Ang panibagong taong 2024 ay magandang pagkakataon para sa iyo upang masimulan ang pagtupad ng mga goals na hindi nakamtan noong mga nakaraang taon. At isa sa mga self-care goals na karaniwang nais maachieve ng nakararami ay ang pagkakaroon ng smooth, glowing at acne-free na mukha.
Maaaring naging challenging para sa iyo ang pagtupad ng goal na ito dahil kinakailangan mong magkaroon ng magandang skin care for face at gumamit ng iba’t ibang produkto. Nakadagdag pa sa iyong isipin ang pagpili ng mga skin care products dahil napakaraming brands ang available sa market.
Huwag mawalan ng pag-asa at iwasan na ang pagkastress sa pagpili ng mga produktong gagamitin! Naglista kami ng mga produkto para gawing epektibo ang iyong skin care for face. Kaya naman patuloy na magbasa at alamin ang best brands ng facial care products na mabibili online. Plus, kumuha ng tips mula sa amin kung paano maiimprove ang iyong facial skin.
Talaan ng Nilalaman
Skin care for face: Best products to use
Mama's Choice Radiance Bundle
|
Buy on Shopee |
Cetaphil Gentle Skin Cleanser
Best for Sensitive Skin
|
Buy Now |
Cetaphil Brightness Refresh Toner
Best Brightening Toner
|
Buy Now |
Garnier Bright Complete Vitamin C Serum
Best Facial Serum
|
Buy Now |
Neutrogena Hydro Boost Water Gel Moisturizer
Best Hydrating Moisturizer
|
Buy Now |
The Face Shop Pomegranate And Collagen Volume Lifting Eye Cream
Best Firming Eye Cream
|
Buy Now |
Anessa Perfect UV Brightening Sunscreen
Best Brightening Sunscreen
|
Buy Now |
Mama’s Choice Glow Kit Bundle
Best for Pregnant and Breastfeeding Moms
Ang Mama’s Choice Radiance Bundle ay perfect para sa mga pregnant at breastfeeding moms dahil sigurado kang ligtas ito para sa iyo. Bukod pa riyan, wala ka nang iba pang hahanapin pa dahil kumpleto na ang set na ito para sa iyong skincare routine.
Nandito ang kanilang best-selling Gentle Face Wash na mabisa sa pag-alis ng dumi at makeup. Ayon sa mga nanay na nakasubok nito, nakakapagpalambot din ito ng texture ng balat. Ang Daily Protection Face Moisturizer naman ay may mineral sunscreen na pinaka-ligtas na option pagdating sa sun protection. Perfect ito gamitin araw-araw dahil hindi ito malagkit. Last but not the least ay ang Advanced Brightening Serum na proven effective sa pag-lighten ng dark spots.
Lahat ng produkto sa bundle na ito ay hypoallergenic, dermatologically tested, alcohol-free at paraben-free.
Cetaphil Gentle Skin Cleanser
Best Skin Cleanser
Isa sa mga trusted brands ng skin care products sa bansa at sa buong mundo ay ang Cetaphil. At ang kanilang gentle skin cleanser ay ang best choice kung naghahanap ka produktong gagamitin bilang panlinis ng iyong mukha. Normal, dry, oily, sensitive o acne-prone man ang iyong skin ay suitable ito para sa iyo.
Tiyak na mas magugustuhan mo ang skin cleanser na ito dahil ito ay nagtataglay ng Niacinamide, Panthenol at Glycerin na nakakapag hydrate at moisturize ng balat. Bukod pa riyan, may kakayahan din ang produktong ito na labanan ang five signs of skin sensitivity kabilang ang dryness, irritation, roughness, tightness at weakend skin barrier.
Fragrance-free, paraben-free, non-comedogenic at hypoallergenic din ang formulation nito kaya’t makakasigurado kang safe na safe ito gamitin.
Cetaphil Brightness Refresh Toner
Best Brightening Toner
Mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng toner sa facial skin care routine. Nakakapag balance ito ng pH level ng balat, nagbibigay ng hydration at nakakapag minimize ng pores. Ideal ito gamitin bago gumamit ng serum at moisturizer upang mas maabsorb ang mga ito ng balat. Kaya naman kung wala ka pang toner na gamit, subukan ang Cetaphil Brightness Refresh Toner.
Matutulungan ka ng toner na ito sa iyong problema sa dark spots at uneven skin tone. Naglalaman kasi ito ng Niacinamide at Sea Daffodil extract na epektibong nakakapag reduce ng dark spots. Higit pa riyan, may kakayahan din itong maimprove ang kalagayan ng acne-prone skin. Mayroon pa itong hypoallergenic at fragrance-free formulation kaya naman akma rin to para sa mga may sensitive skin.
Garnier Bright Complete Vitamin C Serum
Best Facial Serum
Para naman mabigyan ng extra hydration ang balat, magandang idagdag ang serum sa iyong skin care routine. At kung nais mo rin maachieve ang bright at glowing skin, subukan ang Garnier Bright Complete Vitamin C serum.
Sa loob lamang ng tatlong araw, makikita na ang improvement ng iyong skin tone dahil sa kombinasyon ng Vitamin C at Niacinamide na taglay nito. Kaya rin nitong bigyang solusyon maging ang problema sa acne marks. Ang kagandahan pa rito ay lightweight lamang ang formulation nito kaya’t siguradong hindi ito malagkit at mabilis maaabsorb ng balat.
Neutrogena Hydro Boost Water Gel Moisturizer
Best Hydrating Moisturizer
Huwag ding kalimutan ang paggamit ng moisturizer araw-araw. Ito ay mahalaga upang maiwasan ang dryness ng balat na maaari pang magdulot ng ibang skin concerns. Kaya naman kung gusto mo ng moisturizer na lightweight at extra hydrating, tamang-tama para sa iyo ang Neutrogena Hydro Boost Water Gel Moisturizer.
Mapapanatili mong moisturized at hydrated ang iyong balat sa paggamit ng produktong ito dahil sa Hyaluronic acid. May kakayahan itong pigilan ang dryness at mapanatili ang tubig sa balat. Sinamahan pa ito ng amino acids na nakakapag strengthen ng skin barrier at electrolytes na nakakatulong upang mapabilis ang absorption ng produkto sa balat.
At dahil nga lightweight ang formulation nito, hindi ito malagkit gamitin at hindi rin nagdudulot ng oiliness.
The Face Shop Pomegranate And Collagen Volume Lifting Eye Cream
Best Firming Eye Cream
Importante ring bigyan pansin ang balat sa under eye area dahil manipis lamang ito at madaling kumulubot at umitim. Hangga’t hindi pa huli ang lahat, iwasan na ang pagkakaroon ng problemang iyan sa pamamagitan ng paggamit ng The Face Shop Pomegranate and Collagen Eye Cream. Nagtataglay ito ng marine collagen na nagbibigay ng deep hydration sa balat kaya naman maiiwasan ang dryness sa under eye area na nagdudulot ng pangingitim at wrinkles.
Bukod pa riyan, ang pomegranate extract naman ay nakakatulong sa collagen production at nakakapag-improve ng elasticity ng balat. Mayaman din ito sa vitamin C kaya’t kaya rin nitong mapaputi ang balat at masolusyonan ang problema sa dark circles.
Anessa Perfect UV Brightening Sunscreen
Best Brightening Sunscreen
Damaging sa balat ang epekto ng UV rays mula sa araw. Kaya naman upang maiwasan ang labis na pangingitim ng balat at pagkakaroon ng iba pang skin concerns, mahalagang gumamit ng sunscreen. At ang best choice para dyan ay ang Anessa Perfect UV Brightening Suncreen. Nagbibigay ito ng proteksyon mula sa harmful at skin damaging effect ng araw dahil ito ay SPF 50 sunscreen. Bukod pa riyan ay may kakayahan din itong i-boost ang brightness ng balat.
Ang sunscreen na ito ay formulated with Tranexamic Acid na isang epektibong brightening ingredient. Sinamahan pa ng Hyaluronic Acid at Collagen na may moisturizing effect. Mayroon din itong yellow flower extract at green tea extract na magandang anti-oxidants. Smooth at watery ang texture ng sunscreen na ito kaya naman di malagkit at mabigat sa balat. Para ito sa lahat ng skin types at maaari ring gamitin sa buong katawan.
Price Comparison Table
Brand | Pack size | Price |
Cetaphil | 250 ml | Php 565.00 |
Cetaphil (Toner) | 150 ml | Php 795.00 |
Garnier | 50 ml | Php 695.00 |
Neutrogena | 50 g | Php 1,093.00 |
The Face Shop | 50 ml | Php 1,395.00 |
Anessa | 90 g | Php 1,490.00 |
Kakaibang confidence nga naman ang dulot ng pagkakaroon ng smooth, fair at glowing skin. At tiyak na maaachieve mo na iyan sa tulong ng mga produktong ito. Siguraduhin lamang din na tama ang paggamit ng mga produkto at maging masipag sa paggawa ng iyong skin care routine araw-araw.
Kung may napupusuan ka na sa mga produkto sa aming listahan, i-add to cart na agad ito at huwag palagpasin ang big discounts na naghihintay sa iyo!