Sa edad na 44, nabiyayaan pa ng ang aktor at komedyanteng si Smokey Manaloto ng isang anak. Kaya naman very happy siya sa blessing na dumating sa kaniyang buhay.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Smokey Manaloto becomes a daddy in his 40s: “Akala ko huli na pero hindi pa pala.”
- What is it like when you become a parent in 40s?
Smokey Manaloto becomes a daddy in his 40s: “Akala ko huli na pero hindi pa pala.”
Madalas na ganap sa mga busy sa career ay paglimot na bumuo ng pamilya kahit pa gusto nila. Napapangunahan kasi palagi ng plans tungkol sa mga gustong gawin patungkol sa propesyon o trabaho. Katulad na lang din sa mga artista, na alam naman nating sobra-sobra rin ang oras na inilalaan nila sa paghahanap-buhay.
Kaya nga laking gulat na lang ng komedyante na si Smokey Manaloto nang mabigyan pa siya ng anak sa kabila ng edad niyang 44.
Ibinahagi niya ang experience niya bilang daddy sa unang video na in-upload nito sa kanyang Tiktok account. Marami raw ang nagsabi sa kanya na huli na ang lahat para magkaanak pa, buong akala niya rin daw ito,
“Sabi nila, ‘Wala ka nang pag-asa!’ Sabi nila, ‘Huli ka na sa biyahe! Akala ko nga huli na, hindi pa pala. Ito na ‘yong something big na nangyari sa ‘kin.”
Larawan mula sa Tiktok account ni Smokey Manaloto
Ipinakita niya ang isang larawan at video ng ultrasound kung saan ikinuwento niya ring December 2021 raw nila unang nalaman na magkakaanak na siya. Mapapanood din sa video na masayang kinakausap ni Smokey ang anak niya habang nasa sinapupunan pa ito ng kanyang partner.
August 2022 raw nang isugod na sa ospital ang kanyang karelasyon dahil manganaganak na ito. Kaya diretso agad sila sa emergency room para sa labor ng kaniyang non-showbiz partner.
Mapapanood din sa Tiktok video kung paano niya palakasin ang loob ng kanyang partner para sa kahaharaping panganganak. Habang nasa labor room daw ito ay tyinaga niyang maghintay sa hospital room hanggang sa matapos ang panganganak. Sa kagustuhan niya raw na masaksihan ang proseso, nag-video call daw sila dahil nga bawal siya mag-stay sa loob ng room.
August 4, 2022 raw nang payagan na siyang bumaba sa delivery room at dito na niya nasilayan ang kanyang unang anak. Ibinahagi rin ni Smokey Manaloto sa video ang picture ng kaniyang anak noong kalalabas pa lang nito maging ang video na hinehele niya ang sanggol sa kanyang mga bisig.
Larawan mula sa TikTok account ni Smokey Manaloto
Isang malusog na baby boy ito at pinili nilang pangalanan ng ‘Kiko Manaloto’. Makikita kay Smokey ang bakas ng saya ngayon na may supling na sa kanilang pamilya.
Lumalaking healthy at masaya ang kanyang baby. Sa isang bagong update niya sa kanyang Instagram account, makikita nang pinapaarawan nila ito kasama ang blessing ng isang bishop.
What is it like when you become a parent in 40s?
What is it like when you become a parent in 40s? | Larawan mula sa Pexels
Katulad sa experience ni Smokey, maraming late parents ang nakarinig ng negatibong komentaryo mula sa iba’t ibang tao. Palagi na lang sinasabi na huli na ang lahat para maging magulang pa sa edad na ito. Para sa karamihan marami raw ang disadvantages na magsimula ng pamilya sa ganitong edad.
Huwag mag-alala, dahil marami rin namang advantages ito. Katulad na lang ng mga sumusunod:
Financially stable.
Dahil nga nasa 40 years old ka na, malaking parte na ng buhay mo ang nailaan sa pagtatrabaho. Ibig sabihin nito, may posibilidad na regular ka na at mayroong malaking ipon para sa bubuuing pamilya. Marami kasi ang nakakapagpundar nang walang anak dahil walang iniisip na gastusin sa gatas, eskwelahan, at iba pa.
Sa makatuwid, handa ka na financially sa lahat ng gastos na kasabay ng pagkakaroon ng anak. Maaaring may funds ka na para sa iba’t ibang need pagkagastusan.
Better maturity.
Marami ang pinipiling magkaroon ng anak sa edad na 40 dahil sa maturity. Naniniwala silang hindi sila mature enough noon para magdagdag ng responsibilidad pa sa kanilang buhay. Maaaring ang iba ang gusto pang mag-aliw o i-enjoy ang kanilang youth. Mayroon ding gustong hintayin ang kanilang sarili na maging mature enough para masabing handa na silang mag-alaga ng bata.
Help from family and friends.
Kung isa ka sa hindi common na nag-aanak sa kanilang 20s and 30s sa magkakaibigan at pamilya, malaking tulong din ito. Dahil nga nauna na silang nagkaroon ng supling, maaaring maging tulong ito para sa iyo na magkakaroon pa lamang ng anak. Pwede mong hingan sila ng payo sa mga bagay-bagay na kanilang pinagdaaanan noon.
Sa ganitong paraan mas madali sa iyo ang journey ng pagiging parent.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!