Anu-ano ba ang mga posibleng sintomas ng sakit sa mga bata?

undefined

Pagdating sa sintomas ng sakit sa mga bata, hindi lamang lagnat ang dapat binabantayan ng mga magulang.

Pagdating sa pagkakaroon ng sakit, ang palaging unang inaalam ng mga magulang ay kung may lagnat ang kanilang anak. Ito ay dahil kadalasan, lagnat ang unang nagiging sintomas ng sakit sa mga bata.

Ngunit hindi lang ang pagkakaroon ng lagnat ang dapat binabantayan na sintomas ng mga magulang. Ito ay dahil hindi lahat ng sakit o karamdaman ay nagdudulot ng lagnat. Kaya mabuting malaman ng mga magulang ang iba pang mga sintomas ng sakit, upang masigurado ang kaligtasan ng kanilang mga anak.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Anu ano ang mga sintomas ng sakit sa mga bata?

Heto ang ilang mga sintomas na dapat laging bantayan ng mga magulang:

Kapag ang iyong anak ay:

  • Hindi nagigising o bumabangon
  • Nanghihina, o kaya hindi makagalaw
  • Kulay asul ang labi, mukha, o balat
  • Sa tingin mo ay may emergency ang iyong anak

Ay dapat dalhin mo siya agad sa emergency room, o tumawag sa 911 upang makahingi ng tulong. Importanteng madala agad sa ospital at matingnan ng mga doktor ang iyong anak kung mayroon siya ng mga sintomas na ito.

Kung ang iyong anak ay:

  • Mayroong ubo
  • Nagtatae
  • Nagsusuka
  • Nahihirapang dumede
  • Pinapawisan habang dumedede
  • Napapadalas ang pagtulog
  • Lumalambot ang muscles
  • Hindi gaanong naglilikot
  • Naging asul o gray ang kulay ng balat
  • Mas mababa sa 36.0° C ang temperatura
  • Umuungol kapag humihinga
  • Mahina ang pag-iyak

Ay dapat ipatingin mo na ang iyong anak sa doktor sa lalong madaling panahon. Ito ay dahil posibleng mayroon pala silang sakit na dapat ay ma-diagnose agad ng doktor.

Importante ring malaman ng mga magulang na hindi lamang limitado sa mga sintomas na ito ang dapat bantayan. Minsan ay dapat magtiwala sa iyong parental instinct, o gut feeling, kung sa tingin mo ay mayroong kakaiba sa iyong anak.

Mabuti nang dalhin siya agad sa doktor kaysa maghintay pa at hayaang lumala ang kaniyang sakit.

Source: Seattle Children’s Hospital

Basahin: Goiter sa mga bata: Sanhi, sintomas, at gamot sa sakit na ito

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!