Karaniwan ng nagiging parte ng pagtatalik ang oral sex. Matapos niyong mag-sex, kampante kang natulog. Ngunit kinabukasan nakaramdam ka ng sakit sa iyong lalamunan—isa sa sintomas ng tulo sa babae. Pagpunta mo sa duktor, na-diagnose ka ng gonorrhoea.
Kung nangyari na sa iyo ito dati, marahil ay binigyan ka ng antibiotics at matapos mong makumpleto ang gamutan ay gagaling ka na.
Ngunit hindi na ito basta-basta madaling gamutin ngayon. Ayon sa World Health Organization (WHO), may mas malakas na strain ng gonorrhoea ngayon na kumakalat sa pamamagitan ng oral sex. Ang mga nagkakasakit nito ay hindi agad gumagaling sa gamot at sa ibang kaso ay imposible nang gamutin. Ayon sa organisasyon, hindi nakakatulong sa pagpuksa ng sakit ang patuloy na pagbaba ng numero ng mga gumagamit ng condom.
Bakit mahirap nang gamutin ang tulo?
Kagaya ng ibang mga impeksiyon, ang bacteria na nagdudulot ng gonorrhoea ay nagiging resistant na sa antibiotic na karaniwang lunas sa sakit na ito. Sa madaling sabi, nag-mutate na ito para maging isang super bacteria. Napag-alaman ito ng WHO sa pagsusuri nila sa nakalap na datos mula sa 77 na bansa.
Ayon kay Dr. Teodora Wi ng WHO, nagkaroon ng tatlong kaso sa Japan, France, at Spain kung saan tuluyan nang hindi nabigyan ng lunas ang mga nagkasakit nito.
“Gonorrhoea is a very smart bug, every time you introduce a new class of antibiotics to treat gonorrhoea, the bug becomes resistant,” aniya.
Ang pinakamalalang parte na puwede kang maapektuhan…
Nakaka-apaekto sa ari, rectum, at lalamunan ang tulo o gonorrhoea. Ngunit ang pagka-infect ng lalamunan ang ikinakabahala ng mga eksperto.
Ayon kay Dr. Wi, may mga bacteria na natatagpuan sa likod ng lalamunan na kamag-anak ng bacteria na nagdudulot ng tulo. Itong mga ito ang nagpapalakas sa resistensya ng bacteria sa mga antibiotics.
“When you use antibiotics to treat infections like a normal sore throat, this mixes with the Neisseria species in your throat and this results in resistance.”
Kaya kapag napupunta ang bacteria ng gonorrhoea sa lalamunan dahil sa oral sex, hindi na ito tinatablan ng gamot.
Samantalang ayon naman kay Manica Balasegaram ng Global Antibiotic Research and Development Partnership, lubos na nakakatakot ang sitwasyon ng super bacteria na ito dahil may tatlong uri lamang ng gamot na dine-develop ngayon at hindi pa sigurado kung magiging epektibo ang mga ito.
Gonorrhoea: sintomas ng tulo sa babae
Ang bacteria na Neisseria gonorrhoea ang nagdudulot ng sakit na maaaring kumalat sa pamamagitan ng unprotected vaginal, oral, at anal sex.
Ang mga sintomas ng tulo sa babae ay pain habang umiihi, pagdurugo (na hindi regla), at malapot na dilaw o berde na genital discharge (nana). Ngunit maaari ring magkaroon ng tulo kahit walang lumalabas na sintomas.
Kapag hindi naipagamot ang tulo, maaaring magdulot ito ng iba pang kumplikasyon katulad ng pelvic inflammation o di kaya’s pagkabaog. Maaari rin na maipasa ang impeksiyon na ito sa baby kung ikaw ay buntis.
Paano makaka-iwas sa sakit
Ayon sa Mayo Clinic, narito ang mga maaari mong gawin upang maka-iwas sa sakit:
- Gumamit ng condom kapag nakikipagtalik
- Regular na kumonsulta sa duktor at magpa-check-up
- Kung mayroong mga sintomas ang partner mo (katulad ng pain habang umiihi, pangangati ng ari, atbp.), huwag muna makipagtalik hanggang hindi nawawala ang mga sintomas niya.
- Kung ma-diagnose ng gonorrhoea ang partner mo, iwasan ang pagtatalik ng walang proteksyon ng at least pitong araw matapos ang gamutan.
Source: BBC
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Candice Venturanza
Republished with permission from: theAsianParent Singapore
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!