Skull Breaker Challenge naging dahilan ng spinal injuries ng teenager

Trending ngayon sa TikTok ang Skull Breaker Challenge. Ano nga ba hatid nitong masamang epekto para sa mga kabataan? Alamin!

Trending ngayon sa social media ang Skull Breaker Challenge na nagsimula sa application na TikTok. Ngunit nakapagtala na ito ng seryosong kaso katulad ng mga namatay na teenager dahil sa naturang challenge.

Image from Kon Karampelas on Unsplash

Skull Breaker Challenge on TikTok

Upang maisagawa ang Skull Breaker Challenge, kailangan ng tatlong tao at dapat sila ay nakahilera. Ang dalawang taong nasa magkabilang side (kaliwa at kanan) ay ang mga unang tatalon. Sunod naman nito ay ang taong nasa gitna. Ngunit bago pa man mag landing ang paa ng taong nasa gitna sa sahig, papatirin ito ng dalawang taong nasa kanan at kaliwa niya.

Screenshot image from YouTube

Mabilis na kumalat ang challenge na ito sa Internet. Ang nakakapagtaka lamang ay marami na ang naitayang nasaktan nito ngunit patuloy pa rin itong ginagawa ng mga kabataan.

Hindi napapansin ng mga gumagawa ng challenge na nagiging bullying na ang naturang viral craze.

Sa isang interview mula sa ina ng isang batang biktima ng naturang challenge, matapos itong mahiga sa sahig dahil sa Skull breaker challenge ng TikTok, ang anak daw niya ay nawalan ng malay at nagkaroon ng temporary memory loss.

Skull Breaker Challenge Consequence

Marami na rin ang naitalang namatay dahil sa Skull Breaker Challenge. Katulad na lamang ng 16 years old na dalaga na nagmula sa Brazil.

Biktima rin ng naturang challenge ang batang lalaki sa USA. Siya ay nawalan ng malay at nagkaroon ng sugat sa mukha.

https://www.facebook.com/vclifton3/posts/2731016426979705

Ang mga magulang naman ng mga batang biktima ay nagbigay ng babala para sa mga kabataang patuloy pa ring gumagawa nito. Ayon sa kanila, ito ay hindi magandang biro at maaaring makapagdulot sa isang bata ng severe injury o worst, kamatayan.

Ayon kay Dr. Richard Lebow ng Medstar Union Memorial Hospital, ang challenge na ito ay maaring makapagdulot sa biktima ng skull fracture o neck fracture na pwedeng dahilan ng paralysis. Papasok din dito ang pagkakaroon ng Internal Hemorrhage o yung pagputok ng ugat sa ulo.

At kung ang utak naman ay magkakaroon ng pagdurugo, ito ay posibleng maging dahilan ng pagkamatay.

Sa bansang India naman, hindi na mai-do-download sa Google Playstore o Apple App Stores ang application na TikTok. Ayon rin sa kanila dapat tuluyan na itong i-ban dahil nanghihikayat ito ng pornograpiya at mga sexual predators.

Ayon naman sa pamunuan ng Tiktok, hindi nila tino-tolerate ang ganitong klaseng uri ng content.

Screenshot image from YouTube

Sa ngayon, wala pa namang nababalita dito sa bansa na gumawa ng naturang deadly challenge craze na ‘Skull Breaker Challenge’.

Ngunit sa kabila nito, panatilihin pa rin ang matinding pagbabantay at pagbibigay ng gabay sa inyong mga anak lalo na kung ito ay gumagamit na ng cellphone. Madaling maakit at gayahin ng isang batang curious ang mga nakikita nila sa internet.

Kaya mas mabuti kung bigyan agad sila ng gabay o pangaral upang maiwasan ang naturang disgrasya na dala ng internet.

 

SOURCE: Manila Bulletin 

BASAHIN: 5 Dangerous social media challenges you and your kids should avoid

Sinulat ni

Mach Marciano