X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Sitti gives birth via emergency CS; napagastos ng P10k para sa mabilisang RT-PCR

5 min read
Sitti gives birth via emergency CS; napagastos ng P10k para sa mabilisang RT-PCRSitti gives birth via emergency CS; napagastos ng P10k para sa mabilisang RT-PCR

Laking pasalamat ni Sitti na naisilang niya agad ang kaniyang baby dahil kung hindi baka nahuli na ang lahat. Alamin dito kung bakit.

Sitti Navarro baby #2 ligtas na naisilang ng bossa nova singer via emergency CS.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Sitti Navarro baby #2 birth story.
  • Karanasan ni Sitti Navarro sa panganganak ngayong may COVID-19 pandemic.

Sitti Navarro baby #2 birth story

Sitti Navarro baby #2

Image from Sitti Navarro's Official Facebook account

 

Masayang ibinahagi ng bossa nova singer na si Sitti Navarro na ligtas niyang naipanganak ang second baby niya nitong September 23, 2021.

Ito ay pinangalanan nila ng mister na si Joey Ramirez na si Osseah Lucille. Si Osseah malusog na isinilang ni Sitti na may bigat na 5 lbs and 8 ounces at may APGAR score na 9.9. Ito ang masayang pagbabahagi ni Sitti sa kaniyang social media account.

Samantala sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Sitti ang birthing story niya kay easy.

Kuwento ni Sitti, September 27 pa dapat ang due date sa panganganak kay Osseah. Pero noong September 22 matapos niyang magsuka habang nag-brebreakfast ay agad na sinabi ng doktor niya na magpunta siya sa ospital upang matingnan. Dahil maaring ang pagsusuka niyang iyon ay palatandaan ng early labor.

Dahil ang pagbubuntis ni Sitti ay sensitibo bunsod ng iniinda niyang kondisyon na APAS (Antiphospholipid Syndrome) ay sinunod ni Sitti ang payo ng kaniyang doktor. Pumunta siya at nagpa-checkup sa ospital. Bagamat ayon sa doktor ay ok naman daw ang pagbubuntis niya ay pinakuha parin siya nito ng Non-Stress Test para makasigurado. Kasabay narin ang RT-PCR test bilang paghahanda sana sa kung sakaling manganak siya sa mga susunod na araw.

Sitti kinailangan ng mabilisang RT-PCR test na nagkakahalaga ng P10,000 bago makapanganak

Pero tulad ng nangyari sa panganay ni Sitti ay bigla daw bumaba ang heart rate ng kaniyang baby Osseah. Kaya naman sa hindi inaasahan ay sinabi nito na kailangan niya na itong maipanganak sa pamamagitan ng emergency cesarean section delivery sa mismong araw na iyon.

"Well. just like how my delivery with Lilibubs was, ganun din nangyari kay Osseah. Her heart rate decelerated to around 90bpm after a strong contraction of 100 in the tocometer (which didn't feel strong for me at all hehe). So my OB said we would undergo emergency CS that very same day.”

Ito ang kuwento ni Sitti.

Dahil sa COVID-19 pandemic ngayon at ang una niyang RT-PCR test na ginawa ay lalabas pa ang resulta sa susunod na araw ay ibinahagi ni Sitti na kinailangan niya ulit na magpa-RT PCR test. At ito ay nagkakahalaga ng P10,000 dahil sa mabilis na makukuha ang resulta nito sa loob lang ng 4-6 oras. Isa ito sa requirement na hinihingi ngayon ng mga ospital sa mga buntis na manganganak. Ito ay hakbang para sila ay makasigurado na COVID-free ang babaeng manganganak at hindi sila mahahawa.

"I had to do a repeat RT-PCR na mas mabilis ang result (4-6 hours) which costs P10k+!! Kasi kailangan talaga muna malaman kung positive or negative ako before I can undergo CS. I had the NST at 2pm, was swabbed at 4pm, had to wait for the results which came out around 9:30pm. 10pm I was wheeled into the OR na."

Ito ang kuwento pa ni Sitti.

Sitti Navarro baby #2 with husband Joey Ramirez

Image from Sitti Navarro's Official Facebook account

BASAHIN:

Sitti recounts difficult pregnancy and birth story of first born

APAS o antiphospholipid antibody syndrome: Sanhi, sintomas, at lunas

Buntis, tumangging magpa-emergency CS dahil hinihintay ang suwerteng araw ng panganganak

Baby ni Sitti muntik ng makakain ng dumi kung nahuli pa ang panganganak

Pagbabahagi pa ni Sitti nanganak siya na wala sa tabi niya ang kaniyang asawa. Hindi rin ito agad na nakalapit sa kaniya matapos siyang manganak. Ito ay dahil kailangan rin nito ng negative na RT-PCR test na lumabas ang resulta apat na oras matapos maipanganak si baby Osseah. Pagpapasalamat ni Sitti mabuti nalang daw at agad niyang naipanganak si baby Osseah. Kung nahuli pa daw sila ay maaring malagay sa peligro ang buhay nito. Dahil nang mabuksan ang kaniyang tiyan ay nakitang nakadumi na ng kaunti si Osseah na sa kabutihang palad ay hindi pa nakain ng kaniyang baby. “When they opened me up, they found that she pooped in my womb already. Konti nalang naman daw. Sobrang timing ng lahat kasi kung hindi ako na-CS agad, baka may nakain na siyang poop." Ito ang sabi pa ni Sitti.

 
View this post on Instagram
  A post shared by Sitti Navarro-Ramirez (@bossagurl)

Sa kabuuan ay very happy si Sitti sa ligtas na pagsilang niya sa kaniyang 2nd baby na si Osseah. Dahil sa kabila ng mga health issues na naranasan niya ay healthy itong naipanganak.

“Ascribing to the Lord the glory due His name. From having APAS, to facing a cancer scare, to undergoing open surgery while being pregnant during a pandemic, to finally delivering via emergency CS and finding out after that my baby already pooped in my womb but thankfully, gratefully she did not ingest any of it.”

“Thank You, Father God.”

Ito ang pasasalamat ni Sitti sa kaniyang naging panganganak.

Tulad ng kay baby Osseah ay ipinanganak rin ni Sitti via emergency CS ang panganay niyang si Issiah Dañelle. Ito ay isinilang noong November 4, 2018.

Sitti Navarro baby #2 amd family

Image from Sitti Navarro's Official Facebook account

 

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Sitti gives birth via emergency CS; napagastos ng P10k para sa mabilisang RT-PCR
Share:
  • LOOK: Anak nina Gelli de Belen at Ariel Rivera, naka-graduate ng college sa Canada!

    LOOK: Anak nina Gelli de Belen at Ariel Rivera, naka-graduate ng college sa Canada!

  • Party game ideas: 8 larong pambata na puwedeng ipalaro sa birthday ng iyong anak

    Party game ideas: 8 larong pambata na puwedeng ipalaro sa birthday ng iyong anak

  • LOOK: Dimples Romana isinilang na si Baby Elio!

    LOOK: Dimples Romana isinilang na si Baby Elio!

app info
get app banner
  • LOOK: Anak nina Gelli de Belen at Ariel Rivera, naka-graduate ng college sa Canada!

    LOOK: Anak nina Gelli de Belen at Ariel Rivera, naka-graduate ng college sa Canada!

  • Party game ideas: 8 larong pambata na puwedeng ipalaro sa birthday ng iyong anak

    Party game ideas: 8 larong pambata na puwedeng ipalaro sa birthday ng iyong anak

  • LOOK: Dimples Romana isinilang na si Baby Elio!

    LOOK: Dimples Romana isinilang na si Baby Elio!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.