases ng diphtheria sa bansa. At 40 sa mga ito ang kumpimardong nasawi dahil sa sakit. Mataas ito kumpara sa naitalang 122 cases ng diphtheria noong 2018 na kung saan 30 naman ang naiulat na nasawi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Base naman sa pahayag ni DOH Spokesperson and Undersecretary Eric Domingo sa isang panayam, ang mga unvaccinated na bata, may mahinang immune system at mga naninirahan sa mga masisikip at matataong lugar ang pinaka-vulnerable na magkaroon ng sakit.

Dahil sa mababang immunization coverage sa bansa

Paniniwala naman ng Epidemiology Bureau ng DOH, ang muling pagbalik ng mga highly communicable at infectious disease tulad ng diphtheria ay resulta ng low immunization coverage sa bansa.

Dahil nitong nakaraang taon ay bumagsak sa 40% ang immunization coverage sa bansa. Napakababa kumpara sa 70% coverage ng mga nakaraang taon. At ang itinuturong dahilan ay ang kawalan ng kumpyansa ng mga magulang sa mga vaccines dahil sa Dengvaxia controversy.

Dagdag pa ang kakulangan ng mga staff ng DOH para maayos na maisagawa ang kanilang immunization programs. Ito ay ayon naman kay DOH medical specialist Anthony Calibo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Clearly, the statistics has been really alarming. And I think it’s more of really how a good complement of human resources will be able to muster that momentum from top down. Because right now, the immunization program is really understaffed.”

“The immunization unit is of prime importance. It looks into really effective monitoring systems, and really providing timely technical assistance to local government units that may be at risk as well.”

Ito ang naging pahayag ni Calibo sa isang pagdinig sa senado nito lamang Martes.

Ayon naman sa World Health Organization o WHO, nanatili paring pinaka-successful na paraan ang vaccination para maiwasan ang sakit. Kaya naman ang mga batang edad 6 weeks pataas ay hinihikayat na mabigyan ng anti-diphtheria vaccine. Ang vaccine na ito na kung tawagin ay DPT ay libre namang ipinamimigay ng mga health centers sa buong bansa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang sakit na diphtheria?

Ayon sa WHO, ang diphtheria ay isang infectious disease dulot ng bacterium na kung tawagin ay Corynebacterium diphtheria. Ang bahagi ng katawan na pangunahing naapektuhan ng bacteriang ito ay ang upper airways at lalamunan.

Kapag may diptheria ang isang pasyente ay nagkakaroon siya ng thick covering sa likod ng kaniyang lalamunan na kung tawagin ay pseudomembranes. Ang thick layer na ito ay humaharang o bumabara sa airways ng isang tao na nagdudulot ng hirap sa kaniyang paghinga.

Nagrerelease rin ng toxins ang sakit sa katawan na kumakalat sa bloodstream. Kung hindi maagapan ang mga toxins na ito ay maaring magdulot ng damage sa iba pang organs ng katawan tulad ng puso, utak at kidneys. At maaring mauwi sa life-threatening complications tulad ng myocarditis o inflammation sa heart muscle, paralysis at kidney failure.

Naihahawa ang sakit sa pamamagitan ng direct physical contact o ang paglanghap ng aerosolized secretions mula sa ubo o atsing ng taong may taglay ng sakit.

At ang pinaka-magandang paraan para maiwasan ito ay sa pamamagitan ng pagbabakuna laban dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Anti-diphtheria vaccine, DTap o Penta vaccine

Base parin sa WHO, ang diphtheria vaccine ay ibinibigay kasabay ng iba pang vaccines na kung tawagin ay DTwP/DTaP vaccine o pentavalent vaccine sa mga bata. Habang sa mga matatanda, ang diphtheria toxoid ay ibinibigay kahalo ng tetanus toxoid sa mababang concentration.

Inirerekumenda ng WHO na bawat indibidwal ay mabigyan ng 3-dose primary vaccination series ng diphtheria vaccine kasunod ng 3 booster doses. Ang unang shot ng diphtheria vaccine ay ibinibigay sa mga sanggol na may gulang na hindi bababa sa anim na linggo. Samantalang ang mga susunod na doses ay ibinibigay makalipas ang kada apat na linggo. Susundan ito ng booster shots sa edad na dalawang taon o 12-23 months of age, 4-7 years old at ang huli kapag edad 9-15 years old na ang isang bata.

Sintomas ng diphtheria

Samantala ang mga sintomas ng diphtheria ay kadalasang lumalabas sa loob ng dalawa hanggang limang araw matapos tumama ang sakit sa isang tao.

Ang pinaka-visible na sintomas ng diphtheria ay ang pagkakaroon ng makapal at kulay gray na coating sa lalamunan o tonsils na sasabayan ng mga sumusunod pang sintomas:

  • Lagnat
  • Sipon
  • Chills
  • Kulane sa leeg
  • Ubo
  • Sore throat
  • Bluish na balat
  • Paglalaway
  • Pagkaramdam ng uneasiness o discomfort

Habang lumalala ang sakit ay madadagdagan din ang sintomas ng diphtheria na mararanasan ng pasyente tulad ng sumusunod:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Hirap sa paghinga o paglunok
  • Pagbabago o paglabo ng paningin
  • Kakaibang tunog ng pagsasalita
  • Palatandaan ng shock tulad ng pale at cold skin, sweating at rapid heart beat

Ang diphtheria ay maari ring kumalat sa balat ng isang tao na kung tawagin ay cutaneous diphtheria. Ito ay nagdudulot ng ulcers sa balat o pamumula sa apektadong bahagi ng balat sa katawan.

Lunas sa diphtheria

Sa oras na makaramdam o makapansin ng sintomas ng diphtheria ay dapat ng agad dalhin sa ospital o doktor ang pasyente. Dahil para malunasan ito ang unang hakbang ay ang pagbibigay sa kaniya ng antitoxin injection. Ito ay para malabanan ang pagdami at pagkalat ng bacteria sa kaniyang katawan.

Mag-rereseta rin ng antibiotics ang doktor tulad ng erythromycin o penicillin para tuluyang malabanan ang impeksyon.

Bibigyan rin ng antibiotics ang mga taong nakapaligid o huling nakasama ng taong positibo sa sakit. Ito ay para maproteksyunan sila at hindi na maihawa pa ang sakit na diphtheria.

Muli, ipinapaalala ng DOH sa mga magulang na pabakunahan na ang iyong anak. Protektahan sila mula sa mga sakit na nararanasan ng bansa ngayon tulad ng tigdas, polio at diphtheria. Dahil ang pinakamainam na paraan para maiwasan ito ay ang pagbabakuna na libreng ipinamimigay sa buong bansa. Magpunta lamang sa pinakamalapit na health center sa inyong barangay.

Source: ABS-CBN News,CNN Philippines News,Radyo Inquirer,WHO,Healthline,Mayo Clinic,DOH

Photo: Healthline

Basahin: Baby hindi nabakunahan ng DPT; namatay dahil sa diphtheria