FDA nagbabala sa paggamit ng SM Bonus sugar at iba pang mga produkto na hindi rehistrado

May mga bagong produktong naidagdag sa listahan ng FDA na itinuturing nilang illegal at hindi dapat binibili o ginagamit ng publiko sa ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pinaka-latest na public warning na inilabas ng FDA o Food and Drug Administration kasama rito ang SM Bonus refined at brown sugar. Ayon sa ahensya, ang mga ito ay hindi rehistrado at hindi dumaan sa tamang evaluation process.

SM Bonus sugar hindi rehistrado sa FDA

Nitong October 27, nagbigay babala ang FDA sa paggamit ng SM Bonus sugar na mabibili sa mga SM supermarkets. Ang mga ito umano ay hindi rehistrado sa ahensya. Kaya naman sa ngayon habang isinasailalim pa sa evaluation process ang produkto nagpaaala ang FDA sa publiko na huwag munang gumamit nito. Dahil paliwanag ng ahensya, hindi nila masisigurado ang kalidad at kaligtasan ng mga ito sa ating kalusugan.

“Since these unregistered food products have not gone through evaluation process of the FDA, the agency cannot assure its quality and safety.”

Ito ang pahayag ng ahensya.

Dahil sa public warning na ito ay pansamantala munang inalis ng SM ang mga SM Bonus sugar na kanilang ibinibenta. Ito ang kanilang naging sagot ukol sa pahayag ng FDA.

“We are pulling out SM Bonus Sugar products mentioned in the FDA circular advisory No. 2020-1927 until such time that our supplier is able to meet FDA registration requirements.”

Iba pang produktong hindi FDA registered

Maliban sa SM Bonus sugar, may bagong listahan ng mga produktong inilabas ang FDA na hindi rin rehistrado sa kanilang ahensya. Babala nila sa publiko huwag na munang bumili o gumamit ng mga sumusunod hanggang sa mga ito ay opisyal ng maparehistro sa kanilang ahensya:

  • MELVAN Ginger Brew with Turmeric and Lemongrass, 250g
  • SWEET VALLEY Freeze Dried Cranberry Coated with Milk Chocolate
  • LORENZO FARM Dark Chocolate, 55g
  • LYN’S FOOD PRODUCTS Banana Chips, 120g
  • JHAN & CHIN FOOD PRODUCTS TURGIN+ 8n1 Turmeric Ginger Herbal Tea, 150g
  • LYN’S FOOD PRODUCTS Special Kamote Chips (Sweet Kamote Chips), 85g
  • BADIANGAN Ginger with Lemongrass Candy
  • BADIANGAN Ginger Candy

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • MEMER FOOD DEALER Marshmallows, 50g
  • ROBINSONS Pacencia, 90g
  • BLYZ Cassava Chips – Garlic Flavor, 100g
  • RHP 8-in-1 Choco & Herbs, 252g
  • BLYZ Banana Sticks – Cheese Flavor, 150g

  • CANCILLER’S FOOD PRODUCTS Special Pancit Molo Strips, 250g
  • SOLID CORR Pancit Bato (Ecopack), 100g
  • MEGALICIOUS GULAMAN KING Jelly Powder Mix- Buko Pandan, 24g
  • YA YAMMY DELICACIES Orange Gummies, 200g
  • YA YAMMY DELICACIES Sampaloc Salted, 100g

  • MAMA MIMA’S Crispy Pork Skin Chicharon, 50g
  • JUSTADO Special Pancit Canton
  • MANOKAN Pancit Canton Small
  • RIGHT CHOICE Bihon, 250g
  • PENGUIN Super Premium Golden Bihon, 250g

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga produktong nadagdag sa listahan ng mga FDA unregistered products sa Pilipinas. May mga imported food products rin ang sinasabing illegal ng ahensya ang hindi dapat gamitin ng publiko. Para sa kumpletong listahan at impormasyon ay mabuting bisitahin ang FDA website.

Ngunit bakit nga ba mahalagang naka-rehistro sa FDA ang produkto na iyong binibili?

Bakit dapat FDA registered ang isang produkto?

Ayon sa FDA, ang pangunahing objective ng kanilang ahensya ay masiguro na ligtas at dekalidad ang mga produktong ginagamit ng publiko. Ito man ay mapapagkain, gamot, medical device, cosmetics at iba pang produktong pangkalusugan. Sinisiguro nila ito sa pamamagitan ng pagbibigay sertipikasyon sa mga produktong dumaan sa kanilang pananaliksik o pagsusuri. Upang masiguro na ito ay epektibo at hindi magdudulot ng kahit anumang negatibong epekto sa kalusugan ng tao.

Ang mga food and drugs na produktong hindi rehistrado sa ahensiya ay itinuturing na illegal at hindi dapat maibenta sa mga pamilihan.

“Alinsunod sa Republic Act No. 9711, o ang Food and Drug Administration Act of 2009, ang paggawa, pag-angkat, pagbenta, pamamahagi, paglipat, promosyon, pagpapatalastas o sponsorship ng produktong pangkalusugan nang walang kaukulang awtorisasyon mula sa FDA ay ipinagbabawal.”

Ito ang pahayag ng FDA sa kanilang website.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano malalaman kung FDA approved ang isang produkto?

Image from MIMS Today

Para naman matukoy kung rehistrado sa FDA ang isang produkto ay maaring hanapin sa label o packaging ang FDA registration number nito. Puwede ring bisitahin ang FDA website saka hanapin sa search feature ng ahensya kung ito ba ay nakarehistro sa kanila o hindi.

Kung sakali namang walang nakitang FDA registration number sa isang produkto na kinakain, iniinom o inilalagay sa katawan, pakiusap ng FDA ay i-report ito sa kanila. Magagawa ito sa pamamagitan ng pag-iemail sa report@fda.gov.ph o kaya naman ay deretsong i-report ito sa kanilang website.

Maaari ring tumawag sa Center for Drug Regulation and Research (CDRR) sa numerong (02) 809-5596 upang mai-report ang mga produktong hindi nakarehistro sa ahensya.

Muli isang mahalagang paalala, ang FDA registration ng isang produkto ay mahalaga para sa kaligtasan nating mga mamimili o publiko. Kaya naman huwag tangkilikin ang mga produktong walang tatak mula sa FDA. Gumamit o bumili lamang ng mga produktong tested and proven ng effective ng ahensya.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Rappler, FDA

 

BASAHIN:

FDA, ipinagbawal ang ilang hand sanitizer dahil sa toxic content nito

5 rasong kung bakit dapat organic ang binibili mong pagkain

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement