Paano nga ba maiiwasan ang away sa relasyon? Sa isang pagsasama, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan. Normal ito at halos lahat ay dumadaan sa ganitong sitwasyon pero iniisip mo ba kung ano ang kadalasang ginagawa mga mga nanay pagkatapos magkaroon ng misunderstanding kay mister? Alamin din sa artikulong ito kung ano ang mga dapat iwasan pagkatapos mag-away!
Mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang ginagawa ng mga nanay pagkatapos magkaroon ng away kay mister?
- Mga hindi dapat gawin pagkatapos mag-away ng mag-asawa
Silly things that TAP Moms do after a misunderstanding—Dads, take a look!
Mommy, katuwaan lang! Ito rin ba ang ginagawa mo pagkatapos niyong magkaroon ng hindi pagkakaintindihan ng asawa mo?
Paano maiiwasan ang away sa relasyon? | Image from Freepik
Silence please!
Aminado ang karamihan sa ating TAP Moms na hindi sila kumikibo o nagsasalita pagkatapos ng away. Isang mommy ang nagsabing, “Hindi na ako umiimik sa kanya dahil ‘pag ganyan na, ‘di siya makatiis pag walang imikan. Tapos kukulitin niya ako at lalambingin!”
Maaaring ginagawa ng mga nanay ito upang palamigin muna ang sitwasyon at para hindi makapagbitaw ng mga mabigat na salita. Isa rin itong paraan para mabigyan ng ora para makapag-isip si mommy at daddy!
BASAHIN:
STUDY: Ito ang top 10 na pinag-aawayan ng mga mag-asawa
7 bagay na maaaring pagmulan ng pag-aaway ng mag-asawa at tips para maiwasan ito
“We say sorry to each other.” 6 paraan kung paano magkaayos pagkatapos mag-away
Silly mad moms
Mommy, ginagawa mo rin ba ito?
“Itatago ko ‘yung susi ng motor.”
“Hindi ko sya nilulutuan ng masarap na ulam gusto nya.”
“Pinapatay ko internet.”
“Cold treatment tapos o-order ako sa Shopee and Lazada.”
“Hindi ko siya iimikin at hindi ko siya hinahandaan ng pagkain at kape ‘yan.”
Oopps! Guilty ka rin ba? Bukod sa pananahimik o hindi pagsasalita pagkatapos mag-away, ilang TAP moms ang nagsabi rin na gumagawa sila ng ikaiinis ni mister. Katulad na lamang ng hindi pagluluto ng masarap na ulam, pagtatago ng bagay na importante kay mister, o kaya naman patayin ang internet!
Hinay-hinay lang, mommy! Baka pagmulan ito ng panibagong away!
Just talk about it!
Communication is really important in a relationship.
Lahat ng problema o hindi pagkakaintindihan ay dapat harapin lalo na sa mga mag-asawa. Pag-usapan at buksan dapat ang isip upang lubos na maintindihan ang bawat isa. Ilang TAP moms din ang nagsabing pagkatapos nilang mag-away ay pinag-uusapan agad nila ang nangyari at nireresolba ito.
Siyempre, hindi mawawala ang lambingan pagkatapos!
Mga hindi dapat gawin pagkatapos mag-away ng mag-asawa
Paano maiiwasan ang away sa relasyon? | Image from Freepik
1. ‘WAG i-share ang away sa social media
Isang malaking NO-NO ang i-post ang personal na problema sa internet. Alam nating lahat na ang internet ay malawak at pampublikong lugar kung saan maraming tao ang makakakita at makababasa ng iyong ibabahagi online. Lalo lang itong magbibigay ng gulo at hindi solusyon.
Bukod dito, ang pagpo-post ng personal na problema online ay nakasisira lamang sa tiwala at respeto sa iyong partner.
2. ‘WAG patagalin ang away
May ilang mag-asawa ang hindi sanay na patagalin ang kanilang problema. Hindi nila kayang lumagpas ang isang oras o matulog sa gabi at inaalalang may hindi sila pagkakaintindihan ng kanilang asawa. Ayon sa mga eksperto, magandang pag-uugali ang ganito. Kailangang pag-usapan agad at ‘wag patagalin ang problema dahil nakadadagdag lang ito ng tensyon at kalituhan sa hindi pagkakaintindihan.
“Unresolved anger and hurt feelings can grow if they’re not worked out in a timely manner,”
Ganito ang sinabi ni Antonia Hall, MA, isang psychologist.
3. ‘WAG sabihin ang d-word
Gaano man kalaki ang problema, ‘wag na ‘wag sasabihin ang d-word o ang salitang ‘divorce’ bilang bala sa iyong asawa. Malaki ang tyansa na makadadagdag ito ng mabigat na tensyon sa inyo at masusundan pa nang masusundan.
May pagkakataon talaga na hindi lahat ng pagsasama ay nagiging matagumpay pero halos lahat ng problema ay mareresolba kapag ito ay pinag-usapan.
Paano maiiwasan ang away sa relasyon? | Image from Freepik
4. ‘WAG baliktarin at magdahilan
Kung alam mong ikaw ang may kasalanan, simpleng humingi lang ng tawad at magpakumbaba. ‘Wag nang magbigay pa ng maraming dahilan at ilipat ang sisi sa iba. Tandaan din na kung humingi ka ng tawad at hindi pa rin ito natatanggap ng iyong partner, ‘wag pilitin ito. Hayaan lamang sila na makapag-isip at bigyan lang sila ng oras. Paniguradong lalambot din ang kanilang puso at tatanggapin ang iyong sorry.
5. ‘WAG sumigaw o magsabi ng masasakit na salita
Totoong mahirap piligan ang emosyon lalo na kung galit o masama ang iyong loob. Kung nasa ganitong sitwasyon ka ngayon, huminga lang nang malalim at piliting pakalmahin ang sarili. Maaaring ilayo muna ang sarili sa sitwasyon at pahupain ang naramdaman. Kausapin ang iyong asawa kapag kalmado ka na at kontrolado mo na ang iyong mga sasabihin.
6. ‘WAG sarilinin ang problema
Gaya ng nabanggit sa itaas, isa sa pinakamagandang paraan para maresolba ang problema niyong mag-asawa ay ang pag-usapan ito. ‘Wag sarilinin ang problema. Malaki ang negatibong epekto nito hindi lang sa inyong relasyong kundi pati na rin sa iyong mental health.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!