Ilang beses ba dapat sumisipa si baby kapag nasa third trimester na ng pagbubuntis?

Ilang beses ba dapat sumisipa si baby? Maaring naiisip mo na matrabaho ito at hindi importante, pero ang sipa ni baby sa third trimester ang tutulong sa'yo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang beses nga ba dapat sumisipa si baby? Nakakatulong ba talaga ang pagbibilang ng kicks ni baby? Maaring naiisip mo na matrabaho ito at hindi naman importante, pero ang sipa ni baby sa third trimester ang tutulong sa iyong malaman kung maayos siya.

Pahayag ni Deanna Lim, na isa na ngayong mother to two lovely girls:

“I didn’t think counting kicks was important until we had a stillbirth for my first pregnancy. For subsequent pregnancies, I started keeping tabs of the kicks every day to help notice any irregularities during my pregnancy. The more we learnt about the little one in the tummy, the easier it was for us to pick up signs earlier, and that helped in making important decisions for both the baby and myself – such as whether to go for caesarean earlier or wait till my water bag burst and what kind of hospital suits my delivery plan. This can potentially help you save money too.”

Base naman sa rekomendasyon ng Tommy’s, isang leading research organization na nagfo-focus sa mga miscarriage, stillbirth at premature birth — kailangan na i-monitor ang paggalaw ni baby sa tyan upang malaman kung may patterns na tila may hindi tama. Ito ay iba-iba para sa bawat ina pero dapat daw na i-expect ito between 18 hanggang 24 weeks. Puwede mo ring i-report sa iyong doktor ang pagbawas sa kanyang paggalaw para hindi ka ma-paranoid.

Pagkuwento pa ni Deanna,

“I couldn’t believe it when we lost our firstborn. The entire pregnancy was so smooth that we didn’t even need to worry about anything. If only I counted my kicks more diligently, I may have spotted his lack of movements earlier and he might still be with us today.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Habang hindi naman madalas na binabanggit ng mga OB-Gyn ang pagbibilang ng sipa ni baby, sinimulan na itong gawin ni Deanna sa kanyang ikalawang pagbubuntis. Ayon sa kanya, mahalaga rin na maghanap ng OB-Gyn na naiintindihan ang iyong pregnancy journey dahil makatutulong talaga ito sa’yo. Para sa kanya, ang successful pregnancies niya ay dahil na rin sa napili niyang OB. Dahil naiintindihan nito kung gano nila gustong mag-ingat upang hindi na maulit ang nangyari.

Sa katunayan, ang pagbabago ng galaw o heartbeat ni baby ay isang early sign ng distress. Kung ma-monitor ito, malalaman mo kaagad kung mayroong mali o irregular sa galaw ni baby.

“Monitoring your baby’s movements allows you to detect changes in usual patterns, indicating any potential problems before actual changes in the heart rate are detected. The time in between the detection of reduced patterns in movement and decreased heart rate, may well be the only time you have to save your baby.”

Ayon muli sa Tommy’s, wala namang fixed number ang pagsipa na normal. Pero kung alam mo ang normal na galaw o patterns ng iyong baby, matutukoy mo kung mayroong mali. Ang paggalaw ni baby ay nag-iiba mula sa pagsipa at ikot. Puwede itong magbago sa buong pregnancy journey mo. Mayroong iba’t ibang paraan para ma-track ang paggalaw at sipa ni baby, pero ayon kay Deanna, ang pagkakaroon ng systematic schedule ay mahalaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Your mental wellness plays a key role in your pregnancy, especially during the last trimester. Make sure you have a close support network to help manage your emotions and not let the distress get to your little one in your tummy. When you are emotionally unstable, you may also neglect the kick counting cos you are too overwhelmed with your emotions.”

Sa katunayan, mayroong Kick Counter Feature ang TheAsianParent at ito ay parte ng project na #Sidekicks. Ito ay isang campaign na nagbibigay importansya sa pamilya at sumusuporta sa mga buntis para ma-ensure ang kanilang good mental health at healthy pregnancy. Kasama na sa pag-track ng healthy pregnancy ang kick counters kaya naman gamitin na ito para masigurong safe si baby!

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Translated with permission from theAsianParent Singapore

Basahin:

Ilang beses ba dapat sumipa si baby sa loob ng tiyan?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

mayie