Trahedya para sa kahit sinong ina ang malaglagan ng anak, lalong-lalo na kung matagal na nilang gustong magka-anak ng kaniyang asawa. Madalas ay ang pagkakaroon ng pagdurugo ay isang karaniwang sintomas ng pagkalaglag.
Ngunit alam niyo ba na puwedeng malaglagan ng anak nang walang nararanasang pagdurugo? Mayroon pang ibang mga sintomas ng pagkalaglag na hindi madaling mapansin, ngunit mahalagang malaman ng mga ina. Ating alamin kung anu-ano ang mga ito.
Anu-ano ang mga sintomas ng pagkalaglag?
Image from Freepik
Alam niyo ba na umaabot ng 25% ng mga pagbubuntis ang humahantong sa pagkalaglag? Bukod dito, maraming ina ang hindi man lang nalalaman na nalaglag na pala ang kanilang baby. Ito ay dahil karamihan ng mga miscarriage o pagkalaglag ay nangyayari sa unang 13 linggo ng pagbubuntis. Madalas ay wala pang nakikitang mga sintomas ang ilang mga ina kapag ganito kaaga sa kanilang pagbubuntis.
Image from Freepik
Minsan nga, hindi na nakakakita ng pagdurugo ang mga ina kapag nalaglagan sila ng anak. Kaya’t mahalagang malaman nila ang iba pang mga sintomas ng pagkalaglag, tulad ng mga sumusunod:
- pananakit ng likod
- pagtatae o diarrhea
- pagsusuka o nausea
- panghihina
- cramping ng puson na parang ikaw ay magkakaroon
- pananakit ng tiyan
- fluid na galing sa iyong vagina
- tissue o laman na galing sa iyong vagina
Kung may makita kang kakaibang laman galing sa iyong vagina, mabuting itabi ito kung maaari upang maipakita sa iyong doktor. Ang tissue na nakukuha mula sa pagkalaglag ay parang blood clot kung nangyari ito ng maaga sa pagbubuntis.
Mahalaga rin na magpatingin sa doktor pang makumpirma kung nalaglagan ka nga ng bata o hindi. Bukod dito, mahalaga ring malaman ng iyong doktor ang lagay ng iyong kalusugan dahil kapag may naiwan na laman sa iyong katawan, posible itong maging sanhi ng sakit.
Ano ang dahilan ng pagkalaglag ng bata?
Image from Freepik
Iba-iba ang posibleng maging dahilan ng pagkalaglag ng bata. Kadalasan, ito ay dahil sa mga pagkakaroon ng abnormal na chromosomes. Sa ganitong mga kaso, hindi talaga lumalaki ang bata dahil hindi maayos ang pag-develop ng embryo at ng mga cells. Ngunit may iba ring mga dahilan para dito, tulad ng mga sumusunod:
- masyadong mababa o mataas na levels ng pregnancy hormone
- pagkakaroon ng diabetes
- exposure sa radiation o kaya mga kemikal
- mga impeksyon
- pag-inom ng gamot o droga na makakasama sa sanggol
- endometriosis
Hindi madali sa mga ina ang malaglagan ng anak, lalo na kung matagal na silang umaasa na mabubuntis sila. Ngunit dapat tandaan ng mga ina na hindi sila nag-iisa, at mayroon silang asawa, kamag-anak, at mga kaibigan na susuportahan sila.
Mahalagang hindi mawalan ng pag-asa, at huwag panghinaan ng loob kung sakaling hindi pa rin sila nabubuntis.
Source: Healthline
Basahin: Ina namatayan ng 3 anak dahil pinakasalan niya ang kaniyang pinsan
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!