Minsan ay may nangyayaring pagseselos ng inyong anak na panganay, common ito kapag dumating na ang bunso sa pamilya. Kaya naman ating alamin kung anong pwedeng gawin ng mga parents para maiwasan ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Nagseselos ang panganay kay bunso? 5 tips para maiwasan ito
Tips para maiwasan ang pagseselos ng panganay kay bunso
Larawan kuha mula sa Pexels
Halos lahat ng magkakapatid ay dumadaan sa phase ng selosan. Lalo kung ang nauna mong anak ay naging only child for a long time at biglang mayroong madadagdag sa pamilya na baby. Sa una, mai-excite siya dahil sa wakas ay mayroon na siyang kasama parati at kalaro sa bahay at hindi na lang kayo as parents.
Bawat paglaki ni baby sa iyong tiyan ay matutuwa siya maging ang pagpadyak nito. The moment na ipanganak mo na si bunso, dito na papasok ang kaliwa’t kanang pangyayari na ikadadahilan ng kanyang pagseselos.
May mga pagkakataong mapapaisip na dito ang panganay mo na, dapat pala only child na lang siya ulit. Maaaring nakaririnig siya ng biro sa ibang kamag-anak na mas mahal ninyo ang bunso kaysa sa kanya.
Maaari rin namang nakikita niya kung gaanong mas maraming oras at panahon ang ginugugol ninyo kay baby. Sa mga pangyayaring napagagalitan din siya ay doon siya makararamdam ng labis-labis na pagseselos sa inyong bunso.
Sa ganitong kalagayan, marahil ay napapaisip ka na kung ano ang dapat gawin. Narito ang ilang tips upang maiwasan ito:
1. Turuan ang panganay kung paano siya dapat makipag-interact with your baby
Unang magandan gawin ay isama ang panganay sa pag-aalaga ng baby. Dito niya kasi mararamdaman kung bakit niyo nga ba ito ginagawa para sa bunso. Nagkakaroon siya ng sense of responsibility. Maaaring kausapin siya ay i-demonstrate ang iba’t ibang paraan kung paano niya maalagaan si baby. Halimbawa ay ang pagtuturo ng soft touches at kung paanong gustong-gusto ito ng mga babies.
Maaari rin namang hayaan siyang ma-involve sa iba’t ibang activities halimbawa ay pagpi-picture sa baby. Pwede rin namang pagbubukas ng regalo sa tuwing may magbibigay kay bunso. Bigyan siya ng task nang hindi niya napi-feel na siya ay nagiging madalas na utusan mula nang dumating ang bago niyang kapatid.
Bagamat itinuturo mo na ito, hindi pa rin dapat iwanan ang dalawa dahil maraming mga bagay na hindi alam ng iyong panganay kung tama o mali pa bang gawin for your bunso.
2. Umaksyon kaagad lalo kung nagiging bayolente na ang panganay
Kung minsan, dahil sa labis-labis na pagseselos ng panganay na anak, sumasagad din ang kanyang emosyon. Dahil dito maaaring maging marahas siya sa kanyang kapatid. Sa pagkakataong ganito na ang kanyang nagiging aksyon ay kaagad na umakto.
Paalalahanan ang panganay na hindi ito ang tamang pakikitungo sa kanyang kapatid. Sabihan din siya na hindi mo hahayaang maging ganoon palagi ang kanyang actions.
Parating isipin na hindi dapat pinarurusahan ang anak at sila ay pangaralan lamang upang hindi na nila uulitin pa.
Larawan mula sa Pexels
3. Purihin siya sa mga positive things na ginagawa niya para kay baby
Hindi dapat ang mga maling ginagawa lamang ng panganay ang iyong pinapansin. Mahalagang makita rin ang mga positve actions niya sa kanyang kapatid.
Ang mga ginagawa niya tulad ng pagbabantay, pagkausap, at iba pa ay dapat pinupuri upang lalo siyang ma-encourage na alagaan si baby. Iparamdam sa panganay na nakakaproud ang ginagawa niyang ito.
BASAHIN:
Marunong ba sa gawaing bahay si bunso? Narito ang 6 chores na puwede niyang gawin
Lampayatot si bunso? 31 na pagkain na makakatulong para tumaba at gumanda ang katawan ng bata
STUDY: Pagkakaroon ng older brother o sister, nakatutulong sa development ng baby
4. Be gentle at iparamdam sa inyong panganay ang pagiging supportive
Mahalagang i-build ang matibay na komunikasyon sa isa’t isa. Panatilihing gentle ang bawat salitang bibitawan. At ipakita ang suporta mo sa pagiging panganay niya ngayong mayroon na siyang bunsong kapatid. Iwasan ding idahilan si baby sa lahat ng mga bagay na hindi niyo na nagagawa dahil maaaring magdagdag ito ng galit niya sa kanyang kapatid.
5. Magkaroon ng pantay na atensyon at iwasang magbitiw ng masasakit na salita.
Larawan mula sa Pexels
Kadalasang nagsisimula ang inggitan at selosan ng magkakapatid dahil sa treatment ng parents sa bawat isa. Maaaring hindi ito namamalayan ng ibang mga magulang pero sa maraming pagkakataon ay hindi nagiging pantay ang pagbibigay ng atensyon sa kanila.
Pantay naman talaga ang pagmamahal ng mga magulang sa anak. Ngunit nagkakaroon kasi ng pagkakataon na mas napupunta ang malaking atensyon sa bunso.
Nagkakaroon din ng pangyayaring naikukumpara sila sa isa’t isa dahilan upang magkaroon ng tampo ang isa sa tuwing naririnig ito. Hindi kasi magandang nagmumula sa pamilya ang pagbaba ng kanilang self-esteem.
Dito magsisimula ang away ng mga anak dahil parehong nagkukumpetensya para sa magulang. Dapat ay sa pamilya nagsisimula ang pagpapalakas ng loob ng isa’t isa.
Alalahanin na may iba’t ibang husay ang mga anak at lahat ay kinakailangan ng suporta mula sa kanilang parents.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!