6 na senyales na malabo ang mata ng bata

Alamin ang mga tips na maaring gawin para mapanatiling malusog ang mga mata ng iyong anak. | Larawan mula sa iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tingin mo ba’y tila nanlalabo ang mata ng iyong anak? Ito ang mga sintomas ng panlalabo ng mata sa bata na dapat malaman ng bawat magulang. 

Mga sintomas ng panlalabo ng mata sa bata

Ayon sa ophthalmologist na si Megan Collins, ang paningin o vision ng mga bata ay nagde-develop pa sa unang pito hanggang walong taon ng kanilang buhay.

Sa mga taong ito, kung ang mata ng bata ay malabo ay maaari pa itong ma-correct o maitama ng paggamit niya ng salamin o eye glasses. Pero paano mo ba malalaman na malabo na ang mata ng iyong anak?

Narito ang mga sintomas ng panlalabo ng mata sa bataa na dapat mong bantayan:

1. Madalas na pagkuskos ng mga mata.

Larawan mula sa iStock

Ang madalas na pagkuskos ng mata ay isa ring palatandaan na nakakaranas ng vision problem ang isang bata. Maaring ito pala ay fatigue o digiltal eye strain na. Sintomas rin ito ng sore eyes o conjunctivitis na nakakahawa.

2. Pag-tilt ng ulo at pagtatakip ng isang mata.

Para malinawan din ang paningin niya sa isang bagay, isa pang mapapansin na ikinikilos ng isang bata na may malabong mata ay ang paggalaw niya ng ulo o pagtakip ng isang mata para lang makita ng maayos ang isang bagay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Palatandaan din ito na maaaring misaligned ang mga mata ng iyong anak o siya ay nakakaranas ng kondisyon na kung tawagin ay amblyopia. Kilala rin ito sa tawag na lazy eye na isa sa madalas na eye disorder na nararanasan ng mga bata.

3. Pag-upo ng masyadong malapit sa telebisyon o paghawak ng mga gadgets o hand-held devices na malapit sa mata.

Palatandaan rin ng malabong mata ang pag-upo ng malapit sa telebisyon ng isang bata. O ang paghawak niya ng malapit sa mata ng mga devices tulad ng tablet at cellphone.

Ganoon din ang paghahawak niya ng libro ng napakalapit sa kaniyang mukha o kaya naman ay pagbaba pa ng kaniyang ulo para lang makabasa.

Ito ay mga palatandaan na maaaring may myopia o nearsightedness ang isang bata. Ang kondisyon na kung saan mas malinaw o clear ang kaniyang paningin kapag nasa malapit ang isang bagay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo by Ksenia Chernaya from Pexels

4. Squinting o pagpapaliit ng mata para lang makakita.

Kung nakikita mong kailangan pang pakitirin o paliitin ng iyong anak ang mata niya para lang makakita ng maayos, senyales ito na malabo na ang kaniyang mga mata. Sa pamamagitan nito ay na-iimprove niya ang focus o linaw ng isang bagay na tinitingnan niya.

5. Pagsakit ng mata na sasabayan ng pananakit ng ulo.

Kung ang iyong anak ay madalas na nagrereklamo ng pananakit ng kaniyang mata na susundan pa ng pananakit ng ulo ay palatandaan din na malabo na ang kaniyang mata. Ang pananakit ng kaniyang mata ay palatandaan na napupuwersa ito para lang malinaw na makakita.

6. Hirap na maka-concentrate sa mga school works.

Dahil sa hirap na makakita ng maayos lalo na kung malayo ang upuan ng iyong anak sa blackboard ay maaari ring maging poor ang performance niya sa school.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahihirapan din siyang magbasa at madaling mananakit ang kaniyang mata sa tuwing nakatapat sa computer o tablet kung nag-o-online classes siya.

Ano ang dapat gawin?

Kung ang iyong anak ay nagpapakita ng mga nabanggit na sintomas ng panlalabo ng mata sa bata ay dapat dalhin na siya agad sa isang doktor o eye care professional. Ito ay upang matignan ang mga mata niya at malaman kung anong angkop na treatment ang para sa kaniya.

Larawan mula sa iStock

Siya ay maaaring resetahang gumamit ng eye drops o eye patches para maibsan ang pananakit o pangangati ng mata niya. Pero kung malabo na talaga ang mata ng iyong anak ay papayuhan na siyang gumamit ng salamin, prescriptive lenses o eyeglasses. Ito ay para hindi na lumala pa ang paglabo ng kaniyang mata at maitama pa ang paningin niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tips kung paano mapapangalagaan ang paningin o mata ng iyong anak

Gabayan at limitahan ang iyong anak sa tagal ng gadget exposure niya.

Ang American Academy of Pediatrics ay naglabas ng screen time guide para sa mga bata. Base sa kanilang guide, ang mga newborns hanggang 18months old na sanggol ay hindi dapat nai-expose sa screen o sila ay dapat walang screen time.

Maliban nalang kung sila ay isasama mo sa isang video call. Habang para naman sa mga batang 18 months pataas hanggang 24 months dapat ay may limitasyon ang paggamit ng gadgets at may gabay ng magulang. Para naman sa mga batang 2 hanggang 5 taon, isang oras o 60 minuto ang ina-advice nilang maximum gadget time.

Bagamat sa mga batang mag-aaral ay hindi maiiwasang mas maging matagal ang exposure nila sa gadgets, mas mabuting gabayan at bantayan sila na agad tumigil sa paggamit nito kapag tapos na ang ginagawa o klase nila.

Ilayo ang computer o cellphone nang 18 inches mula sa mata.

Para mabawasan ang pananakit ng mata, mainam na ilayo ng one arm away o 18 inches ang mata mula sa computer o cellphone.

I-adjust ang brightness ng cellphone o computer. Pati na ang laki o size ng letra sa screen.

Dapat ay hindi masyadong maliwanag o bright ang screen ng iyong cellphone. Ito ay dapat i-adjust upang hindi maging masakit sa mga bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tandaan na dapat ang overhead o surrounding light ay dapat mas madilim kumpara sa cellphone o computer. Sa ganitong paraan ay hindi kinakailangang taasan ang brightness ng ginagamit na gadget.

Makakatulong din kung i-adjust ang size ng text sa cellphone o computer ng mas malaki upang madaling basahin.

Ugaliing kumurap.

Ayon sa mga eksperto, ang pagkurap ay nakakatulong upang ma-lubricate ang mga mata. Sa ganitong paraan ay nababasa ito at nababawasan ang eye strain. Ang paggamit naman ng eye lubricant ay nakadepende sa payo ng espesyalista.

Gawin ang 20-20-20 rule.

Ito ay ang pagpapahinga ng mata nang 20 segundo, kada 20 minuto sa layong 20 talampakan kung siya ay nagbabasa o gumagamit ng gadget. Sa ganitong paraan ay nakakapagpahinga o nakakapag-relax ang kaniyang mga mata.

Background photo created by pressfoto – www.freepik.com

Siguruhin naka-eye level at nakaupo nang maayos ang iyong anak kapag nasa harap na ng computer o nagbabasa.

Mahalaga rin na komportable ang posisyon ng iyong anak habang gumagamit ng computer, gadget o nagbabasa. Ito’y upang hindi masyadong mapuwersa ang kaniyang mga mata habang nag-aaral.

I-encourage ang iyong anak na gumawa ng mga outdoor activities.

Para mas maiwasan makaranas ng mga eye conditions ang isang bata ay mas mabuting i-encourage siya na gumawa ng mga outdoor activities.

Hindi lang nito pinapababa ang tiyansa na makaranas ng myopia at iba pang eye problems ang iyong anak. Isang paraan din ito ng pag-exercise na mas makakapagpalusog ng katawan niya.

Maging magandang halimbawa sa iyong anak.

Ayon sa mga pag-aaral, ang mga batang nahihilig sa mas mahabang oras ng screen time ay lumaki sa mga magulang na nagbababad din sa panonood ng TV o paggamit ng gadgets.

Kaya naman para matuto ang iyong anak na magkaroon ng limitasyon sa kaniyang screentime use ay magpakita ng magandang halimbawa sa kaniya.

Gawin ito sa pamamagitan ng pagbabawas ng paggamit ng cellphone o gadgets. Sa halip, mag-spend ng quality time sa iyong anak sa pamamagitan ng paggawa ng mga arts and crafts, o kaya naman pwede niyo ring bonding moment ang pagtuturo sa kaniya ng gawaing bahay.

Food photo created by jcomp – www.freepik.com 

Kumain ng masusustansya at regular na magpa-check up ng mata.

Para mas maging malusog ang mata ay handaan ng masusustansyang pagkain ang iyong anak. Tulad ng mga prutas at gulay na rich in vitamin A na mahalaga para sa pagkakaroon ng malinaw na mata. Dapat rin ay regular na maipa-checkup ang kaniyang mga mata para agad na maitama o malunasan ito kung mayroong problema.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.