Simpleng lagnat, sintomas na pala ng rabies!

undefined

Sino ba naman ang mag-aakala na ang simpleng lagnat ay posible pala maging sintomas ng rabies sa bata? Ating alamin kung paano maiiwasan ang sakit na ito.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga madalas na sintomas ng rabies sa bata, ganoon narin sa matatanda.
  • Ano ang dapat gawin sa oras na makagat ng aso.
  • Paano maiiwasan ang rabies infection.

Hindi makakaila na ang mga alaga nating aso ay maituturing natin na mga best friend. Masarap magkaroon ng alaga, at mabuti rin ang pagkakaroon ng alaga para sa development ng ating mga anak.

Ngunit posible rin na ang alaga nating aso ang magdala ng panganib! Tulad na lang ng kwento kung saan isang 8 taong gulang na bata ang namatay, dahil hindi agad natutukan ang sintomas ng rabies sa bata.

Paano ito nangyari, at paano makakaiwas dito ang mga magulang?

Anu-ano ang mga sintomas ng rabies sa bata?

Ang walong taong gulang na batang si Carl Agsalud ay kabilang sa libo-libong tao sa Pilipinas na namatay dahil sa sakit na rabies.

Ang masakit pa dito ay inakala lang na simpleng lagnat ang kaniyang sakit. Nang mapag-alaman na rabies na pala ito, huli na upang magamot ang kaniyang karamdaman.

Ayon sa kaniyang ama na si Dennis Agsalud, Setyembre umano noong 2018 nang magkaroon ng lagnat ang kaniyang anak. Noong una ay inakala lang nila na simpleng lagnat lang ito, kaya hinayaan lamang nila.

Subalit pagtagal, ay hindi pa rin gumagaling ang bata. Minabuti na nilang dalhin si Carl sa doktor kung saan siya na-confine. Dito, binigyan lamang siya ng antibiotic.

Hindi pa rin nawala ang lagnat ni Carl, at nagkaroon pa siya ng pamamanhid sa kaniyang binti. Hindi rin umano maigalaw ng bata ang binti niya, at naninigas umano ito. Bukod dito, hirap din umano siyang makaihi at makadumi.

Dalawang araw matapos siyang ma-confine, ay nagkaroon na ng takot sa ilaw at tubig ang bata. Nagsagawa ng pagsusuri ang ospital at natagpuan na mayroong rabies si Carl.

Sa kasamaang palad, huli na nang malaman na mayroon pa lang rabies si Carl. Dahil hanggang ngayon, wala pa ring gamot sa sakit na rabies, hindi na natulungan ng ospital si Carl, at siya ay namatay.

Ang rabies ay mayroong 100% fatality rate, kaya mahalagang agapan agad ang sakit na ito.

Paano nagkakaroon ng rabies?

sintomas ng rabies sa bata

Kahit na man’s best friend ang mga aso, posible pa rin silang maging sanhi ng nakakamatay na rabies. | Source: Public Domain Files

Ayon kay Dr. Arthur Dessi Roman, isang infectious disease specialist, ang rabies ay madalas na nakukuha ng mga aso. Bagamat puwede ring ma-infect nito ang ibang hayop at kahit na tayong mga tao.

Pahayag ni Dr. Roman,

“Ang rabies maaaring makakuha (sa) inyong mga aso puwede ring makakuha inyong pusa at puwede nilang mai-transmit. Basically all mammals can harbor and transmit rabies at sa mammals kasama ang mga tao diyan. Kaya maaari tayong mahawa at mag-transmit din ng rabies from our pets.”

Ano ang maaaring mangyari kapag nakagat ng asong may rabies?

Base naman sa health website na Medical News Today, ang rabies ay isang uri ng virus na naapektuhan ang nervous system ng isang tao. Dahil rito, nagkakaroon ng inflammation o pamamaga ang utak, na nagiging sanhi ng coma, at pagkamatay.

Paliwanag ni Dr. Roman, sa oras na ma-infect ang isang tao ng rabies ay agad nitong inaatake ang utak. Kaya naman tulad ng asong nauulol ay maaring ganito rin umano ang epekto nito sa tao.

Ang nakakatakot kung hindi maagapan ang rabies infection ay maaaring magdulot ng pagkamatay ng taong nakagat ng asong infected nito. Pahayag ni Dr. Roaman,

“The way the virus attacks the brain is parang hina-hijack causing it to lose control manifesting in behavioral changes and aggression so parang nagiging asong ulol. And the problem is rabies is 99.99% fatal.”

BASAHIN:

Mga kailangang tandaan kapag nakagat ng daga o iba pang hayop

LIST: Mga mabisang gamot sa kagat ng insekto na safe kay baby

Are hamster bites dangerous? Mom of 3 dies after hamster bite

Sintomas ng rabies infection

Walang lunas sa rabies infection, kaya mahalagang magpunta agad sa doktor ang sino mang makagat o makalmot ng isang aso, kahit na hindi pa siguradong rabies ito.

Sapagkat ang tanging paraan lang para maprotektahan ang isang tao mula sa panganib ng rabies ay sa pamamagitan ng rabies vaccine.

Ito ay hindi dapat patagalin. Sapagkat sa oras na maglabasan na ang sintomas ng rabies infection sa isang tao ay wala ng magagawa ang vaccine dito.

Ito ay dahil kapag nagsimula nang lumabas ang sintomas ng rabies, wala nang maitutulong ang rabies vaccine para dito.

Heto ang mga sintomas ng rabies sa bata na maaari ring maranasan ng sinuman na ma-infect nito.

  • Hydrophobia o pagkatakot sa tubig.
  • Pagkakaroon ng takot sa ilaw.
  • Matinding lagnat.
  • Pagkabalisa.
  • Paninigas ng mga bahagi ng katawan, at pagkakaroon ng lockjaw.
  • Nausea at pagsusuka,
  • Confusion o pagkalito.
  • Hyperactivity.
  • Paglalaway.
  • Hallucinations.
  • Insomia o hirap makatulog.
  • Hirap sa paglunok.
  • Kawalan ng gana sa pagkain.

sintomas ng rabies sa bata

Love photo created by karlyukav – www.freepik.com

Ano ang dapat gawin sa oras na makagat ng aso?

Magpunta agad sa doktor kapag nakagat o nakalmot ng aso

Hindi dapat balewalain ang mga kagat ng aso, kahit na sa tingin natin ay wala naman silang rabies. Importante na magpunta agad sa health center upang mabigyan ng rabies vaccine, dahil ito lang ang paraan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.

Payo ni Dr. Roman, may first aid rin na maaaring gawin sa oras na makagat ng aso. Ito ay sa pamamagitan ng paghuhugas gamit ang tubig at sabon sa bahagi ng katawan na nakagat ng aso.

Ito lang umano ang tama at ligtas na paraan ng pagbibigay ng pangunang lunas sa kagat ng aso. Hindi totoo ang iba pang pinaniniwalaan nating lunas gaya ng pagkuskos ng bawang at pagsipsip sa kagat ng aso na pawa umanong napakadelikado.

Tamang first aid sa kagat ng aso

“Ang tamang first aid is to wash the wound with soap and water ng 15 minutes in running water. Hindi dapat nilalagyan ng bawang ang sugat kasi irritant sa balat ang bawang. Kapag kiniskis mo iyan sa manipis na part ng balat magsusugat iyan. And we don’t want that to happen sa area na may kagat. Kasi kapag may area sa kagat na nasugatan that becomes another portal of entry for the rabies virus.”

Ito ang paliwanag ni Dr. Roman. Kaya naman dapat hugasan agad ng sabon ang sugat na mula sa kagat ng aso.

Paano maiiwasan ang rabies infection?

sintomas ng rabies sa bata

Doctor photo created by freepik – www.freepik.com 

Madalas, namamatay rin ang mga asong mayroong ganitong sakit. Bagamat hindi naman lahat ng aso na nakakagat ng tao ay mayroong rabies.

Base sa health guidelines na ipinunto rin ni Dr. Roman, sa oras na makakagat ang isang aso ay dapat maobserbhan ito sa loob muna ng dalawang linggo.

Sa loob ng mga oras na ito na siya ay nagpakita ng sintomas ng rabies infection doon lang dapat umaksyon at tuluyan ng patayin ang aso upang hindi na makakagat pang muli.

Para maiwasan ito ay may isang paraan na maaaring gawin. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng anti-rabies vaccine. Hindi lang ng pet owner o sinumang maaaring ma-expose sa kagat ng aso. Kung hindi pati na rin ng hayop o alagang aso na siyang nagta-transmit ng impeksyon.

Mahalaga rin,  bilang magulang, na turuan natin ang ating mga anak na umiwas sa mga hindi kilalang aso, at magsabi agad kung sila ay nakagat o nakalmot. Kapag lumabas na ang sintomas ng rabies sa bata ay wala na itong lunas, kaya mahalagang maagapan ito agad.

Kapag mayroon pagala-galang aso sa inyong lugar na baka mayroong rabies, mabuting itawag agad ito sa barangay upang mahuli ang aso at hindi maka-kagat ng tao.

Kailangan ding maging responsableng pet owner at pabakunahan ng anti-rabies ang inyong mga alaga. Wag din silang hayaang gumala sa labas ng bahay kung saan sila ay posibleng mahawa at makahawa ng rabies.

 

 

Source: ABS-CBN, Childrens Hospital Org

Edited by: Irish Mae Manlapaz

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!