Masayang ipinahayag ni Nico Bolzico ang nararamdaman tungkol sa muling pagbubuntis ng kaniyang wife na si Solenn Heussaff. Aniya perfect time daw talaga ngayon para sa kanilang second baby.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Hiling ni Nico Bolzico sa second child with his wife: Sana babae ulit
- Thylane and Nico Bolzico father-daughter relationship
Hiling ni Nico Bolzico sa second child: Sana babae ulit
Ibinahagi ni Nico Bolzico na excited na siya sa paparating na baby nila ng kaniyang wife na si Solenn Heussaff.
Na-interview ng theAsianparent Philippines si Nico Bolzico sa launching event ng Prime Video. Sa nasabing interview, ipinahayag ni Nico Bolzico na kapwa sila masaya ng kaniyang wife na si Solenn Heussaff na masusundan na ang daughter nilang si Thylane.
“It was unexpected but I was extremely happy. Of course, we all wanted two babies so it’s perfect timing for us,” saad ni Nico Bolzico.
Samantala, hindi niya pa rin daw sigurado kung anong mga pagbabago ang naghihintay sa kanila kapag naisilang na ang ikalawang anak.
Marami rin daw ang nagsasabi na ibang experience ang mararanasan ngayong magiging dalawa na ang anak ni Nico Bolzico at ng kaniyang wife.
“We don’t know yet but everyone is telling me that it is very very different. And the explanation is more difficult so, we’ll while we are ready. We wanted this, so we are happy.”
Ibinahagi rin ni Nico Bolzico na gusto niya ng another daughter para sa kanila ng kaniyang wife.
“I hope it’s another baby girl. I want a baby girl. I’m a girl dad.”
Paliwanag nito, nais niya ng baby girl dahil naging masaya siya sa pagiging daddy kay Thylane.
“I’m in love with Thylane so… I never had a boy but I love my girl so much that I would be very happy with the second girl,” saad ni Nico Bolzico.
Larawan mula sa Instagram account ni Nico Bolzico
Thylane and Nico father-daughter relationship
Paano nga ba bilang isang daddy si Nico Bolzico sa kaniyang daughter na si Thylane?
Sabi ni Nico Bolzico, palagi raw nilang kinakausap ng kaniyang wife ang anak nilang si Thylane. Ipinaparamdam niya raw sa anak ang pagmamahal sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon.
Aniya, tuwing may nagagawa itong mali ay kinakausap niya ito nang maayos at ipinapaliwanag dito kung ano ang tama.
Nais raw ni Nico Bolzico na maging open sa kanila ng kaniyang wife si Thylane kaya naman maayos din nila itong kinakausap.
“We talk to her. We communicate. It’s more of like interaction of dad and daughter.”
Kuwento pa nga nito, paborito niya raw na makasama si Thylane na mag-spend ng time with the nature. Mahilig din silang magbonding kasama ang mga kabayo. Aniya, tuwing may pagkakataon na makakita ng kabayo sa Pilipinas ay na-eenjoy daw nila itong mag-ama.
Nang tanungin ito kung may sinusunod ba itong Argentinian style of parenting ay agad naman itong tumugon. Aniya, wala siyang sinusunod na parenting style at gusto niya lang na maging mabuting tao ang kaniyang anak.
“No. I don’t think we have that style. She’s Filipina and she’s in the Philippines. I don’t think we have the style. I just want her to be a good person and happy.”
Larawan mula sa Instagram account ni Nico Bolzico
Handa na rin naman daw si Thylane sa pagdating ng kaniyang baby sibling. Palagi raw nilang pinagdidiskusyunan ito sa bahay. Ipinaliliwanag nina Nico Bolzico at wife na si Solenn Heussaff sa kanilang anak ang inaasahang pagdating ng kanilang second baby.
“Very aware” na raw si Thylane na malapit na siyang maging big sister.
“She’s very lovable. So, she will be a really good ate,” ani Nico Bolzico.
Dahil nga nais ni Nico Bolzico na maging baby girl ulit ang ikalawang anak, biniro ito kung ano ang gagawin sakaling magkaroon na ng manliligaw ang kaniyang daughters.
Makulit at pabiro ding tugon nito na bibili umano siya ng shotgun dahil iyon lamang daw ang paraan para makipag-deal sa mga manliligaw sa dalawa in the future.
Sa ngayon ay ayos naman daw at healthy ang pagbubuntis ni Solenn Heussaff. Pinapanalangin ng mga ito na maging madali at ligtas din ang pagsilang sa ikalawang anak. Inaasahan ngang isisilang sa Disyembre ang ikalawang anak nina Nico Bolzico at Solenn Heussaff.
Larawan mula sa Instagram account ni Solenn Heussaff
Matatandaang ipinanganak noong January 1, 2020 ang kanilang panganay na si Thylane via C-section. Sinubukan itong isilang sa pamamagitan ng normal delivery kaya lamang, habang ipinapanganak ay bumagal umano ang heart rate ng baby kaya nauwi ito sa cesarean delivery. Ligtas namang naisilang si Thylane at ngayon ay magiging big sister na.
Isang magandang regalo nga raw ito sa pagpasok ng bagong taon nila noong 2020.
“Best way to welcome 2020. So inlove with you Thylane Katana.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!