1. Ang mga sintomas ng Japanese Encephalitis ay lilitaw pagkatapos ng 5-15 araw
Kabilang sa mga sintomas na ito ang sakit ng ulo, pagsusuka, pagkalito, at kahirapan sa paglipat.
Ang mga sintomas sa ibang pagkakataon ay kinabibilangan ng pamamaga sa paligid ng utak na maaaring maging lubhang nakamamatay. Ang tungkol sa 1 sa bawat 250 na impeksiyon ay posibleng magresulta sa kamatayan. Ito ay nangangahulugan na ang Japanese Encephalitis ay isang sakit na hindi dapat balewalain.
2. Ang mga tao ay maaaring makakuha ng impeksiyon mula sa kagat ng lamok, at ang virus ay maaaring maipasa mula sa mga pigs, lamok, at mga ibon sa tubig
Ang Japanese Encephalitis Virus (JEV) ay karaniwang nakukuha sa kung kailan mainit-init na panahon sa tropiko. Gayunpaman, kumakalat ito sa panahon ng tag-ulan sa mga rice cultivating regions.
Makukuha ito ng mga tao mula sa kagat ng lamok, kaya mahalaga na panatulihing malinis ang inyong mga kapaligiran at alisin ang kung ano mang bagay kung saan ang mga lamok ay maaaring magtabi ng kanilang mga itlog.
3. Ang mga taong nakatira sa mga rural areas, o mga lugar na may maraming insekto tulad ng lamok o mosquitos ay nanganganib na makakuha nito
Ang mga tao ay maaari lamang mahawahan ng JEV sa pamamagitan ng kagat ng lamok.
Ngunit, ang mga lamok naman ay maaaring makakuha ng virus mula sa mga nahawaang ibon o mga baboy, kaya naman ang mga taong nakatira sa mga lugar na may mga migranteng ibon o kaya may mga babuyan ay maaaring maapektohan nito.
4. Walang antiviral treatment para sa JEV, ngunit mayroong isang bakuna upang maiwasan ito
Nakalulungkot, walang posibleng paggamot o lunas upang harapin ang impeksiyon na dulat ng JEV. Ang pinakamagandang bagay na maaaring gawin ng mga doktor ay upang mapawi ang mga sintomas at patatagin ang pasyente.
Gayunpaman, mayroong isang bakuna na makahahadlang sa impeksiyon mula sa JEV, at paggamit ng mga insect repellents, pagsusuot ng may mahabang manggas na damit, at pagpapanatiling malinis at ligtas mula sa mga lamok ay mahusay na paraan upang maiwasan ang impeksiyon.
5. Ang Japanese Encephalitis ay isang malubhang sakit
Kung ikaw o isang minamahal ay nagpakita ng mga sintomas ng JEV, mahalaga na kumunsulta agad sa iyong doktor sa lalong madaling panahon para sa paggamot. Ang mas maagang detection ay mas mahusay upang ito ay hindi lumala.
Ang article na ito ay unang isinulat ni Alwyn Batara
READ: Japanese Encephalitis: Mga mahalagang kaalaman
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!