11 sintomas na maaaring may STD (sexually transmitted disease)

Alamin ang iba’t ibang uri at mga kaakibat na sintomas ng STD, at iba pang mahahalagang impormasyon kaugnay nitong sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pamilyar ka ba sa sakit na kung tawagin ay STD o sexually transmitted disease? Gaano kalalim ang iyong kaalaman sa mga karaniwang sintomas ng STD, iba’t ibang uri nito, at kahalagahan ng malalim na pag-alam ng sanhi at posibleng pagmulan nito, at paggagamot? Narito ang kailangan mong malaman tungkol sa sakit na STD.

Iba’t ibang uri ng STD at mga sintomas nito

Maraming sakit ang nakapaloob at nauuri bilang STD, tinatawag ding sexually transmitted infection (STI) o venereal disease (VD). Ito ay mga sakit na nakukuha sa pamamagitan ng pakikipagtalik—vaginal, anal, o oral—sa taong nahawaan na ng impeksyon.

Hindi biro ang mahawahan ng anumang uri ng STD. Hindi lamang ito mapanira ng pangkalahatang immune system ng katawan, kaakibat din nito ang mataas na tiyansa ng mabilis na paglala at pagkalat ng impeksyon sa iba pang bahagi ng katawan—batay sa uri ng STD—at maaaring maging sanhi ng pagkamatay ng pasyente.

Larawan mula sa iStock

1. Chlamydia

Ito ay impeksyong sanhi ng bakterya sa paligid at/o sa loob ng ari ng maysakit. Itinuturing itong maagang-bahagi ng impeksyong nauuri sa STD, at hirap matukoy dahil karaniwang kaunti lamang o walang sintomas na lumilitaw. Kung mayroon mang masumpungang sintomas, mabilis lamang iyong nararanasan kaya hindi napagtutuunan ng pansin ng maysakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kabilang sa mga sintomas nito ang:

  1. masakit na pag-ihi
  2. pananakit ng puson
  3. pagkakaroon ng discharge mula sa puwerta (babae)
  4. masakit at makirot na pakiramdam habang nakikipagtalik (babae)
  5. dinurugo sa pagitang panahon ng bawat buwanang regla (babae)
  6. pananakit ng bayag (lalaki)
  7. Gonorrhea

Isa pang uri ng impeksyong sanhi ng bakterya sa paligid at/o loob ng ari. Bukod pa sa maaari rin itong tumubo sa bibig, lalamunan, mga mata, at puwet o tumbong. Lumilitaw ang mga unang sintomas makalipas ang sampung araw nang makuha ang impeksyon. Pero maaari ring bumilang pa ng maraming buwan bago kakitaan ng sumusunod na sintomas ang taong nahawahan.

  1. makapal, malabo, o madugong discharge mula sa ari ng lalaki o ng babae
  2. masakit o mainit na pakiramdam ng pag-ihi
  3. malalang regla (babae)
  4. dinurugo sa pagitang panahon ng bawat buwanang regla (babae)
  5. masakit at namamagang bayag (lalaki)
  6. masakit na pagdumi
  7. matinding pangangati ng puwet o tumbong
  8. Trichomoniasis

2. Trichomonas vaginalis

Isa pang uri ng STD na sanhi ng parasitong kung tawagin ay Trichomonas vaginalis. Naikakalat ang parasitong ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik ng taong may impeksyon na nito.

Sa mga lalaki, naapektuhan ng impeksyon ang kanilang urinary tract. Bukod dito, mas madalas na wala nang iba pang sintomas o senyales na nasusumpungan ang na-infect.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa mga babae, ini-infect ng parasito ang mismong ari, at may kakayahang mula sa bahagyang iritasyon ay mauwi sa malalang pamamaga ng paligid at ng mismong puwerta.

Bukod sa mga nabanggit, ang iba pang sintomas nito ay:

  1. discharge mula sa ari ng babae, na maaaring malinaw o kulay puti, madilaw, o maberde
  2. matindi at hindi kaaya-ayang amoy ng ari ng babae
  3. matinding pangangati ng ari ng babae o ng lalaki
  4. discharge mula sa ari ng lalaki
  5. matinding pangangati sa loob na bahagi ng ari ng lalaki
  6. masakit na pakiramdam tuwing nakikipagtalik
  7. masakit na pag-ihi
  8. HIV o human immunodeficiency virus

Larawan mula sa iStock

Ito ay uri ng impeksyong nagpapahina at sumisira ng pangkalahatang immune system ng taong infected.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May kakayahan ang virus na itong pahinain at alisan ng kakayahang labanan ang iba pang uri ng virus, bakterya, at fungi na nakapapasok sa sistema ng katawan ng maysakit.

Kaya madaling nakapagde-develop ng iba pang komplikasyon ang pasyente. Malaki rin ang potensyal na humantong ito sa kaso ng AIDS at pagkamatay ng pasyente.

Sa mga unang bahagi ng pagkakuha ng sakit na ito, maaaring hindi pa kakitaan ng sintomas ang isang nahawahan. Maaaring lagnatin dalawang linggo hanggang anim na linggo matapos makuha ang sakit, pero walang katiyakang mapag-alamang infected ng HIV ang isang tao kundi ang sumailalim sa medikal na pagsusuri.

Maaaring masumpungan ang sumusunod na sintomas sa maagang panahon ng pagkaka-infect ng HIV:

  1. pagkakaroon ng lagnat
  2. pananakit ng ulo
  3. pananakit ng lalamun
  4. pamamaga ng lymph glands
  5. pamamantal at pagsusugat
  6. fatigue o matinding pagkahapo

Maranasan man ang mga nabanggit na sintomas, mabilis ring nawawala ang pag-atake ng mga ito, dahlian para malimit na maipagkamali ito bilang pangkaraniwang trangkaso o kaya’y viral infection lamang.

Bumibilang ng hanggang sampung taon bago muling kakitaan ng mga lantad na sintomas ang taong infected ng HIV. Ngunit sa pagkakataong ito, mabilis nang nakakalat ang virus para sirain ang mga selyulang pang-immune ng katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kabilang sa mga sintomas ang sumusunod:

  1. pamamaga ng lymph nodes
  2. pagtatae
  3. pagbagsak ng timbang
  4. paglalagnat
  5. pagkakaroon ng ubo
  6. pagkahingal at kakapusan ng hininga

Sintomas para sa mga late-stage nang HIV infection:

  1. hindi nawawala at maipaliwanag na pagkahapo
  2. matinding pagpapawis nang gabi
  3. pagkaginaw, na maaaring may kasamang panginginig
  4. paglalagnat nang higit sa 38℃ sa loob ng mahabang panahon
  5. pamamaga ng lymph nodes nang mahigit na sa tatlong buwan
  6. matindi at matagalang pagtatae
  7. hindi nawawalang pananakit ng ulo
  8. Genital herpes

Sanhi ng herpes simplex virus o HSV ang impeksyon na pumapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng maliliit na butas sa ating balat o mucous membranes.

Mabilis itong maipasa at maikalat ng tao sa mga tao. At tulad ng iba pang uri ng STD, madalas na nag-uumpisang umatake ang impeksyong ito nang walang sintomas ng STD na kasusumpungan ang taong infected.

Kung mayroon mang sintomas na lumitaw sa pasyente, maaaring mapuna ang sumusunod:

  1. mapulang umbok, paltos, o kaya’y butlig sa ari, puwet, at paligid ng mga ito
  2. pananakit at/o pangangati ng paligid ng ari, puwetan, hanggang mga pigi
  3. pananakit at/o pangangati ng paligid ng ari, puwetan, hanggang mga pigi

Sa unang bahagi ng impeksyon, maaari ring makaranas ng mga sintomas na tulad ng sa trangkaso:

  1. pananakit ng ulo
  2. pananakit ng mga kalamnan at kasukasuan
  3. paglalagnat
  4. namamagang lymph nodes sa singit

Wala pa ring natutuklasang lunas para sa herpes. Pero may mga gamutang maaaring isagawa para makontrol ang pagkalat, pagdami, at paglala ng sakit na dulot ng mga pamamaga o pangangating dala ng impeksyon. Napababa rin nito ang tiyansang mahawahan ng impeksyon ang katalik.

Tandaan ding kahit walang mga butlig, paltos, o anumang anyo ng sugat o rash sa mismo at paligid ng ari, maaaring aktibo at mabilis na kumakalat ang impeksyon, lalo na sa sistemang pang-immune ng katawan ng maysakit.

3. Human papillomavirus (HPV)

Isa ito sa pinakakaraniwang uri ng STD, at kadalasang nasasamahan ng pagkakaroon ng mga kulugo sa ari ng may impeksyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa mga babaeng may ganitong impeksyon, malaki ang tiyansang magkaroon sila ng kanser sa cervix o sipit-sipitan (cervical cancer). Ang iba naman ay tinutubuan ng mga kulugo sa ari at paligid niyon, na siyang pangunahing sintomas ng STD na ito.

Kalakip niyon ang mga senyales sa paamagitan ng kulugo na mararanasan:

  1. maliliit at kulay laman o abong pamamaga sa kabuoang paligid ng ari
  2. kumpol-kumpol na kulugo
  3. matinding pangangati ng buong paligid ng ari
  4. pagdurugo tuwing nakikipagtalik

Ang ilang strain nito ay maaaring mauwi sa iba pang uri ng kanser tulad ng oral, vulvar, penile, at rectal.

Walang gamot para sa HPV, ngunit maaari namang mawala nang kusa ang impeksyong dala ng virus basta’t matitiyak lamang ang patuloy na pagpapalakas ng resistensiya at pangkalahatang kalusugan ng pasyente.

4. Hepatitis

Nauuri ang hepatitis sa A, B, at C. Pare-pareho ang mga itong nakahahawang impeksyong dulot ng virus, ngunit higit na malala ang B at C. Bagama’t ang lahat ng uri ay may masamang dulot sa atay ng pasyente, nakapagdudulot ng partikular na pamamaga sa organo kung B at C ang tatama sa pasyente.

Ilan sa mga senyales at sintomas nitong hindi dapat ipagsawalang-bahala ang sumusunod:

  1. pagkahapo (fatigue)
  2. pagduruwal
  3. halos ayaw ikilos ang katawan
  4. pananakit ng tiyan, lalo na sa kanang bahagi sa ilalim ng mga tadyang na kinaroroonan ng atay
  5. kawalang ganang kumain
  6. paglalagnat
  7. matingkad at matinding konsentrasyon ng ihi
  8. pananakit ng mga kalamnan at kasukasuan
  9. pangangati sa iba’t ibang bahagi ng katawan
  10. paninilaw ng balat at mga puting parte ng mata (jaundice)
  11. Syphilis

Larawan mula sa iStock

Iniuuri bilang impeksyong dala ng bakterya, maaaring maapektuhan ang balat, mucous membranes, at ari ng taong mahahawahan ng sakit na ito—maging ang utak at puso.

Gaya ng iba pang impeksyong sanhi ng bakterya, maaaring magamot ang syphilis kung maisasagawa ang gamutan sa lalong madaling panahon at unang bahagi pa lamang ng manipestasyon nito.

Maaaring umatake ang mga sintomas at senyales nito sa apat na bahagi:

1. Primary

Maaring lumitaw ang mga sintomas—mula ikasampung araw hanggang ikatlong buwan matapos makuha ang sakit—na kinabibilangan ng paglitaw ng maliit na chancre o pamamaga sa bahagi ng katawang pinaraanan o pinasukan ng impeksyon (ari, puwet, dila, o labi). Kahit gumaling nang kusa ang pamamaga, ang malalang sakit at epekto ng impeksyon sa katawan ay hindi nawawala at maaari lamang lumala.

2. Secondary

Posibleng lumabas namana ang mga senyales at sintomas sa bahaging ito, tatlong linggo hanggang anim matapos na kakitaan ng chancre ang pasyente. Maging alerto kung makaranas ng pagkakaroon ng rashes na maaaring mamula-mula o may halong pagka-brown, sinlaki ng baryang pamamaga sa alinmang bahagi ng katawan, paglalagnat, lumalaking lymph nodes, pagkahapo at hindi pagkapakali, pakiramdam ng pamamaga ng katawan, at pangangati.

Tulad ng sinundang bahagi, maaaring mawala na lamang ang mga senyales na ito nang hindi ginagamot, ngunit nagbabadya ang pagpapabalik-balik nito hanggang makalipas ang taon.

3. Latent

Karaniwang walang sintomas na nararanasan o senyales na nakikita sa katawan ng pasyente. Sa kabila nito, napakabilis ng nagiging pagkalat ng sakit sa katawan ng pasyente at mabilis na nauuwi sa panghuling bahagi ng impeksyon.

4. Tertiary

Makalipas ang ilang taong pagkalat ng bakterya sa katawan ng maysakit—nang walang anumang gamutang isinailaliman—seryosong pagkasira ng mga internal body organs ng pasyente ang nangyayari. Kalauna’y nauuwi na sa pagkamatay.

Gayunpaman, maaari pa ring mapuna ang mga sintomas ng tertiary syphilis tulad ng pagkalumpo, pagkawala sa ulirat, pamamanhid ng pakiramdam, pagkabulag, at dementia.

Samantala, mayroong tinatawag na neurosyphilis na pangunahing umaatake naman sa nervous system ng taong na-infect nito. Kabilang sa mga sintomas nito ang pananakit ng ulo, pagbabago sa pag-uugali, at pagkakaroon ng kahirapan at problema sa pagkilos ng pasyente.

Para naman sa mga nagbubuntis na taglay ang sakit na naipasa sa sanggol sa kaniyang sinapupunan, tinatawag ang gayong kasong congenital syphilis. Masama ang magiging epekto nito sa bata, mula sa pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng kapansanan, maaari itong maging banta sa buhay ng sanggol. Sa ganitong pagkakataon, iminumungkahing sumailalim sa gamutan ang inang nagbubuntis.

Walang pinipiling kasarian ang STD kaya sinomang nakikipagtalik nang walang proteksyon at hindi tiyak ang kalusugan ng katalik ay potensyal na mahawahan ng iba’t ibang uri ng STD. 

Sino ang maaaring mahawahan ng STD?

Muli, inuulit nating walang pinipiling kasariang darapuan at hahawahan ng iba’t ibang STD. Kaya naman, maging maingat at alerto sa mga nararamdaman sa sarili, lalo na kung taglay o isinasagawa mo ang mga sanhing maaaring pagmulan o pagkuhanan ng impeksyon.

Kung gayon, maaaring isa ka sa potensyal na mahawahan ng STD—o mayroon na nga talaga kaya’t ikonsidera na rin ang sumailalim sa medikal na pagsusuri.

Maaari kang makakuha at makaranas ng mga sintomas ng STD kung ikaw ay:

  • nakikipagtalik nang higit sa isang partner;
  • nakipagtalik na sa taong infected ng anumang uri ng STD;
  • hindi gumagamit ng proteksyon, tulad ng condom, sa tuwing nakikipagtalik;
  • nakikisalo ng karayom sa iba pa, gaya na lamang kung nagpapa-tattoo o nagtuturok ng mga IV drug; at
  • naghahanapbuhay sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa iba’t ibang taong magkakaibang kasarian.

11 sintomas na maaaring may STD (sexually transmitted disease)

Sintomas ng STD sa kalalakihan

May mga kasong walang anumang sintomas ng STD na nasusumpungan, o iyong tinatawag na asymptomatic, ang taong nahawahan nito.  Gayunpaman, may mga uri ng STD na lantad ang mga sintomas, tulad ng mga nasa ibaba para sa mga lalaki:

  1. hindi komportable o masakit na pakikipagtalik
  2. ‘di komportable o masakit na pag-ihi
  3. pagtagas ng dugo mula sa ari
  4. masakit at namamagang bayag
  5. pagkakaroon ng umbok, pamamaga, o pangangati at pagsusugat sa paligid ng ari, bayag, puwet, maging hanggang sa balakang, o sa labi

Nagkakaiba-iba naman ang nararanasang sintomas ng STD batay sa tiyak na uring nakuha ng maysakit.

Sintomas ng STD sa kababaihan

Tulad ng mga kaso sa kalalakihan, may mga sintomas ng STD sa babae na maaaring hindi lumitaw o maranasan. Ngunit kung sumpungin ng sumusunod na sintomas, mainam na makapagpasuri kung nahawahan na rin ng impeksyon.

  1. hindi komportable o masakit na pakikipagtalik
  2. ‘di komportable o masakit na pag-ihi
  3. hindi pangkaraniwang tagas mula sa ari
  4. pagdurugong nanggagaling sa ari
  5. pangangati sa loob o paligid ng ari
  6. pagkakaroon ng umbok, pamamaga, o pangangati at pagsusugat sa paligid ng ari, puwet, maging hanggang sa balakang, o sa labi

Nagkakaiba-iba rin ang nararanasang sintomas ng STD batay sa tiyak na uri ng impeksyong nakuha ng maysakit.

Paano ito nakakaapekto sa pagbubuntis ng babae?

Ang STD ay maaaring gawing komplikado ang iyong pagbubuntis at magkaroon ng seryosong epekto sa iyong sanggol. 

Mga maaring epekto ng STD sa iyong sanggol:

  • Eye infection
  • Pneumonia
  • Blood infection
  • Brain damage
  • Blindness
  • Deafness
  • Chronic liver disease

Payo ng mga doktor na magpa test upang maiwasan ang maaring delikadong mangyari sa iyong sanggol. Sa pamamagitan nito, mas mapapalakas ng nanay ang kanyang resistensya para sa kanyang sanggol.

Lunas sa STD

Larawan mula sa iStock

Antibiotics – Ang mga antibiotics, madalas sa isang dose, ay maaaring magpagaling ng maraming impeksyong nakakahawa, kabilang ang gonorrhea, syphilis, chlamydia at trichomoniasis.

Mahalagang mag follow up sa doktor kung tapos na ang iyong gamutan. Maaring magkaroon ng reinfection lalo na sa kababaihan.

Antiviral drugs – Kung mayroon kang herpes o HIV, ikaw ay maaring resetahan ng isang antiviral na gamot. Kaunti lamang ang tsansa ng recurrence ng iyong herpes kung araw-araw ay mayroon kang suppressive therapy kasama ang anti viral na gamot.

Kung maaga mong sisimulan ang iyong gamutan, mas epektibo ito. Kung iinumin mo ang iyong mga gamot na eksaktong sinabi ng doktor, posible na mabawasan ang iyong virus count.

Mula sa mga impormasyong natunghayan sa artikulo, para sa ating mga mambabasang nakararamdam ng pag-aalinlangan, takot, o pag-aalala sa mga sarili dulot ng mga naiugnay ninyong sintomas at posibilidad sa sariling karanasan.

Huwag mangimi o mahiyang dalhin ang inyong sarili sa doktor o ospital upang magpasuri. Sa ganitong mga pagkakataon, wala nang mas mahalaga pa kundi ang pagtitiyak ng maayos nating kalusugan.

 

Karagdang ulat mula kay Sofia Joco

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.