Slater Young sa 5th wedding anniversary nila ng misis na si Kryz Uy: “Best decision ever ❤️”

Kryz ibinahagi kung paano ipinapakita ng mister na si Slater ang pagmamahal nito para sa kaniya kada umaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Slater Young at Kryz Uy nag-celebrate ng kanilang 5th wedding anniversary. Kryz at Slater may sweet na mensahe para sa isa’t-isa.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Slater Young and Kryz Uy 5th wedding anniversary.
  • Pagsasama nina Slater Young at Kryz Uy.

Slater Young and Kryz Uy 5th wedding anniversary

Larawan mula sa Facebok ni Kryz Uy

Taong 2019, February 16 ng maikasal ang Cebuano couple na sina Slater Young at Kryz Uy. Dalawang araw bago ang kanilang 5th wedding anniversary, si Kryz nauna ng bumati sa mister na si Slater. Ibinahagi niya rin ang magagandang larawan nilang dalawa sa ginanap nilang kasal.

“Happy 5 years married, roms!!! Time to take out the wedding albums ? best years of my life and many more to come ❤️❤️❤️.”

Ito ang caption ng Instagram post ni Kryz kalakip ang mga larawan nila sa garden wedding nila na ginanap noon sa Shangri-La Mactan Resort and Spa.

Si Slater maikili pero nakakakilig ang reply sa post na ito ng kaniyang misis.

“Awwww i love you romer. Best decision ever. ❤️”

Ito ang reply ni Slater kay Kryz.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebok ni Kryz Uy

Pagsasama nina Slater Young at Kryz Uy

Sa ngayon si Kryz ay nagdadalang-tao sa pangatlong baby boy nila ni Slater.

Sa mga Instagram post ng dalawa ay makikitang very happy at peaceful ang pagsasama nila. Ipinakita nga ni Kryz sa isa sa mga recent Instagram post niya kung paano ipinapakita ng mister na si Slater ang pagmamahal niya sa misis tuwing umaga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon kay Kryz, si Slater ang gumagawa ng espesyal niyang kape kada umaga.

“Hubs knows the way to my heart ☕️. Also, he can make decent latte art (!) with no prior training cause he does this for me every single day lol.”

Ito ang pagbabahagi pa ni Kryz.

Sa Instagram ay ibinahagi rin ni Kryz ang cool parenting style nila sa pagpapalaki sa mga anak na sina Scottie at Sevi.

Larawan mula sa Facebok ni Kryz Uy

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement