Hindi lang mga kids: Mga parents dapat ding mag-ingat sa pag-post sa social media

Prone sa cyberstalkers ang mga magulang na madalas ibahagi ang mga nangyayari sa kanilang family.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakaka-excite naman talaga ang i-share ang achievements or memories ng family sa social media accounts, pero babala ng mga eksperto ay dapat din daw ay mag-ingat sa ganito. Alamin dito ang guide for parents pagdating sa pagpo-post sa social media tungkol sa kanilang mga anak.

Mga mababa sa sa artikulong ito:

  • Guide para sa mga parents tungkol sa pagpo-post sa social media
  • Mga bagay na maaaring gawin niyo ng kids para makabuo ng stronger bond

Guide para sa mga parents tungkol sa pagpo-post sa social media

Larawan mula sa Pexels

Bilang parents, magiging proud ka naman talaga sa bawat milestone ng anak mo. Katulad na lang ng first time na sabi niya ng “mama” at “papa’. Maging hanggang sa first day of school ay mga bagay na gusto mong i-share sa buong mundo. Bagaman sobrang nanaktuwa na ibahagi ang kanilang photos on Facebook, Instagram o Twitter, ayon sa eksperto ay kinakailangan ng dobleng pag-iingat sa gawaing ito.

Base sa isang pag-aaral noong taong 2019 ng The Research Moms sa Edison Research, malaking bilang daw ng mommies ang nae-engage pa lalo sa mga social medias. Napag-alaman nilang mayroong dalawang motivators kung bakit nila patuloy na ginagamit ito:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Ang emotional connection na kaya nitong ibigay sa kanila.
  • Pagbibigay ng iba’t ibang praktikal na bagay na nakatutulong sa kanila sa kabila ng pagiging busy sa buhay.

Marami raw sa bilang na ito ang nakakuha ng suporta mula sa iba ring mga magulang. Ang iba naman ay nakakuha ng advice tungkol sa iba’t ibang bagay sa buhay. Samantalang ang iba naman ay nakabubuo ng isang community kung saan pakiramdam nila ay belong sila. Lalo raw itong tumaas sa kalagitnaan ng pandemic kung saan halos naging online ang kalakhan ng buhay ng mga tao.

Sa kabila ng mga nakukuha ng parents na ito sa social media, bakit kaya ayon sa mga eksperto ay mayroong masamang epekto ito para sa mga anak? Narito ang ilang dahilan:

Larawan mula sa Pexels

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  1. Pagkawala ng healthy boundaries ng magulang at anak – Kahit pa sila ay minor, maikukunsidera pa rin na kinakailangan nila ng boundaries upang magkaroon ng sense of personal responsibility. Ibig sabihin, kailangan tanungin muna sila rin kung komportable ba silang nakikita ng ibang tao ang pictures o kaganapan sa kanilang buhay. Sa ganitong paraan naipapakita mo na mayroong linya para sa boundaries ninyo sa isa’t isa.
  2. Hindi lahat ng support na nakukuha sa social media ay tunay – Mahalagang malaman na prone ang social media sa scam at cyber attack mula sa mga hindi mapagkakatiwalaang tao. Maaari kasing nagtatago ang ibang accounts sa identity ng ibang tao na pwede kang linlangin sa maraming bagay. Marahil ang iba ay pure ang intention na makapagbigay talaga ng payo ngunit ang iba naman ay may motibong makapangloko.
  3. Pagkawala ng privacy sa pamilya – Oo nga’t hindi mo isini-share ang lahat ng bagay sa loob ng tahanan, ngunit ang ibang mga bagay na pino-post mo ay maaaring makapag-invade ng privacy sa pamilya. Ang simpleng pagpo-post ng picture ng anak ay maaaring kumalat sa ibang tao at malaman ang kanyang identity.
  4. Pagkakaroon ng risk sa cyber stalkers – Dahil nga maraming manloloko ang social media, the more the pino-post ang mga details sa family ay the more na prone kayo sa cyber stalkers. Dito nila makukuha ang ilang details patungkol sa mga private na bagay na hindi naman dapat napapakalat sa ibang tao.
  5. Maaaring nakadepende na ang buhay sa validation ng iba – Sa mas maraming time na nai-engage sa social media ay nagkakaroon ng dependency na makuha ang validation ng ibang tao. Kung minsan ay nagke-crave ka na lang sa mga papuri na natatanggap mo online. Mahalagang tandaan na ang pamilya dapat ang inuuna at sa kanila unang manggagaling ang validation sa isa’t isa.

BASAHIN:

7 rason kung bakit hindi mo dapat gawan ng social media account ang anak mo

Bago ka magparinig sa social media, narito ang 10 bagay na dapat mong i-consider

8 na paraan upang maprotektahan ang mental health mula sa social media

Mga bagay na maaaring gawin niyo ng kids para makabuo ng stronger bond

Larawan mula sa Pexels

Kadalasang ang pagkahilig sa social media ay nakakawala ng time para sa personal bonding ninyo ng pamilya. Nabibigyan na lang ng time ang kids para sa mga needs niya tulad ng pagpapatulog, pagpapakain, pagbibihis o pagtuturo ng tungkol sa school.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa family, kinakailangan na mayroon din kayong bonding together. Para ma-lessen ang time na ginugugol sa social media, narito ang ilang ways na maaaring gawin ninyo ng kids:

  • Bumisita sa educational places like libraries and museums.
  • Parehong pumunta sa isang coffee shop at sabay na sumulat ng poetry o ng kwento.
  • Mag-camp out o picnic para maranasan nila ang bonfire at iba pang fun things outdoor.
  • Bumuo ng panibagong hobbies like cooking and baking together.
  • Magplano ng lunch out o dinner sa labas.
  • I-set ang movie marathon ng pamilya.
  • Tumulong sa community o mag-volunteer sa iba’t ibang organizations.
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva