Alam mo ba na ang sleeping position sa isang relationship ay may certain meaning? Ito ay nagsasabi kung ano ang estado ninyong mag-asawa.
Mahirap kontrolin ang katawan kapag ikaw ay natutulog. Ito ang pagkakataon na ikaw at ang iyong katawan ay nagiging honest. Ito ang mga tumatalakay sa kahulugan ng position ninyo ni mister sa pagtulog.
“Couples fall into habitual ways of sleeping together that suit their personalities and personal preferences,” ito ang sabi ng isang psychologist na si Corrine Sweet. “These are negotiated at the outset, so if something changes in how they sleep together, this can reflect a change in their relationship and cause concern for the other partner.”
Iresolba ang hindi pagkakaintindihan bago matulog
Ayon kay Corrine Sweet,
“Individual psychological states also affect how we sleep and the couple sleeping positions we sleep in, so if we are stressed we may be irritable, and not want to snuggle up with our partner. Arguments often lead to sleeping wide apart, as people feel loathe to touch.”
Kaya naman kailangang pag-usapan at iresolba ng mga couple ang kanilang pag-aaway o hindi pagkakaintindihan bago matulog. Hindi solusyon sa isang pag-aaway ang matulog na galit ang bawat isa.
Sleeping position meaning sa isang relationship
Narito ang 10 most common couple sleeping position ng mag-asawa. Sa pamamagitan nito, malalaman natin kung ano ang estado ng inyong pagsasama.
1. Liberty
Ito ay kapag natulog ang couple ng magkatalikuran at hindi naglalapat ang mga balat. Aakalain ng karamihan na ang kahulugan nito ay pagiging malamig sa isa’t isa ngunit ito ay nagpapahayag na ang dalawang panig ay mga independent.
2. Cherish
Ito ay may pagkakatulad sa Liberty ngunit magkaharapan naman. Ang ibig sabihin nito ay ang couple ay komporable, relax at malapit sa isa’t isa.
3. Pillow talk
Kapag ang dalawang panig ay natutulog nang magkaharap. Ito ay nagkakahalugan na nagiging malapit ang isa’t isa.
4. Lovers’ knot
Nakaharap ang couple sa isa’t isa sa posisyon na ito habang ang kanilang legs ay naka-intertwined. Ayon sa mga relationship expert, ang sleeping position na iyon ay nagpapakita ng loving dependence sa couple. Nagbibigay rin ito ng kahulugan ng matinding intimacy, love at sexual activity.
5. Spooning (Male)
Ayon sa Google ito ay “close together sideways and front to back with bent knees, so as to fit together like spoons.” Ang male spooning position ay mas kilala. Nagkakahulugan ito ng protective nature ng mga lalaki at isang senyales ng strong sexuality at security sa isang relasyon.
6. Spooning (Female)
Kabaliktaran naman ang ibig sabihin ng spooning position sa mga babae. Ang mga babae ay ang incharge sa isang relasyon at mas pumoprotekta rito.
7. The Lovers
Ang sleeping position na ito ay kapag ang legs ng couple ay naka-intertwined buong gabi. Ito ay nagkakahulugan ng constant touch at kadalasang nakikita sa unang mga taon ng mag-asawa kapag sila ay hindi mapaghiwalay.
8. Romantic
Ang posisyon na ito ay kapag nakapatanong ang ulo at kamay ng babae sa dibdib ng lalaki habang natutulog. Ito ay ang posisyon ng couple pagkatapos magtalik sa mga bagong relasyon. Ito rin ay senyales ng matinding pagmamahalan at romance sa mag-asawa.
9. Superwoman
Strong posiyon kung tawagin ang superwoman. Ito ay kapag ang babae ay natutulog at malaki ang sakop sa higaan habang ang asawang lalaki naman ay nakabaluktot sa dulo ng kama. Ito ay nagpapakita kung paano kontrolin ng babae ang buong kwarto. Okay lang ito sa lalaki at hinayaan sa kaniyang space.
9. Superman
Ang sleeping position naman ito ay kabaliktaran ng Superwoman. Ang lalaki ay ang hari ng kwarto at ang babae ay masaya sa pahiwatig ng lalaki sa kwarto at relasyon.
Superman: This couple sleeping position is the reverse of the Superwoman. Here, the man is king of the bedroom and the woman is happy to take her place on the sidelines of both the bedroom and relationship.
Moms, dads, anong sleeping position niyo?
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN: