Sofia Andres ready ng simulan ang dream house niya para sa kaniyang pamilya.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Sofia Andres on building her dream house.
- Pagiging hands-on mom ni Sofia sa anak na si Zoe.
Sofia Andres on building her dream house
Patuloy nga ang pagtupad ng aktres at model na si Sofia Andres ng kaniyang mga pangarap. Mula sa pagkakaroon ng sarili niyang alcospray brand na ipinangalan niya sa anak na si Zoe si Sofia sisimulan na rin ang pagpapagawa ng dream house ng kaniyang pamilya.
Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ni Sofia ang naging groundbreaking ceremony sa loteng tatayuan ng kanilang bahay. Ito ay sa Lipa, Batangas na gagawing makakatotohan ng construction at architectural firm na Space Lift Manila.
“Thank Lord God for always keeping me on the right track & for guiding me every step of the way. 🏡🙏🏼”
“Thank you @spaceliftmnl for making my dreams into reality. @mikevilli.”
Ito ang caption ng post ni Sofia tungkol sa naganap na groundbreaking ceremony ng kanilang dream house.
Ang mga celebrity friends ni Sofia binati ang aktres sa bagong milestone na ito sa kaniyang buhay. Ito ang mga mensahe nila.
jerikaejercito Oh wow! Congratulations babe! This is so amazing❤
Ang boyfriend ni Sofia at ama ng kaniyang anak na si Daniel Miranda ay bumati rin sa aktres.
Present sa naging groundbreaking ceremony ng gagawing dream house ni Sofia ang kaniyang ina, kapatid at anak na si Zoe. Ayon sa isa pang IG post ni Sofia ito ay ang second home ng kanilang pamilya.
View this post on Instagram
Pagiging hands-on mom ni Sofia sa anak na si Zoe
Samantala, si Sofia makikitang enjoy na enjoy sa pagiging mommy sa anak niyang si Zoe na magtatatlong-taon na ngayong Nobyembre.
“My goofy girl, my sweetheart, my life. What did I do to deserve someone like you?”
Ito ang isa sa pinaka-latest post ni Sofia tungkol sa anak niyang si Zoe.
Pagdating naman sa relasyon nila ng boyfriend na si Daniel Miranda ay makikitang going strong ang pagsasama ng dalawa. Sa naging birthday nga ni Sofia nitong Agosto ay may sweet na mensahe si Daniel para sa kaniya.
“Happy birthday my love, Praying you get all your heart desires because that’s what you have given me. I love you!! hope you will enjoy your day ❤.”
Ito ang pagbati ni Daniel sa 24th birthday ni Sofia.
Larawan mula sa Instagram account ni Sofia Andres
Hunyo ng taong 2020 ng ini-reveal ni Sofia na sila ng boyfriend na si Daniel ay may anak na. Ginawa ito ng aktres sa kaniyang Instagram account na kung saan ibinahagi niya ang kaniyang naging pregnancy journey.
Pagbabago sa buhay ni Sofia at Daniel ng maging mga magulang na sila
Kuwento doon ni Sofia sa Australia siya namalagi habang siya ay nagbubuntis. Siya ay sinamahan ng boyfriend niyang si Daniel na hindi daw umalis sa kaniyang tabi.
“Daniel has been there every step of the way. Every travels, night cravings, gatherings. And I’d be there too in his train rides and classes.”
“And when I’m stressed out, he’d wake up in the middle of the night to massage me, to comfort me. It’s his way of telling me that we are in this together.”
Ito ang naging pag-alala pa ni Sofia sa naging pagbubuntis niya sa anak na si Zoe.
Dagdag pa ni Sofia, sa mga gawaing-bahay ay naasahan rin daw niya ang boyfriend na si Daniel. Noong siya nga daw ay buntis ay ito pa nga nagturo sa kaniyang maglaba at maglinis ng bahay.
Kahit nga raw noon nakapanganak na siya ay talagang hands-on si Daniel sa pagiging ama sa anak na si Zoe. Ito pa nga daw ang nagturo sa kaniya na magtimpla ng gatas ng anak.
Sa isa sa mga panayam nila ay ibinahagi ni Sofia at Daniel ang karanasan nila bilang first time parents. Ayon sa kanila ay mas naging mas mature sila at nag-grow bilang indibidbwal mula nang dumating si Zoe sa kanilang buhay.
Si Sofia hindi raw matatawaran ang nararamdaman ng maging isa na siyang ganap na ina. Marami nga daw siyang na-realized partikular na ang pagbibigay ng pagmamahal at pag-appreciate sa kaniyang ina.
“‘Yong connection namin ng anak ko, I can give so much love pa pala. Narealize ko after no’n, yung pagmamahal sa akin ng mom ko, ngayon ko lang na-appreciate ‘yong mom ko, ngayon lang ako naging clingy sa kaniya. Ngayon ko lang nasasabi na ‘I love you’.
Kasi iba pala ‘yong pakiramdam kapag na nakikita mo yung anak mo na sasabihin niya kada morning ‘Mama morning, love you’. Sarap sa pakiramdam.”
Ito ang sabi ni Sofia sa naturang panayam.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!