Pangangati at pamamantal ng balat ni baby? Narito ang mga home remedies at gamot na pwedeng gawin upang maibsan ang skin irritation dulot ng kagat ng insekto sa baby at mga cream na pwedeng mabili.
Gamot sa kagat ng insekto sa baby
Gaya ng matatanda, hindi immune ang mga baby sa kagat ng insekto, at kinakailangan ito ng gamot. Mas vulnerable pa nga ang mga baby sa kagat ng insekto at hindi agad mabibigyan ng gamot kung walang insect repellent. At, posbile ring nakakalimutan mong mag-spray sa loob ng bahay at panatilihing safe ang bahay sa mga pumapasok na insekto.
Minsan, nakokonsidera din natin ang kalusugan ng baby kung kaya napipili nating hindi mag-spray ng mosquito repellent sa bahay. Pero, mainam din na itanong sa inyong health care provider kung pwede ba o maaaring gumamit ng mga spray at hindi makakasama sa baby.
O 'di kaya'y kung ano ang mga pwedeng gamiting repellent na safe sa kalusugan ni baby.
Kung nariyan na ang kagat ng insekto sa baby, pumunta agad sa doktor para sa lunas at gamot. Lalo na, kung ang kagat ng mga hindi karaniwang insekto para sa baby na walang katiyakang lunas o gamot.
Gamot sa kagat ng insekto para sa baby
May mga over-the-counter at nireresetang gamot sa kagat ng insekto na safe at para sa baby. Tiyakin lamang kung ano ang insektong kumagat sa inyong baby bago bigyan o lagyan ng gamot.
Maaari rin na pumunta sa inyong pediatrician o doktor kung hindi siguro sa pinagmulan ng kagat ng insekto para matiyak ang gamot sa baby. Mahirap na kung hindi pala safe o allergic ang inyong baby sa gamot na inilagay o ipinainom para sa kagat ng insekto.
Kung may makikitang mga sintomas ng kagat ng insekto para sa baby ay agad na tumawag ng health care provider para sa gamot. Hindi biro ang kagat ng ibang insekto, lalo na kung foreign ito sa inyong bahay.
Narito ang mga sintomas na pwedeng makita o mapansin kung may kagat ng insekto na kailangan ng gamot para sa baby:
- ang kagat ng insekto, tulad ng sa kagat ng lamok, ay kadalasang nagdudulot ng namumulang pantal
- maaaring magsimula ang kagat sa pinkish o reddish na pantal, at pagkalipas ay mas iitim at mas matigas
- siyempre, magsisimulang mangati ang inyong baby dahil ito ang reaksyon ng kanyang katawan sa laway ng insekto, tulad ng sa kagat ng lamok
Mabisang gamot sa kagat ng insekto sa baby
Maliban sa mga pangkaraniwang sakit na ubo, sipon at lagnat, madalas ring nakakaranas ng kagat ng insekto ang mga baby na kailangan ng mabisang gamot.
Malalaman na nga lang ito kapag mayroon na silang rashes at pantal sa katawan na palatandaan ng kagat ng insekto tulad ng langgam at lamok.
[caption id="attachment_389184" align="aligncenter" width="670"] Mabisang gamot sa kagat ng insekto sa baby| Image from Freepik[/caption]
Ang mga ito naman ay madaling malulunasan. maaaring ito ay sa pamamagitan ng mga home remedies at over-the-counter creams tulad ng mga sumusunod na proven safe para sa mga baby.
Pero kailangang makasiguro na bago gumamit ng sumusunod na mabisang gamot para sa kagat ng insekto sa baby ay kumonsulta muna sa isang espesyalista.
[product-comparison-table title="Mabisang Gamot sa Kagat ng Insekto"]
Available in Shopee at Lazada.
Ang Mama's Choice Baby Diaper Cream ay hindi lang mabisang lunas sa iba't ibang klase ng rashes. Ito ay maaari ring gamitin sa mild irritation dulot ng kagat ng insekto.
Ito ay may centella asiatica, isang ingredient na nakakatulong sa pag-relieve ng rashes at pamumula ng balat. Meron din itong rosemary extract para magbigay proteksyon sa irritation at sweet almond na nakakatulong sa pag-moisturize ng balat ni baby.
Bukod pa riyan, ang cream na ito ay walang halong parabens, steroid, alcohol, petroleum at mineral oil. Ito ay dermatologically tested at certified Halal din.
2. Tiny Buds After Bites
Available in Shopee
Ang Tiny Buds After Bites ay nangunguna sa mga inirerekumendang gamot sa kagat ng insekto sa baby. Ito ay natural insect bite gel na ligtas para sa mga baby.
Hindi ito nagtataglay ng harsh chemicals at steroids na maaring makasama sa kanila. Non-mentholated at non-greasy rin ito na napatunayan ng effective na gamot sa kagat ng lamok at langgam. Kaya din nitong malunasan ang iba pang minor irritations tulad ng kamot, maliliit na pasa at sugat.
3. Calmoseptine Ointment
Available in Shopee
Ang Calmoseptine Ointment ay isa rin sa inirerekumendang gamot sa kagat ng insekto sa baby ng maraming mommies. Dahil ito ay sadyang ginawa para sa mga infants. Bagamat hindi naman ito ipinapayong gamitin sa mga sanggol na ipinanganak ng premature.
Maliban sa ito ay gamot sa kagat ng lamok at langgam, inirerekumendang lunas rin ito sa mga diaper rash, minor cuts at burns.
4. Bioneem Ointment
Available in Shop Organic
Ang Bioneem ointment ay napatunayan ring mabisang gamot sa kagat ng insekto ng ilang mga mommies. Guaranteed safe rin ito sa mga baby dahil ito ay organic. Gawa ito sa neem at acapulco extract na nakakatulong para maibsan ang pangangati at pananakit na dulot ng kagat ng insekto. Nakakaalis rin ito ng mga peklat at stretch marks.
5. Human Nature Rescue Balm
Available in Lazada
Inirerekumenda rin para sa mga baby ang Human Nature Rescue Balm pagdating sa pagagamot ng kagat ng mga insekto. Gawa ito sa all-natural ingredients kaya siguradong ligtas para sa balat ni baby.
Ang major ingredient nito ay tea-tree na may germ-fighting properties at lavender na nakakatulong naman na maibsan ang sakit at pamamaga sa balat.
Maliban sa ito ay gamot sa kagat ng langgam, lamok at iba pang insekto, mabisa rin itong gamot sa iba pang skin irritations.
May mga gamot sa kagat ng insekto sa baby naman ang hindi na kailangang bilhin pa. Ito ay ang mga remedies na available lang sa loob ng bahay na makakatulong upang maibsan ang pananakit at pangangati sa balat. Ito ay ang mga sumusunod:
Home remedies para sa kagat ng lamok, langgam at iba pang insekto
Para naman sa mga gusto ng mga natural na pamamaraan para sa kagat ng insekto, narito ang mga home remedies na pwede niyong subukan.
1. Lemon
[caption id="attachment_430016" align="aligncenter" width="670"] Larawan mula sa Food photo created by Racool_studio - www.freepik.com[/caption]
Ang anti-inflammatory at anesthetic properties na taglay ng lemon ay nakatutulong upang maibsan ang sakit at kati ng kagat ng insekto. Hiwaan lang ito at direktang ilagay sa apektadong balat na may kagat. Maaari ring i-apply ang katas o juice nito sa balat.
2. Bawang
Ang bawang ay mabisang gamot sa kagat ng insekto sa mga baby rin. Nakakatulong ito para maibsan ang pamamaga habang itinataboy rin ng matapang na amoy nito ang mga lamok. Ikuskos lang ito sa kagat ng insekto at linisin ng basang tela o towel pagkatapos.
3. Baking Soda
[caption id="attachment_430017" align="aligncenter" width="670"] Larawan mula sa House photo created by freepik - www.freepik.com[/caption]
Ang baking soda ay mabisa ring gamot sa mga kagat ng lamok. Agad nitong naibabalik ang pH level sa balat at nababawasan ang pangangati. Magtunaw lang ng isang kutsarita nito sa isang tasang tubig. Ilubog rito ang towel at ilagay sa balat na may kagat ng insekto ng 10 minuto.
4. Yelo
Ang pagdadampi ng towel na may yelo sa kagat ng insekto ay nakakatulong upang maibsan ang pananakit at pangangati nito. Ngunit ingatan na huwag masyadong matagalan ang paglalagay nito sa balat ni baby dahil ito ay maaring magdulot ng discomfort sa kaniya.
5. Asin
[caption id="attachment_430018" align="aligncenter" width="670"] Larawan mula sa Food photo created by Racool_studio - www.freepik.com[/caption]
Ang paglilinis sa kagat ng insekto gamit ang asin o sea salt ay fast relief din sa pangangati at pananakit na dulot nito. Dahil tulad ng lemon, ang asin ay may anti-inflammatory properties rin.
6. Aloe Vera
Mabisang pain reliever rin para sa kagat ng insekto sa mga baby ang aloe vera gel. Ilagay lang muna ito sa refrigerator sa loob ng ilang minuto at i-apply sa apektadong bahagi ng balat.
7. Honey
[caption id="attachment_430019" align="aligncenter" width="670"] Larawan mula sa Food photo created by Racool_studio - www.freepik.com[/caption]
Ang honey ay hindi lang mabisang gamot sa ubo. Para sa mga baby ay magagamit din ito para maibsan ang kati at sakit ng kagat ng insekto. Ito ay dahil sa anti-bacterial at anti-inflammatory properties na taglay nito.
Ang mga nabanggit ay mga inirerekumendang mabisang gamot sa kagat ng mga insekto sa baby. Ngunit para sa ointment at creams ay mabuti munang komunsulta sa doktor ni baby para makasigurado.
8. Kalamansi
Ang katas ng kalamansi ay likas na astringent na kayang patuyuin ang mga pantal. May sangkap din itong lumalabas sa pamamaga. Magpiga ng isa hanggang dalawang kalamansi. Ipahid ang katas nito gamit ang bulak sa mga apektadong bahagi. Patuyuin at banlawan.
9. Langis ng niyog
[caption id="attachment_430020" align="aligncenter" width="670"] Larawan mula sa Food photo created by jcomp - www.freepik.com[/caption]
Ang langis ng niyog ay mabisa sa pag-alis ng pantal sa balat. Nagdudulot din ito ng hydration sa balat para mabawasan ang pangangati. Inirerekomenda ang virgin coconut oil dahil mayroon pa itong antiseptic at anti-inflammatory properties.
10. Breast milk
Ang gatas ng ina ay maraming benepisyo sa bata kabilang ang pagtanggal ng rashes sa balat ni baby. Ang paglalapat ng ilang patak sa apektadong bahagi ay maaaring magpagaling ng mga pantal nang walang anumang side effects. Ito ay dahil ang gatas ng ina ay puno ng mga immunoglobulin na tumutulong sa paglaban sa mga impeksyon.
Ang mga nabanggit ay mga inirerekomenda ng mabisang gamot sa kagat ng mga insekto sa baby. Ngunit para sa ointment at creams ay mabuti munang i-konsulta sa doctor ni baby para maka siguro.
Mga sakit na nakukuha sa kagat ng insekto sa baby at gamot
Ayon sa Dr. Rey Salinel, isang family physician, nagkakaroon ng iba't ibang epekto sa katawan ng tao ang kagat ng mga insekto, depende sa lagay ng kalusugan nito.
Dengue
Ang dengue ay acute viral infection na nakukuha mula sa kagat ng lamok na aedes aegypti. Karaniwang target nito ang mga bata at sanggol. Kapag hindi naagapan, posible itong ikamatay ng taong tinamaan ng sakit na ito.
Bukod sa rashes sa balat, kabilang sa sintomas nito ang pabalik-balik na lagnat, pananakit ng ulo, panghihina ng katawan, kawalan ng ganang kumain, pagsusuka, at pagdumi.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, “The first step to prevent dengue is within our homes, it is important to remove any space or container than can hold unnecessary stagnant water which may become breeding sites of mosquitoes,"
Ang malaria ay isang nakamamatay na sakit na dulot ng parasito Plasmodium at kadalasang naipapasa sa mga tao sa pamamagitan ng kagat ng lamok na Anopheles.
Kapag ‘di nagamot, ang impeksyon ay maaaring humantong sa 'di wastong paggana ng bato (kidney failure), seizure, matagal na kawalan ng malay (coma) at kamatayan.
Ang mga sintomas ay kadalasang lumalabas sa loob ng 10 hanggang 15 araw pagkatapos makagat ng lamok na nagdadala ng parasito.
Ang unang mga sintomas ay kadalasang mukhang banayad lang gaya ng lagnat, panginginig, at sakit ng ulo. Ngunit habang lumalala ang sakit, ang mga pasyente ay maaaring makaranas na ng anemya, paninilaw ng balat (jaundice), pagduduwal, pagsusuka at pagtatae.
Lymphatic Filariasis
Ang lymphatic filariasis ay isang napabayaang tropical disease (NTD) na karaniwang kilala bilang elephantiasis, sanhi ng mga parasito worm at naipadala sa mga tao ng iba’t ibang uri ng lamok. Ang karaniwang sintomas nito ay pamamanas.
Japanese Encephalitis
Ang Japanese encephalitis ay isang sakit na ang pangunahing komplikasyon ay pamamaga ng utak—kaya’t binansagang “brain fever". Ito ay isang flavivirus, kaparehong virus na nagiging sanhi ng dengue, yellow fever at West Nile viruses.
Ilan sa kabilang na sintomas nito ay pamamaga ng balat, hita, braso at ari.
Chikungunya
Ang chikungunya ay isang viral infection dulot ng lamok (Aedes aegypti at Aedes albopictus). Makikita ang mga sintomas sa pagitan ng apat at pitong araw pagkatapos makagat ng infected na lamok ang pasyente.
Kabilang sa sintomas nito ay lagnat, sakit ng ulo, pagkapagod, pagsusuka, pananakit ng kalamnan at pagkakaroon ng pantal.
Tips para hindi magkaroon ng insekto sa loob ng bahay katulad ng lamok
[caption id="attachment_430021" align="aligncenter" width="670"] Larawan mula Room photo created by jcomp - www.freepik.com[/caption]
Narito ang ilang tips mula kay Dr. Janette Calzada, isang pediatric neurologist, upang maiwasan ang mga sakit na dulot ng kagat ng mga insekto.
-
Huwag papasukin ang mga lamok sa loob ng bahay
Gumamit ng screen na pantakip sa mga bintana at pinto. Ayusin ang mga butas sa bahay na maaaring pasukan ng lamok.
“Mosquitos are attracted to dark colors so let your kids wear light-colored clothes."
-
Expose less skin
Inirerekumenda na magsuot ng t-shirt at pants na natatakpan ang balat ng bata na maaaring makagat ng lamok lalo na kung lalabas ng bahay.
-
Gumamit ng insect repellent
Gumamit ng insect repellent na may CEEC. Huwag itong pahirin sa batang edad 2 months old pababa. Tandaan na ang insect repellent ay hindi nagbibigay proteksyon sa buong araw. Kailangan ipahid ito sa balat alinsunod sa instruction ng insect repellent na iyong bibilhin.
-
Limitahan ang paglabas ng mga bata
Sa mga oras na aktibo ang mga lamok, mas mainam na panatilihin na lamang sa bahay ang mga bata. Kung hindi maiiwasan, siguraduhing magpahid ng insect repellent sa katawan upang maragdagan ang proteksyon laban sa kagat ng insekto.
-
Linisin ang bahay
Siguraduhing walang nakaimbak na tubig na maaaring pamahayaan ng lamok na nagdadala ng maraming sakit. Gayundin ang mga basura ay huwag iimbak sa bahay na pinamumugaran ng ipis at iba pang insekto.
Gamot para sa kagat ng insekto sa balat
Siyempre, bawat insekto at kagat nito ay may iba't ibang senyales at sintomas na maaaaring lumitaw. Dahil dito, pwedeng hindi maging pare-pareho ang gamot para sa kagat ng bawat insekto sa balat.
Nariyan ang kagat ng ipis, langgam, lamok, blood sucker, surot, at iba pa. Mahalaga rin na mapanatiling malinis ang kapaligiran kung nasaan kayo at ang baby.
Kadalasan, namumugad ang mga insekto sa iba ibang bahagi ng bahay. Kaya naman, madalas, nakaka kagat ang mga insekto.
Ano ba ang mga safe na gamot sa balat para sa kagat ng insekto? Narito ang mga sumusunod na tatandaang gamot sa balat para sa kagat ng insekto.
- Maglagay ng cold, damp compress sa area na may kagat
- 1 percent ng hydrocortisone cream ay sapat na na ilagay sa area ng kagat. Ang cream na ito ay nakakatulong sa pangangati dulot ng kagat ng insekto.
- Gumawa ng baking soda paste (baking soda at tubig) at ipahid sa area na may kagat ilang beses sa isang araw (kung baby ang lalagyan sa area ng kamay, lagyan ng gloves ang kanilang kamay para hindi nila maisubo o malunok ang gamot).
- Para sa mga kagat ng insekto na may venom (na hindi lethal), maaaring painumin ng doktor ang nakagat ng bubuyog, halimbawa, ng ibuprofen o paracetamol.
- Kung baby ang may kagat ng mga uri ng insekto tulad ng bubuyog, may mga gamot sa balat na maaaring ikonsulta mula sa inyong doktor.
Karagdagang ulat mula kay Nathanielle Torre
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.