Mahilig bang may manghalik sa iyong baby? Naku mommy! Mabuting iwasan na ito dahil maaaring makakuha ng sakit na herpes ang iyong anak. Narito ang sintomas ng herpes sa baby.
6 na buwang baby muntik mabulag ng magkaroon ng herpes dahil sa halik
Agad na isinugod sa ospital si baby Oarlah matapos itong magkaroon herpes nang dahil lang sa isang halik.
Makikita ang pulang-pula na spots sa kanyang mukha. Nagkaroon na rin ang kanyang buong ulo. Sa takot ng ina at pamilya nito, agad siyang pinatingin sa doctor dahil akala ni baka maapektuhan ang mata nito at tuluyang mabulag si baby Oarlah.
Ayon sa inang si Hollie Cruickshanks, nang makita niya ang kanyang anak sa ganung kalagayan, sobrang nagimbal ito at akala niya mabubulag ang kanyang anak.
Agad namang sinuri si baby Oarlah at inobserbahan ito. Good news naman dahil ayon sa doctor, mawawala ang mga namamagang red spots sa mukha at ulo nito sa loob ng 24 hours. Hindi rin maaapektuhan ang paningin ni baby Oarlah at hindi ito mabubulag.
Nabunutan naman ng tinik ang mga mga magulang ni baby Oarlah na sina Hollie at Barlie.
Matindi na lamang ang takot ni Hollie sa nangyari sa kanyang anak. Kamakailan kasi, may nakita siyang fb post na katulad ng nangyari sa kanyang baby. Nagkaroon din ang baby ng herpes mula sa isang halik. Simula nang makita nya ‘yon, pinagbawalan niya na ang may humalik sa kanyang anak.
Ayon sa kanya,
“I was horrified. People thought I was paranoid when I said I didn’t want anyone kissing Oarlah but I’d seen what it could do. I couldn’t help myself and I kissed her on the forehead when she was born, but then I banned all her visitors from kissing her,”
Ngunit hindi lang ito dahil sa halik! Ayon sa doctor, maaaring hindi lang sa halik nanggaling ang herpes na nakuha ni baby Oarlah. Dahil pwede rin itong matransfer sa pamamgitan ng physical contact kay baby.
Maayos na naman ang kalagayan ngayon ni baby Oarlah ngunit hindi na ito pinapahawakan o pinapahalikan sa ibang tao ng kanyang nanay.
Ayon kay Doctor Carol Cooper, ang virus na herpes ay sobrang nakakahawa sa mga tao. Kaya kailangan ng malawak na kaalaman sa naturang virus at ‘wag kalimutang mag-ingat.
Ano ang Herpes?
Ang Herpes ay highly contagious. Ito ay nagmula sa herpes simple virus na masasakit na blister o yung mga tumutunong bukol na may tubig sa loob. Nahahawa ito sa pamamagitan ng physical contact. Maaaring makuha habang nakikipgtalik o sa halik.
May dalawang uri ng Herpes simplex virus. Ang Type 1 ay magkakaroon na kg maliliit na blisters sa bibig, mata o labi. At ang Type 2 naman ay may epekto sa genital area ng isang tao.
Ang pagkakaroon ng Herpes sa isang baby ay sobrang delikado at kumplikado. Maaari kasi itong mag-cause ng kamatayan sa isang bata dahil hindi pa ganun katibay ang immune system nila.
Ano ang sintomas ng herpes sa baby?
Ang sintomas ng Herpes na may cold sores ay:
- Pananakit ng ulo
- Dehydration
- Masakit na lalamunan
- Pamamaga ng gums
- Nausea
- Mataas na lagnat
- Naglalaway
Ang sintomas ng Herpes sa genital area ay:
- Maliliit na blisters
- Masakit na ari kapag umiihi
- Nausea
- Vaginal discharge
Source: The Sun
BASAHIN: 1 buwang baby nagkaroon ng sakit pagkatapos halikan ng kamag-anak
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.