Babae, tinapunan ng asido ang isang lalaki dahil "mataba at pangit" daw ito

Narito ang mga sintomas ng sakit na schizophrenia na dapat hindi balewalain.

Sintomas ng sakit sa pagiisip, ito ang nakikitang paliwanag ng mga imbestigador sa ginawang pagtapon ng isang babae ng asido sa mukha ng isang lalaki sa Hongkong.

Babae hayagang sinabi na naiinis siya sa lalaki dahil “mataba at pangit” daw ito kaya niya nagawa ang krimen.

Image from Mirror

Babaeng nambuhos ng asido

Wala sa katinuan o schizophrenic ang naging findings ng psychological assessment ni Lai-fong, 26-anyos nitong Pebrero.

Siya ang babaeng bigla na lamang nambuhos ng asido sa mukha ng isang lalaki na kinilalang si Lam Shing-yip, 56, sa isang mall sa Hongkong noong nakaraang taon.

Ayon sa imbestigasyon, araw ng April 12 ng nakaraang taon ng pumasok si Lai sa shop ni Lam na may dalang itim na bag at nakasuot ng face mask.

Nang tanungin ni Lam kung ano ang kailangan niya, imbis na sumagot ay sinabuyan daw nito ng likido si Lam sa mukha na nakalagay sa isang glass bottle mula sa kaniyang bag saka tumakbo.

Nakaramdam daw agad ng pananakit si Lam sa kaniyang mukha at nakitang umuusok ang damit nito.

Base sa medical examination na isinagawa kay Lam, natuklasang ang kemikal na ibinuhos sa kaniya ay isang asido. Ito ay nagdulot ng damaged sa kaniyang mga mata at injuries sa kaniyang cornea.

Ayon sa biktima, hindi niya alam kung ano ang nagtulak sa suspek na gawin ito sa kaniya. Dahil wala naman siyang kagalit o kaya naman ay pinagkakautangan.

Lumipas ang isang buwan ay muling namataan ang suspek na nagmamasid sa shop ni Lam.

Agad naman itong naitimbre sa mga pulis. Nang harangin ang babae ng mga pulis napag-alamang may dala ulit itong likido na kulay yellow na may taglay na 32% hydrochloric acid.

Pag-amin ng suspek

Nang mahuli ay hindi naman itinanggi ng suspek ang kaniyang ginawa pati na ang planong ulitin ito.

Sa kaniyang pahayag ay sinabi niyang may personal na galit ito sa biktima. Dagdag pa ang pagiging, mataba, maliit at pangit daw nito.

Para daw sa kaniya ay hindi pa sapat ang unang naranasan ni Lam kaya naman nag-plano siyang atakihin ito ulit.

Sa ngayon ay hinihintay pa ang sentensiya ng suspek sa ginawang krimen. Dahil patuloy paring sinusuri ang background at psychiatric condition niya. Kung sakali ang ginawa niyang krimen na pagtapon ng corrosive fluid o asido ay may katumbas na parusa na habang buhay na pagkabilanggo.

Schizophrenia o pagiging schizophrenic

Ang sakit na schizophrenia o pagiging schizophrenic ay isang seryosong mental disorder na kung saan ang isang tao ay may abnormal na pagtingin sa realidad.

Ang mga sintomas ng sakit sa pagiisip na ito ay ang pagkakaroon ng delusions, hallucinations, disorganized thinking o speech, extremely disorganized o abnormal motor behavior.

May ilang negatibong sintomas rin ang mapapansin sa isang taong may taglay ng kondisyon na ito tulad ng lack of ability na mag-function ng normal. Halimbawa nito ang hindi pag-aayos sa sarili o pag-oobserve ng proper personal hygiene, walang pinapakitang emosyon o facial expressions. Ang isa pang mapapansing sintomas ng sakit na ito ay ang kawalan ng gana o interest na makihalubilo sa iba o gumawa ng mga activities.

Ang mga taong may taglay ng kondisyon na ito ay nangangailangan ng lifelong treatment. Mabuti ring mabigyan agad ng early treatment ang sinumang makikitang may taglay ng sintomas ng sakit sa pagiisip na ito para maiwasan ang mga seryosong komplikasyon na maari pang mag-develop.

Source: Asia One, Mayo Clinic

Basahin: Babae, hindi na tinuloy ang pagpapakasal, tinawag pang “pangit” ang boyfriend