Para sa mga gusto na magkaanak at worried sa kanilang magiging skincare during pregnancy, narito ang ilang tips for you.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Do’s and Dont’s: Skincare tips para sa mga gusto magkaanak
Do’s and Dont’s: Skincare tips para sa mga gusto magkaanak
Sa pagbubuntis, iba’t iba ang experience na maaaring kaharapin ng mommies. Mayroong mga chill lang tuwing pregnant at para bang walang challenges na hinarap. Samantalang mayroon namang maseselan kung saan kaliwa’t kanang struggle ang kanilang need solusyunan.
Sa experience ng maraming mommies, napagdaan nila ang skin breakout bilang part ng struggle sa pregnancy. Kaya nga marami sa kababaihan tuloy ang natatakot magbuntis dahil sa maaaring epekto nito sa balat. Narito ang ilan sa mga maaaring umusbong sa panahon ng iyong pagbubuntis:
- Stretch marks – Kasabay ng paglaki ni baby ang paglaki rin ng tiyan ni mommy. Nagiging dahilan ito upang mabanat ang balat kaya naman nagkakaroon ng stretch marks. Ang marks na ito ay maaaring matagpuan sa hita, dibdib, at lalo na sa tiyan. Matapos ang pregnancy, mas magli-lighten ang appearance ng kulay nito o pwede rin namang manatili ang color.
- Skin rashes – Kailangan ding i-expect ng pregnant woman ang pagkakaroon ng iba’t ibang sakit sa balat tulad ng eczema, psoriasis, at infection sa ari.
- Acne – Magde-develop din pimples at acnes ang isang buntis dahil sa patuloy na pagtaas ng kanyang sweat glands.
- Hair and nails – Dahil sa pagtaas ng estrogen sa katawan, asahan na magiging marami rin ang volume ng buhok sa mukha, anit, legs, at iba pang parte. Matapos manganak, nasa tatlo hanggang anim na buwan itong maglalagas.
Do’s and Don’ts
Of course, sa kabila naman ng pagkakaroon ng maraming challenges na ito, hindi pa naman huli ang lahat. Kinakailangang lamang ng tamang pag-aalaga upang mapanatili ang healthy skin. Kinakailangan lang na mas careful ang pag-aalaga sa panahong ito dahil sensitive ang balat. Kaya narito ang mga do’s and dont’s before, during, at after ng pagbubuntis:
Do’s
Treat you acnes
Nakakababa ng confidence ang appearance ng acne sa skin buntis ka man o hindi. Para hindi na magsimula pa ng bacteria ang existing acne, better na ginagamot ito. Ang niacinamide at azelaic acid ay dalawa sa most effective na maaaring gamitin upang gamutin ang acne.
Gumamit ng sunblock
Kahit sino man iyan, malaki ang role ng sunscreen sa pagporprotekta ng balat ng isang tao. Sa panahon ng pagbubuntis, hindi dapat itinitigil ang paglalagay nito. Ayon kasi sa research mayroon daw hormones sa pregnancy ang mas nakakadagdag epekto sa UV damage na ibinibigay ng araw.
Kinakailangang mag-apply ng sunscreen na mayroong SPF 30 kada araw at ire-apply sa tuwing nasa ilalim ng araw.
Panatilihing mayroong Vitamin C sa katawan
Sikat na ingredient sa maraming serums ang Vitamin C. Malaking tulong ito para sa hyperpigmentation, tightening, at brightening ng balat.
Maintain a good hygiene
Palagi nagmumula sa kalinisan ang pagkakaroon ng magandang balat. Dapat lamang na malinis parati ang katawan araw-araw upang maalis ang excess na sebum. Kinakailangan din daw na maligo once daily para hindi kumapit ang iba pang bacteria sa balat. Always keep you skin moisturized too.
Eat healthy foods
Sa pagkain madalas nanggagaling ang reason para magreact ang balat. Kung puro junk foods ang kinoconsume, nagiging dahilan ito para magreact ang skin sa hindi magandang paraan. Kaya dapat lang kumain ng fresh and healthy foods not just for skin but for your baby too.
Dont’s
Iwasan ang mga product na mayroong retinol
Nire-recommend ng doctors ang retinol ngunit hindi para sa mga buntis. Mayroon kasi itong epekto sa fetus ng isang pregnant woman. Maaaring kasing lumusot sa skin ang mapunta sa bloodstream ang ingredient na ito at mapunta sa sanggol.
Pagsubok sa Botox at fillers
Dahil sa kakulangan sa pag-aaral patungkol sa safety ng Botox at fillers sa pagbubuntis, hindi nirerecommend ng doctors na subukan pa ito. Mas maganda raw na iwasan na lang ang paggamit nito.
Pagta-try sa accutane
Mahigpit na bilin ng experts na tanggalin na sa sistema ang accutane once na nagbuntis.
Pagkain ng pagkaing may labis na sugar
Kinakailangan ng healthy na diet sa pregnancy. Kabilang na diyan ang pag-iiwas sa mga pagkaing mayroong labis na asukal. Magandang way rin ito para maging healthy ang pagbubuntis ng isang babae.