Narito ang sampung karaniwang dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa at ang mga dapat gawin upang ito ay masolusyonan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang mga karaniwang dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa.
- Paano masosolusyonan ang mga pag-aaway o hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa.
Ang pag-aaway ay normal sa mga mag-asawa. Ayon sa mga eksperto, mahalagang sangkap ito sa pagkakaroon ng pangmatagalan at matibay na relasyon. Sa pamamagitan kasi nito ay mas nakikilala ng mag-asawa at isa’t isa. Ang bawat pag-aaway ay nauuwi sa pagkakabati at mas lalo pang lumalalim ang pagmamahalan nila.
Kaugnay nito ay may isang pag-aaral ang ginawa para matukoy ang mga karaniwang dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa. Ito ay nagawa ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagtatanong sa 100 na participants na nagbahagi sa mga madalas na pinag-aawayan nila ng kanilang asawa. Ang mga ito ay ang sumusunod.
Image from Pexels
Mga karaniwang dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa
- Pag-iisip ng isa sa magkapareho na siya ay mas mataas sa kaniyang asawa. Kaya naman tinatrato niya ang kaniyang asawa na inferior o stupid.
- Pagiging possessive, seloso o dependent ng isa sa mga mag-asawa.
- Hindi pagbibigay respeto o kahalagahan sa feelings ng bawat isa. O kaya naman ay hindi pagpaparamdam ng pagmamahal nila sa kanilang asawa.
- Pisikal na pananakit sa asawa o pagtawag sa kaniya ng bastos o masasakit na salita.
- Panloloko o pakikipagrelasyon sa iba.
- Hindi tumutulong sa gawaing-bahay o very inconsiderate sa mga ikinikilos niya.
- Masyadong self-centered at lagi lang iniisip ang sarili niya. Kaugnay nito ay physically self-absorbed din siya o masyadong nagwo-worry sa appearance niya.
- Masyadong moody o laging mainit ang ulo sa asawa.
- Laging tumatanggi o walang ganang makipagtalik sa asawa.
- Madaling mag-sexualize ng iba o ina-idolize o na-aattract sa iba na hindi niya naman asawa.
BASAHIN:
Bati na kayo? 10 things na HINDI dapat gawin after niyong mag-away ng asawa mo
Ang pang-matagalang epekto ng pag-aaway ninyo ni mister sa harap ng inyong anak
Misis, nakipaghiwalay sa kanyang asawa dahil hindi ito nakikipag-away
Paano masosolusyonan ang mga away mag-asawa?
Ang mga nabanggit ay partikular na tumutukoy sa pag-uugali ng mag-asawa na hindi nila nagugustuhan sa isa’t-isa. Para ma-solusyonan ang mga away mag-asawa dahil sa mga ito at maiwasang magdulot ito ng lamat sa pagsasama ay narito ang mga dapat gawin.
1. Pag-usapan ang inyong problema.
Ang unang paraan para maiwasang makasira ng relasyon ang mga away mag-asawa ay ang pag-usapan ito. Sapagkat kung ito ay hindi papansinin at babalewalain ay paulit-ulit lang itong mangyayari. Ang resulta ay mas lumalalim ang sugat na idinudulot nito sa pagsasama.
Sa oras na iwasan ng mag-asawa na pag-usapan ang ang kanilang hindi pagkakaintindihan ay iniiwasan din nilang pag-usapan ang mga bagay na mahalaga sa kanilang relasyon. Pagdaan ng panahon, ito ang maaaring magdulot ng unhappiness o dissatisfaction sa kanilang pagsasama.
Sa pakikipag-usap sa iyong asawa ay dapat pareho kayong kalmado at handang makinig. Ito ay upang maiwasan pa ang dagdag na problema.
2. Tanggapin ang inyong differences o pagkakaiba ng ugali ninyong mag-asawa.
People photo created by tirachardz – www.freepik.com
Ayon sa psychotherapist na si F. Diane Barth, ang ugali ng isang tao ay hindi basta-basta mababago hindi tulad ng behavior niya. Kaya naman kung may hindi nagugustuhang ugali ng iyong asawa ay mabuting tanggapin na lang ito.
Maaari mo umanong i-criticize ang isang sitwasyon o behavior niya. Subalit hindi ang ugali niya na may tendency na depensahan niya bilang automatic response. Ang resulta nito mas nagiging unproductive ang relasyon ninyo at mas lumalalim ang confict dito.
Payo naman ng licensed marriage at family therapist na si Jason WhitingWhiting, imbis na paulit-ulit na mainis sa ugali ng iyong asawa ay tanggapin na ito na talaga ang ugali niya. Kausapin siya sa kung paano ito hindi makakaapekto sa inyong pagsasama.
3. Huwag mahiyang magsalita at ipaalam sa iyong asawa ang iyong nararamdaman.
Ayon kay Whiting, ang pagsasabi ng okay ka lang o ayos lang ang lahat kahit may bagay ka ng kinaiinisan sa inyong relasyon ay isang uri na ng dishonesty sa inyong pagsasama.
Higit sa lahat ay hindi rin umano ito nakakatulong maresolba ang inyong problema. Kaya naman huwag mahiyang magsalita. Panatilihin ang open communication sa pagitan ninyong mag-asawa.
Kung may hindi ka gusto sa inyong relasyon ay ipaalam ito sa iyong asawa. Siyempre pakinggan din ang side at opinyon niya.
4. Galangin ang pareho ninyong opinyon.
Mahalaga na maging kalmado kayong mag-asawa sa oras na may problema kayong pag-uusapan tungkol sa inyong relasyon. Ito ay para maiwasang maging exaggerated o defensive kayo sa inyong pag-uusap.
Mabuti rin ito para maiwasang makapagsabi kayo ng mga salitang mas makakapagpalala pa ng hindi ninyo pagkakaintindihan.
Kung kayo ay nasa hindi magandang mood o galit, mas mabuting magpakalma muna bago kayo mag-usap. Saka lang kayo mag-usap kapag siguradong pareho na kayong na maayos na pag-iisip at handang ng makinig sa sasabihin ng bawat isa.
5. Magbigay ng solusyon sa inyong problema.
People photo created by jcomp – www.freepik.com
Para maiwasan ng pagsimulan ng problema ang pagkakaiba ng ugali ninyong mag-asawa ay magkaroon kayo ng kasunduan. Isang kasunduan na patas o sang-ayon ang bawat isa.
Halimbawa, kung naiinis ka sa pagiging makalat ng asawa mo ay ipaalam ito sa kaniya. Maaaring sa inyong pag-uusap ay malaman mong nahihirapan pala siyang maghanap ng mga gamit niya kaya nangyayari ito.
Para mabigyan solusyon ang inyong problema ay i-offer ang tulong mo sa kaniya. Tulad na lamang sa paglalagay ng mga gamit niya sa isang lugar na mas magiging madali sa kaniyang makita.
Tandaan may dahilan ang bawat bagay o problema. Ang tanging paraan lang para masolusyunan ito ay sa pamamagitan ng maayos na usapan.
Sa isang relasyon, isaisip rin na napakahalaga ng open communication. Imbis na patagalin ay mabuting pag-usapan agad ang inyong mga problema. Bagamat minsan nakakainis, ang ugali ng iyong asawa ay tanggapin na ito ay ugali na niya. Makakatulong din na para maiwasan ang problema ay matuto kayong mag-adjust sa ugali ng isa’t isa.
Source:
Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!