Solenn Heussaff ipinasilip ang kaniyang second baby, sinabing na-enjoy niya ang oras mag-isa matapos makapanganak

Thylane at kaniyang baby sister nagkita at nagkakilala na!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Solenn Heussaff baby #2 ipinasilip ng aktres sa kaniyang social media account. Celebrity mom nag-share rin ng day in a life niya sa ospital matapos manganak. Ayon kay Solenn na-enjoy niya ang mga oras na siya ay mag-isa.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Solenn Heussaff baby #2.
  • Pagbabahagi ni Solenn ng kaniyang mother of 2 experience ilang araw matapos manganak.
  • Second pregnancy journey ni Solenn Heussaff.

Solenn Heussaff baby #2

Nitong December 15 ay ibinahagi ni Nico Bolzico na ang misis niyang si Solenn Heussaff ay naipanganak na ang kanilang baby #2. Ito ay ginawa ng businessman at social media celebrity sa pamamagitan ng isang Instagram post kung saan ibinidyo niya ang kaniyang sarili na may dalawang version.

Sa video ay makikitang nakasuot ng blue hospital gown at cap si Nico. Inumpisahan niya ang kaniyang pahayag sa saya niya sa pagkapanalo ng Argentina at pagpasok nito sa finals ng World Cup 2022. Dinugtungan niya ito ng balitang nanganak na si Solenn.

“What a crazy day today Argentina qualified to the final of the World Cup, with Messi played a great game. And we just have a super healthy baby girl.”

Sa excited na pahayag ni Nico na ito ay maririnig na sumigaw si Solenn ng “No” na tila nais pigilan si Nico sa kaniyang mga sinasabi.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 

Sa sumunod na version ng video ay mas seryoso at mukhang feeling sorry si Nico. Dahil sa naunang video ay tila mas na-excite siya sa pagkapanalo ng Argentina kaysa sa pagdating ng kaniyang second baby. Pero paliwanag ni Nico super happy and blessed siya sa pagdating ng second daughter nila ni Solenn.

“My daughter being born is a million times more important than the finals of the World Cup and it’s very unfortunate that I actually mentioned them both in my previous comment.”

Ito ang sabi pa ni Nico.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa caption ng naturang niyang post ay nagbigay siya ng hint sa pangalan ng kaniyang anak. Ayon kay Nico, ang second name nito ay Lionel alinsunod sa pangalan ng Argentinian professional football player na si Lionel Messi.

Si Solenn approved naman daw sa naisip niyang pangalan nito. Ibinahagi niya rin na healthy ang kaniyang mag-ina matapos ang naging panganganak ni Solenn.

“I let her mama to introduce her later, but one thing is confirmed, her second name is "Lionel". Mama is healthy and happy also! #MamaApprovedTheSecondName”

Ito ang sabi pa ni Nico.

Pagbabahagi ni Solenn ng kaniyang mother of 2 experience ilang araw matapos manganak

Si Solenn matipid parin sa pagbabahagi ng birth story niya sa kaniyang baby #2. Ganoon rin ang pagpapakita ng mukha nito na katulad rin sa ginawa niya sa anak na si Thylane noon. Bagama't nitong nakaraang araw ay nagpasilip siya ng buhay niya ngayon as a mom of 2 at ilang araw matapos makapanganak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kaniyang Instagram stories ay ibinahagi ni Solenn kung gaano siya kasaya sa service na ibinigay ng Makati Medical Center sa kaniyang naging panganganak.

Siya pa nga ay nag-post sa isang selfie na fresh at fresh. Sa kaniyang IG story ay ibinahagi niyang na-enjoy niya rin ang facilities ng ospital na pinag-anakan niya.

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

“Finally debloating a little and ready to go home. Makati Med and team has been awesome.”

“Makati med and team has been awesome :), also loving netflix in my room haha”, sabi pa ni Solenn.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isa pang IG story ay sinabi rin ng celebrity mom na tila nakapag-relax siya matapos makapanganak. Sa katunayan ay mamiss niya pa daw ang mga oras niyang mag-isa sa ospital.

“Also will miss this time alone haha”, sabi pa ng celebrity mom.

Sa isa pang IG story ay ibinahagi rin ni Solenn na binisita siya ni Thylane sa ospital. At malamang doon ay nakilala na rin ni Thylane ang kaniyang baby sister.

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Makikita rin sa isang video na karga-karga ni Solenn ang kaniyang baby#2 habang masaya itong hinihele.

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Second pregnancy journey ni Solenn Heussaff

Hanggang ngayon ay wala paring opisyal na pahayag si Solenn sa kaniyang naging panganganak. Pero una na niyang sinabi na nais niyang subukang manganak sa pamamagitan ng normal delivery kung pahihintulutan ng pagkakataon. Matatandaang ipinanganak ni Solenn si Thylane sa pamamagitan ng cesarean.

Pagdating sa pagsasalarawan ng kaniyang second na pagbubuntis, ayon kay Solenn mas chill siya sa kaniyang second pregnancy. Bagamat kinailangan niyang mag-review ulit at magkaroon ng refresh sa pag-aalaga ng newborn baby.

"I have to go back to the nightmare phase of breastfeeding and I need to read books again kasi nakakalimutan ko yang mga phase na 'yan."

Ito ang sabi pa ni Solenn sa isang panayam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff

Matatandaang nitong Hulyo ng ibahagi ni Solenn na siya ay buntis sa second baby nila ng mister na si Nico Bolzico. Si Solenn ginawa ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan niyang buntis sa Instagram.

Habang ang kuwelang mister niyang si Nico ay ginawa ito sa kakaibang paraan. Gamit ang isang x-ray scanner app ay ipinanakita ni Nico sa isang video na may baby sa loob ng tiyan ni Solenn. Tulad ng panganay nilang si Thylane ay isa paring girl ang kanilang second baby.